Tazara's POV
"Daddy! Si snow. Ayaw niyang sumama. He's hard headed." Nakapout na sabi ni Lance. Siguro kung sa ibang pagkakataon ay napuri ko pa siya sa ka kyutan niya. Pero iba ngayon. Anak siya ni Aze.
Anak siya ni Azereall Xyre Gamboa. Ang taong nagpatibok ng puso sa loob ng 6 na taon. And yes mas matanda sakin si Aze ng 2years pero dahil mahirap lang daw sila dati ay nakaranas siyang tumigil ng pag aaral. He's already 20 years old and that kid over there is about 5 years old. So ano yun? He was 15 years old nung nag ka anak siya?
"Daddy, look. May tinatahol si snow." Hindi ko namalayan na tumatahol padin pala ang aso.
So is it possible na ang babaeng nakita ko dati sa puntod nung iburol ako ay ang mama ni Lance at asawa siya ni Aze?
Nagtaksil si Aze?
"Pinagtaksilan mo ako Aze?!" I run towards him para suntokin siya pero wala. My fists just passes through him.
"Arghh! Galit na galit ako sayo Aze! Bakit? How could you choose me over this poor iid of yours! But wait. Did you really even choose me?" I keep on shouting. Keep on blaming him at hindi lang ako galit dahil sa may iba siya kundi ang pagtaksil niya sa...
"Asawa at anak mo." Napaupo na ako sa bench sa tabi ko dahil parang malulunod na ako sa tindi ng nararamdaman ko.
"Daddy. I can hear noises again." Nakita ko na kumapit si Lance sa binti ng Ama niya.
"Lance hayaan mo na yan. You're just imagining stuffs again." Aze patted Lance's shoulder.
"Daddy she's really sad." At alam ko na ako ang tinutukoy ng bata.
"Umuwi nalang tayo baby. You just need some rest. Wait here, I'll get snow." Tumango naman si Lance sa papa o Daddy niya.
"Good. Now wait." Nagsimula nang mag lakad si Aze sa gawi ko dahil nandito padin si Cookies and cream sa harap ko pero this time hindi na siya tumatahol.
"Snow!" Pag aya ni Aze sa aso. At mukhang malapit sakanya ang aso dahil agad itong tumakbo patungo sakanya.
"Siguro namiss mo nang mamasyal kasama si Zero no?" He said while playing Cookie's and cream's fur.
"ARF!" Tahol ni Cookies na para bang sumasang ayon.
"I miss him too. But I miss my love even more." He continued at lumapit na kay Lance para umuwi.
"I miss you even more, love." And by that? Lahat ng galit ko sakanya. Nawala.
Napapadalas na ata ang pagdalaw ko ngayon sa puntod ko. It's already months since my burial. At ilang beses na akong nakabisita sa bahay. At eto ako ngayon, sa puntod ko. Nagmamasid.
At simula ng pangyayaring iyon ay hindi na ako nakakita kay Aze at Lance. Kahit ang ina neto. Not even a shadow.
"At least ngayon hindi nalang dalawa ang destination ko. Naging apat na." Tumawa ako ng mapait.
Nagsimulang humangin ng malakas kaya ang mga puno sa paligid ay nagsimulang magsayawan.
Naaaliw din naman akong panuorin ito. Napaka tahimik ng lugar at tangin mga dahon lang at pagbugsok ng hangin ang maririnig mo. Maya maya ay nagsimulang magdilim ang paligid. Uulan nanaman siguro. Patapos nadin kase ang summer.
Kaya bago pa magsimulang bumagsak ang ulan ay nagpasya na akong bumalik sa park. Yun na ang naging tirahan ko. May maliit din naman kase dun na pavilion kaya dun ako nagpapalipas ng gabi. Aba't na tutulog din ako no. Nakakaramdam din ako ng antok.