[28] - **Written In The Stars**

3K 76 8
                                    

**28 – Written In The Stars**

 

 

 

“When I look at my life,
How the pieces fall into place.
It just wouldn’t rhyme without you.
And when I see how my path
Seems to end up before your face
The state of my heart, the place where we are,
Was written in the stars.”

- Westlife

 

            Wala nang nagbabantay sa akin nang magising ako. Tatlong araw. Sa tatlong araw na ‘yon mas pinili kong hindi magpapasok ng mga tao pwera kay Zero. Ayokong makita sila. Ayokong makakita ng iba. Natatakot akong baka makapanakit ako ng hindi ko sinasadya.

            Ito ang unang beses na bababa ako mula sa silid na pinagkulungan ko. It was weird dahil maski ang tinig ni Zero ay kanina ko pa hindi naririnig. Pagdating naman sa sala, lahat ng ilaw ay nakapatay. Wala ang mga maids na karaniwang palakad-lakad dito.

                  “Hello? May tao ba?”

            And my voice echoed throughout the mansion. Bigla akong kinabahan. Parang noong nakaraan lang ay hindi pa nila ipinaliliwanag sa akin ang nangyayari tapos masusundan na naman ng isa?

                  “Zero! Zero!”

            I ran upstairs at hinalungkat sa bag ko ang cell phone. I called Zero’s number pero walang sumasagot. How ironic. Naiwanan akong mag-isa dito gayong ako ang kailangan nilang bantayan.

            ♪*ten tenen ten tenenen ten*♪

            I checked my phone. Bukod sa call, yung ganung ringtone ay maririnig lang rin sa text messages.

            From: Kira

                 :SOS:

 

            Napatakbo ako sa closet ko. Kumuha ako ng denim jacket saka ko sinuot then walk out of the mansion. On the way tinawagan ko si Kira. Makailang ring pa bago niya masagot.

                  “Xanara!”

                  “What the hell is happening?”

                 “Nasa bahay ako ni Mr. Hamilton. Naya… Naya put the whole house on fire then he took your Mom and Dad.”

                  “What? Si Zero? Nakita mo si Zero?”

                  “I don’t know where he is.”

            I drove to Dad’s house and evidently, people were trying to wash the fire out. Nakita ko si Kira na sapo-sapo ang balikat niya. Napasugod na rin sina Cheen at Divina na paniguradong natawagan rin.

Princess EnemyWhere stories live. Discover now