[26] - **Dejavu**

2.8K 64 5
                                    

**26 – Dejavu**

 

 

            Nawiwindang ako sa nakikita ko. Mula sa simbahan na pinanggalingan namin, pumasok kami sa isang corridor na nagli-lead sa isa pang simbahan. Ang ipinagkaiba, madilim at sira-sira iyon bukod sa may kaliitan pa. Ni walang sinag ng araw ang pumapasok sa loob kaya’t animo’y gabi nang pasukin namin iyon.

                 “Pakawalan mo na si Cheen.”

            Nakita ko sa kadiliman ang ngising pumorma sa mga labi ni Vira. “You really do not know your enemies, do you, Xanara?”

                 “There’s one thing I’m sure of. You’re one of them.”

            Nawala ang ngisi niya. Walang sabi-sabi ay marahan niyang binitawan si Cheen. “Pwede ka nang lumabas. Salamat sa tulong.”

            Napakunot ako ng noo. “Anong tulong?”

                 “Xana, h’wag kang magagalit. Nakiusap siya sa akin na baka pwedeng tumulong ako para makausap ka niya ng malayo sa mata ng mga tao. H’wag ka sanang magalit.”

            Anak ng tokwa. Ano bang kalokohan ‘to?

            Maya-maya ay nag-decide si Vira na i-compel si Cheen na makalimutan ang mga nangyari. Pagkatapos niyon ay lumabas ng lugar si Cheen na parang na-hypnotize. Vampire skills. This is sooooooo frustrating. <(=___=)>

                 “Tunay ngang wala kang matandaan?”

                 “Anong sinasabi mo?”

            Naglakad si Vira. Dahan-dahan, paikot-ikot ng madilim na lugar na iyon. Samantalang ako, nakatayo, nakikiramdam.

                 “Did you ever felt like… like being in here before?”

            A confused face strike through me. Indeed, I felt like I’ve  been here in this stand before. Like I’ve seen this place. Like I’ve stood in here like this.

                 “Is it okay kung magke-kwento ako sa’yo ng isang pangyayaring naganap ilang daang taon na ang nakakalipas?”

                 “Anong pakialam ko d’yan?”

                 “I’ve brought you here to listen to me not to argue!”

            Pakiramdam ko anytime susunggaban niya ako ng pangil niya at lalapain kaya nanahimik ako sa takot na baka gulatin niya na lang ako ng basta-basta. Not that I am worried I cannot beat her off of me. I know I can. I just don’t.

Princess EnemyWhere stories live. Discover now