[18] - **Understanding Raikki**

3.4K 75 5
                                    

**18 - Understanding Raikki**

*tok tok tok!*

"Zero? Zero, nagpapatawag si tukmol. Punta muna ako sa mga Saint Claires. Nagpahanda na ako ng almusal."

The door creaked and Zero came out from there. Nakatatak sa mga mata niya ang pagka-aburido na hindi ko malaman kung anong dahilan. Ayoko namang mag-assume na dahil lang 'yon sa ayaw niya akong papuntahin kay Raikki. Hindi naman kasi ako assuming.

"Ngayon na talaga? Ba't ang aga?"

"I actually do not know. Kaninang 6AM pa siya nagpatawag. Ibinilin na nga lang kina Div. Baka nga galit na 'yon, eight na kasi. Ang tagal ko lang bumangon sa kama, inaantok pa kasi ako kanina." = u =

Bumuntong hininga si Zero habang nakatingin sa mga mata ko't tila may hinahanap sa loob niyon. Malamlam ang mga mata niya. Para ngang hindi siya natulog buong magdamag. Which reminds me...

"Before I drifted to sleep, did you left the room?"

Umiling siya. Napakunot ako ng noo sabay taas ng kilay when a theory hits me. "Hindi ka natulog noh? Zero naman eh! Ano bang nangyayari sa'yo?"

Ngumiti siya before he pulled me in an embrace. "Do you know this certain feeling... na kapag tinititigan mo ang isang tao, para kang nauubusan ng oras dahil sa sobrang bilis? Yung pakiramdam na hindi kasya ang magdamag para manatili akong gising at mapagmasdan ka. Yung pakiramdam na... na hindi ko magawang ialis ang atensyon ko sa mukha mo. Yung pakiramdam na hindi ako makuntento sa isang gabi lang. Yung pakiramdam na sa kabila ng dilim, alam kong darating rin ang oras na kailangan mo ng gumising, at sa mga oras na 'yon, hindi na ako ang makakasama mo... na baka hindi na pangalan ko ang babanggitin mo paggising mo ng umaga. As much as it is weird to say... Xanara, I don't like mornings. Because it felt to me that everytime another morning would show up, you'll be gone in a blink... then all I am to your life is just a shadow in the night who passed by to look at you and will disappear when the sun sets in."

Napangiti ako and unconsciously ay nayakap ko siya ng mahigpit. "You're not a shadow, Zero. Not just a shadow. Kaya itigil mo na 'yang pagse-senti mo. Kumain ka na tapos matulog ka. I'll knock when I come home okay?"

"Can I..."

"Huh?"

"Taste... your blood?"

Sinubukan kong itulak siya para makita ko ang reaksyon niya trying to know if he's dead serious or not pero ayaw niyang bumitaw at parang bata lang na lalong yumakap ng mahigpit sa nanay niyang ayaw niyang paalisin.

"You don't trust me, do you Xana?"

"I trust you. I trust you enough to grant that favor. Of course you can."

I felt his breathing came hard. Gumalaw ang posisyon ng ulo niya and now he's at my right neck. I feel his warm breath. And then I automatically closed my eyes when a cold sharp thing struck through my skin. Napasinghap ako with the feel of it extracting all blood from there.

"Zero..."

He then stopped. Napalunok ako. I hold on to the hem of his shirt, pinakikiramdaman kung anong mangyayari. Then I felt his lips touched the little bruise his teeth made. Gumapang ang labi niya mula leeg pataas sa pisngi ko. Hindi na ako nakatiis, I met his lips with mine, tasting blood and at the same time, tasting the pleasure his sensual lips is giving me.

But eventually, we had to broke the kiss kahit ayaw pa niya. "I really need to go, Zero." Baka hindi ko mapigilan. >__>

Tumango lang siya at hindi nagsalita. Unti-unti siyang kumawala sa pagkakayakap. Nginitian ko siya then left him a peck on the lips to assure him na hindi mangyayari kung anuman ang kinatatakutan niya.

Princess EnemyWhere stories live. Discover now