[30] - **The End**

3.8K 84 6
                                    

** 30 – The End**

 

 

 

            Binded by blood, separated by death. To whom this life shall surrender where thy blood is offered to spare.

 

            Napabuntong hininga lang ako. Hindi masamang tao si Naya. Wala namang silbi ‘tong konsehong ‘to eh. Panggulo lang naman. May husti-hustisya pang nalalaman.

                 “Ma, di ba reyna naman kayo? Patigilin n’yo na lang ‘to.”

                  “Mahal na prinsesa!” ayan sinigawan ako nung isa. = o =

                 “Eh totoo naman kasi! Sinabi ko na sa inyo di ba? Wala ngang kasalanan si Naya, napilitan lang siya! Ba’t ba kasi ang kulit n’yo? Paulit-ulit na tayo dito di n’yo naman ako pinakikinggan.”

                 “Nilabag niya ang bat—”

                 “Wala akong pakialam sa batas mga buset kayo! Ang sinasabi ko nga lang eh intindihin n’yo rin naman yung tao. Kung anong nararamdaman niya, kung anong iniisip niya. Hinuhusgahan n’yo lahat eh. Wala naman kayong alam maski na katiting sa mga nangyayari.”

            Nanahimik sila. Sa tingin ko naman kasi walang opposing sa council kaya hindi ako napag-iinitan. Kaso ‘tong si Sir Ed tumawa naman.

                 “May punto ang prinsesa.” Yaaaak prinsesa daw. “Gayundin ang punto ni Hera Naya. Humihingi siya ng isa pang pagkakataon. Ibigay natin. Nararapat lamang naman hindi ba?”

                 “Sapul n’yo, Sir. Pogi n’yo talaga.” :D

            Sir Ed eyed me pero matawa-tawa rin naman. Wahahaha ayoko dito sa Euenessia, mamamatay ako sa sobrang pormal. Di keri. XD

            Pagkatapos du’n sa council hall, dinala ako ni Mama sa pinaglalagyan ng scroll na iniwan ni Raikki sa pangangalaga ng Euenessia. I wonder why is he so fond of this world.

                 “Hindi ba sabi mo anak, wala kang nabasa d’yan noong binuklat mo ‘yan?”

            Ngumiti lang ako at inangat ang scroll, kinalagan mula sa pagkakatali nito at binuksan. “Iba noon, Ma. Hindi ko pa naman kasi alam kung paano magbasa ng invisible na scroll. Now I know.” XD

            Tumawa lang siya at tinapik ang likuran ko. I felt people coming to that one place. I hear Cheen and Div’s voice as well as Randall and Stanley’s. Napapakunot ako ng noo sa nabasa ko.

                 “Luna Avrona?”

Princess EnemyWhere stories live. Discover now