SHADOWS 5

29 5 0
                                    

Tazara's POV

Natapos ang buong linggo ko na pabalik balik sa mga destinations ko. Sa park, cathedral, bahay at puntod ko. Nakakasawa na. Hindi ko nadin nakita si cookies, Lance at pati si Aze.

Kasalukuyang nasa mini lagoon ako dito sa park. Nagsilong ako dito sa ilalim ng puno ng akasya kung saan kami mismo ni Aze unang nagkaaminan and that was 6 years ago.

Flashback

"Hoy ikaw nakakarami kana ah! Tirhan mo ako ng iskul bukol!" Sabi ko habang punong puno ang bunganga ko ng iskul bukol. 

Nagpaparamihan kase kami ng laruang makukuha sa loob neto.

"Among tirhan eh tignan mo nga! Para kanang baboy dyan." Pang aasar naman neto pero inside kilig na kilig na ako. Sa gwapo ba naman ni Aze? Duh wouldn't fall for him that easily.

"Hala sige mang asar kapa! Hindi na kita sasamahan dito kahit kailan." Pagbabanta ko naman sakanya at bakas sa kanyang mukha na nagulat siya pero agad din naman itong nasuklian ng matamis niyang ngiti.

"Edi wag! Isasama ko nalang itong si Zero." Zero? Sino naman yun? Siguro bago niyang kaibigan. 

"Abat ipagpapalit mo na ako? Tapos parang pangalan pa ng aso ang pangalan niya! HAHAHA" abat ganti ganti lang ito no.

Pero imbis na bumusangot ang mukha niya ay napatawa naman siya ng malakas. Bigla naman siya ng umikot sa puno ng akasya at pagbalik ay may dala siyang kahon. Nagtataka ko naman siyang tinitigan.

"Oh bakit ganyan ka makatingin sakin ah!" Natatawa padin siya.

"Aish ano bang laman dy-" naputol ang sasabihin ko ng may biglang tumahol.

"Aze narinig mo yun?" At may tumahol naman uilit.

"Syempre naman. Nandito siya eh" nagulat ako nung nakita kong may isang puppy sa loob ng kahong bitbit niya.

"Zara, meet zero. Zero, meet Zara... Your mommy." Ramdam ko ang tinding pamumula ng mukha ko sa mga sinasabi niya.

"A-aze t-tumigil ka nga!" Sabi ko na pilit tinatago ang kilig. 

"Zara there's something I wanna tell you." He looked at me sincerely. Pero hindi ako sumagot.

"I like you." Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya at hindi na ako nag paligoy ligoy pa. 

I tiptoed to reach his cheeks and give him a kiss.

"Bye!" At tumakbo nadin ako pauwi with all the happiness in the world.

End of flashback

"Hmm memories." I said and started to take a nap.

"Takbo zara, takbo!" Naghahabol hininga na ako dahil may malaking lobo daw na nag hahabol sakin. 

"Wahhh pagod na ako!" Dahil pagod na ako ay napatigil ako sa pagtatakbo ko at nakita ko ang lobo na parang nag transform into aso. Kamukha pa ni zero at agad na dinilaan ako.

Pero bakit parang nababasa talag mukha ko? 

Nagising ako nang naramdaman ko na may basa talaga at nakikiliti talaga ako. 

"Zero?" Namulat ko ang mata ko at nakita ko si Cookies and cream at Lance na nagmamasid sakin.

Napabalikwas ako dahil medyo nagulat ko. Its been weeks since last kaming nagkita tapos eto? Nasa harap ko lang sila? Nanaginip pa siguro ako.

"Lady ghost? What are you doing?" At mukhang totoo nga. Gising na gising ako.

"Lance!" Napatayo ako napaakap sakanya. I can feel his heat. 

Shadow LoveWhere stories live. Discover now