SHADOWS 14

68 2 7
                                    

Chapter 14

Tazara's POV

Natapos ang dinner na hindi ko alam kung ano ang nangyari doon sa loob. Nagtatataka ako, oo. Pero hinihintay ko na si Lance mismo ang magsabi. Pero nabigo ako. Wala akong may narinig na kwento mula sakanya.

Nandon si Lance ngayon sa school niya at ako ay nagpaiwan dito sa bahay. Nagtaka siya pero hindi niya na ako pinilit pa. Pero sa totoo ay pupunta ako sa bahay dahil mangangamusta ako mama at papa. I admit it. I miss them.

Naglakad ako ng matagal. Nadaanan ko pa nga ang park at ang cathedral. Hindi ako nakaramdam ng pagod o kung ano man.

Thinking na uuwi na ako sa bahay. It's been almost 7 years na wala akong balita sakanila. Ok pa kaya sila? Honestly again, I don't know.

Hindi na ako nagtagal sa paglalakad at naabot ko na ang bahay.

Iba. Iba na ang itsura neto. Mas naging makulay ang labas, dumami ang mga halaman, at isa sa pinagbago ko sa lahat. May isang bintana na nadagdag sa bahay mukhang bagong kwarto.

Nagsimula akong naglakbay papasok at narinig ko si mama. Bosses ni mama yun. Hindi ko maitago ang saya saking dibdib habang sinusundan ko tinig ni mama na nanggagaling sa kusina. Batid sa tono neto ang saya at walang bahid na kalungkutan.

"Phyra! Come here. Let's eat already." Pagtawag ni mama. Who's Phyra?

Bumukas ang pinto sa sala at iniluwa naman neto ang papa. Naglakad ako papalapit sakanya pero nagulat ako nang may batang babae na naunang tumakbo papalapit sakaniya.

"Daddy! I wanna go to ate Zara. I miss her." D-daddy?

"Sure, honey. We'll visit your sister, but first you should eat. Then we can go."

Hindi masyadong nag sink in ang mga nangyayare sakin. Is that little girl my sister?

"Oh you're here, Matthew. Phyra, let's go." Naglakad sila papunta sa kusina at lutang naman akong sumusunod sakanila.

"Daddy, do I look like ate? Am I also beautiful like her?" Pagtatanong nang bata.

"Yes honey, you surely got her eyes." Tugon ni papa while pinching her face.

"Phyra bilisan mo so that we can buy some flowers sa ate mo." Pagaulpot naman ni mama.

"Ok, mommy."

Nagbago na lahat. They were happy without me. They had someone to replace me pero bakit ganon? I don't feel jealous at all. It's like I'm contented on seeing them happy. At least they still remember me.

"At least." I said to myself.

Lumabas na ako ng bahay. Hindi na ako nag libot o ano pa. I was contented on what I saw.

"Bye, ma and pa. This would be the last day I would be visiting the house. I know you'll be happy for the rest of your life. I love you."

Then a tear fell off my eyes but that tear means a happy and contented tear. No signs of regrets were there and that's the truth.

I decided to return sa park at para makapagisip.

"Phyra? Hmm ang hilig talaga nila sa mga unique names." i said to myself.

Ilang oras din ako sa park bago nagpasyang pumunta sa school nila Lance. Gusto kong makita siya at di ko alam bat parang may nagtutulak talaga sa akin ba puntahan siya.

"Tita!" dinig kong pagsinggit ng isang batang babae sa likod ko na naiiyak na dahil mukhang nawawala ito.

"Tita!" pagsinggit neto muli at napaupo na talaga sa sahig dahil sa pagwawala niya. Her age is around 9 i guess?

I can't help but to help her, pero di ko alam kung paano. Lalapit na sana ako sakanya ng bigla syang tumayo at pinahiran ang kanyang luha dahil may isang babaeng lumapit sakanya na around 28 ata ang edad kaya nagmasid lang muna ako.

"Bata what's wrong? Where's your tita?" habang pinapahiran ng babae ang mga mata nung batang nagmumugto na mukhang kanina pa talaga nagiiyak.

"I'm lost." simpleng sagot nito.

"Do you know where your home is?" pagtatanong muli ng babae.

"Yes, but i won't let you take me there. Tita said that i shouldn't go with strangers." sa pagsagot ng bata ay biglang kumunot ang noo ng babae kaya aktonh hahawakan niya sana ito para ata mas magkaintidihan sila ay bigla namang sumigaw ang bata kaya di maiwasang makakuha ito ng pansin sa mga taong nasa paligid.

"Wahh you're hurting me somebody help! She's hurting." what is she doing? halata namang di siya sinasaktan nung babae.

"Shh i'm sorry please hush baka ano isipin ng mga tao." tilang pabulong na sabi ng babae sa bata.

"Ahhhh help" nabigo ang babae sa pagpapakalma sa bata.

Maya maya ay may isang babae na lumapit at para bang kilala ito ng bata dahil bigla niya itong niyakap.

What the hell the guy looks familiar. Is that Arlo?

Arlo is a childhood friend of mine and he left before dahil may sakit ito sa puso and hindi siya nakapagpaalam sa akin which made a huge destruction to me.

"Miss is there a problem? Why are you hurting my sister?" pagtatanong ni arlo sa babae.

"No i wasn't hurting her! There has been a misunderstanding." kita ko ang pagtaas ng mata ni arlo na parang di talaga kumbinsindo sa sinabi ng babae.

"Pay us or I'll report you for child abuse. Or were you planing to kidnap her?" parang nabuhusan ng malamig na tubig ang mukha ng babae dahil sa sinabi ni Arlo kaya agad agad siyang bumunot ng pera sa wallet niya at binigay ito sa kay Arlo na nanginginig ang kamay.

Binilang ni Arlo ang pera at tumaas muli ang kilay niya.

"Kulang to." walang emosyon na pagkasabi niya.

What the hell? Bakit niya ginaganito ang babae? Did the both of them did that on purpose? That's absurd.

Kaya wala man lang pag alinlangan ay bumunot ulit ng pera ang babae at kinuha ito ni Arlo at saktong pag abot ng pera kay Arlo ay may pumito na police sa paligid at sinabihang tumigil ito.

"TIGIL!" o damn patay.

Nakita kong tumakbo si arlo sa gawi ko at ng malapit na ito sa akin ay tumigil siya sa mismong harap ko.

"Zara?"

--
I'm so so sorry sa late updaaate guys pero ito na. Happy reading :>

Shadow LoveWhere stories live. Discover now