Dearest readers,
Hello fellas. Maryan Heather here. Ako na muna ang hahawak ng account na 'to. Dahil naka bakasyon si Ms. Heartruiner at 2013 pa ang balik niya. Yes, you read it right. Next year pa siya babalik. Kaya ako muna kausap niyo hanggang nag-eenjoy siya sa bakasyon niya.
-MH
---------------------------
**02 – From Beyond**
“May kung sino bang nakakaalam kung anong lugar ‘to?” tanong ko du’n sa mga nakakulong rin doon na nag-iiyakan. “Haler? May alam ba kayo? Ano ‘to ngawaan na lang?”
“Quod est illa dicens?”
“Fortasse est ex alia mundi.”
“Illa est a extra?”
“Hoy anong extra? Ako bida dito hindi ako extra. Kayo i-echapwera ko d’yan. Ka-imbyerna ‘tong mga ‘to.”
“Hindi ka nila maiintindihan.”
Napatingin ako sa babae doon sa may sulok. Neh? Mukha siyang bata at nakayakap ang isa pang bata sa kanya. Siguro mga… nasa 13 to 14 yung nakayakap na batang lalaki sa kanya tapos yung nagsalita ay mga nasa 14 to 16 years old naman.
“Jusme, mabuti naman at may nakakaintindi sa akin. Asan ba ako? Tsaka paano ako napadpad dito?”
“Isa ka bang mortal?”
O-kay? Anong mortal? Mortal as in… earthly? Human? Eh ano pala sila? Alien? Immortal? Adik?
“Kfine, bukingin n’yo na. Asan ang camera? Ano ‘to bitoy’s funniest? Laos na ‘yun. Joke time ba ‘to?”
“Isa ka ngang mortal. Paano ka napadpad dito? Sinong kumuha sa’yo?”
Nyeh? Masisiraan na ata ako ng bait. Hala ka, kailangan ko nang magpa-mental hospital? <(OoO)>
“Is this some kind of a dream?” =__=
Waley sumagot. Kainis naman. Sumalampak na lang ako sa may stack ng hays doon. Well at least may natitira pang normal na bagay ang nakikita ko. Pero come to think of it, siguradong wala ako sa ibang bansa. And how come na na-transport ako dito?
YOU ARE READING
Princess Enemy
Novela JuvenilXanara has claimed to live her life as the simplest to the brightest one. She was always on top, whether people like it or not, whether she likes it or not, she is on top. Many had hated the fact including her. But one day she found herself inside a...