[15] - **Magkapatid**

3.6K 88 14
                                    

**15 - Magkapatid**

Minsan talaga kahit gaano mo iwasan ang isang tao o ang isang pangyayari, kung nakatakda mo siyang ma-engkwentro wala ka nang magagawa. Hindi naman sa umiiwas ako. Hindi ko lang siguro kaya pang dalhin sa utak ko ang mga mabibigat na bagay gaya no'n.

Yet I knew I can never escape them.

Sa pagmamadali ko, kinuha ko na lang ng basta ang libro ng Jane Eyre at naglakad ng mabilisan papunta sa counter. Tinitignan ko yung price habang naglalakad ng mabilis kaya naman hindi ko nakita kung sinuman ang makakasalubong ko so I ended up bumping into her.

"Oh sorry." Dinampot ko ang sangkatutak na school supplies na dala niya and I was quite surprised na wala man lang siyang kadala-dalang basket man lang para ipansalo niya sa mga dala niya.

"Naku sorry. Sorry sorry."

"Roxie!"

May lalaking dumating tapos tinulungan siya. Buti may dala siyang basket. Nilipat ko rin doon yung mga napulot kong gamit saka ko dinampot yung libro ko at tumayo.

"Xanara."

Nag-angat ako ng paningin. Nagdalawang tingin pa ako sa shock. Shet naman oh. Bookstore talaga kailangang magkita?

"Robin, magkakilala kayo?"

"Ah. Hindi."

Nga naman. Hindi. "Yeah, sorry ulit. Excuses."

I proceeded to the counter. Binayaran ko yung libro. Kailangan ko pa palang mag-widthraw. Then groceries. I should've made my maids do it pero since nandito na lang rin-

"Pero, kuya Shannon, gusto ko nga nu'n! Pautang na nga. Susumbong kita kay Robin!" >:(

"Ay bahala ka d'yan, Ryou. Tsk." Sabay alis nung isa, thus leaving the kid frustrated in front of the saleslady na nag-count na ng price ng book na Harry Potter. Well hindi ko nasilip yung libro but I was sure it's a Harry Potter book since pangalan ni J.K Rowling ang nakita ko sa cover.

Tumawid ako sa kabilang counter at nag-abot ng credit card sa saleslady na ibabalik na sana yung book. "Here, wrap it up."

"Po?"

"Kukunin niya yung book. Pakibilis na lang, may pupuntahan pa'ko."

"Ah okay po, Ma'am."

Nilagay niya sa supot yung book then binalik yung card ko. Binalik ko naman sa wallet ang card ko habang kinukuha ng bata yung libro. "Salamat po... Ate Xana?"

Napatingin ako sa kanya. Tinawag niya 'kong Ate. Ate tawag niya sa'kin. Na-briefing ba 'to ng nanay?

"Hoy, Ryou, pag ikaw nawal- Xanara."

Naghintuan silang tatlo on their tracks na para bang biglang lumipat sa red light yung stoplight at nag-preno ang mga paa nila. So ako yung stoplight? Nyeta sila. -___-

"Anong ginagawa mo dito?" ang tangang tanong ni Randall. Ano pa bang gagawin ko dito? Alangang tumambling?

"Wala, dumaan lang para bumili ng libro." Tinaas ko yung book na naka-plastik. "Ge, d'yan na kayo."

"Sandali. Urgent ba talaga lakad mo?"

Lumingon ako. Yun ata yung Robin? Pinaka-panganay. "Medyo."

"Ah tangna. Di ba pwedeng ipagpaliban yan? Nakita mo kami, wala kang gagawin?"

=___=?

"H'wag ka kasing nagmumura, tol."

Princess EnemyWhere stories live. Discover now