Prologue

5.3K 99 3
                                    

Sa pagmamahal, hindi laging masaya.
Dulot rin nito ang sakit at poot.
Makakasama lamang iyan sa puso't utak.

"Hi ako nga po pala si Sinaktan Niya, ang mga magulang ko po ay sina Pinaasa Niya at Niloko Niya, ang kapatid ko naman po ay si Iniwan Niya. Kami po ang Niya Family"

"Anong pinagsasasabi mo diyan? Anong nangyari sa'yo?"

"Mali yang huling tanong mo eh, dapat ganito... Anong nangyari sa ating dalawa?"

"..."

"Huwag ka na ring umasang bibigyan pa kita ng Second Chance dahil alam kong sasayangin mo lang yon"

"Paano mo naman nasabi yan?"

"Advance ako mag-isip eh"

***

Isa lamang po akong hamak na labing siyam na taong gulang, na babaeng sawi at walang pag-asa sa pag-ibig. Marami na ring babae ang dumaan sa buhay ko, pero bigo ako sa kanilang lahat. Kasalanan ko bang naipanganak akong duwag at torpe?

Nasa Senior High na ako, Grade 12. Nag-aaral po ako ngayon sa Hugot University, paaralan ng mga iba't ibang klaseng studyante. Scholar po ako dito dahil isa akong basketball player, ginawa nga nila akong captain eh, swerte ko rin noh? Bukod sa pagbabasketball, hilig ko rin ang Archery. Ewan ko ba, baka dahil Sagittarius ako, well ipinanganak ako-- I mean kami, ipinanganak kami ng kambal ko noong December 9. Favorite ko na ring number yung 9, well dahil nga birthdate ko at ika-siyam yung Zodiac Sign ko. At siyempre, yun na rin ang number ko sa likod.

Mahirap lang po kami, kaya buti na lang at may scholarship ako. Kami lang po ng Mama ko at kambal ko, well scholar din siya dahil volleyball player siya at nag-aaral kami sa parehong paaralan. Swerte talaga kaming kambal. Marami rin naman kaming pagkakatulad, gaya ng number namin sa likod na favorite rin niya. Magkaparehas kaming mahilig na kumain ng spicy foods, manood ng horror movies at marami pang iba. Well, mahilig rin ako sa ampalaya. Pero marami rin kaming pagkakaiba, isa na dun ang gender at sexuality namin. Pinanganak kasi akong may panglalakeng part sa ibaba ko, habang si kambal ay normal na babae. Akala ng mga doktor ay lalake ako pero habang tumatanda ako, napansin kong bumubukol yung dibdib ko pero yung hindi kalakihan. Hindi gaya ng kapatid ko na nabiyayaan ng hinaharap. May personal doctor ako para sa situasyon kong ito.

Bale dalawa ang role ko dun sa LGBTQ+, isa akong intersex na lesbian. Yung kambal ko naman ay straight na straight talaga at napaka-girlish niya. Habang ako, well binagay ko na rin sa sitwasyon ko. Mga damit at gamit ko ay panglalake, androgynous rin naman ako eh tsaka flat. Pero ang alam ng buong school ay babae ako na tomboy.

Hay... Buti pa yung kambal ko may boyfriend na, eh ako? Wala! Wala pa ring gerlpren. At tsaka masasaktan rin naman ako diyan sa lab lab lab na yan, advance ako mag-isip eh.

Ang pinakamagandang nanay namin na si Latona ay single pa rin, pero kahit nag-iisa lamang siyang nagtaguyod sa aming kambal ay pinalaki niya kami ng maayos. Siya ay mapagmahal na ina, kaya mahal na mahal namin ni kambal si Mama. Iniwan siya ng Papa namin nung nalaman niyang buntis siya dahil may asawa na siya. Sa totoo lang, hinding hindi ko mapapatawad ang tinatawag naming Ama.

Mahilig si Mama sa Mythology, lalo na sa Greek Mythology. Kaya pinangalanan niya kami ng mythology names. Dahil kambal kami, hinango niya ang pangalan namin sa kambal na sina Apollo at Artemis. Ang pangalan ko ay Phoebus Delian na ang ibig sabihin ng Phoebus ay brilliant or shining, at ang kambal ko naman ay Diana Cynthia.

Hindi ko alam kung coincidence ito sa hilig ko sa archery pero si Apollo ay Lord of the Silver Bow, siya ang Archer-God.

Marami pang ibang pangalan ang kambal mythology na yun, gaya ng Phoebe at Selene. Kung ang kambal ko ay Moon, ako naman ay Sun.

Payapa lang akong nag-aaral sa Hugot University, hanggang sa mayroong hindi inaasahang mangyari na magpapabago ng buhay ko. Dumating ang babaeng sumira sa buhay ko.

_________

Tagalog naman po ang gagamitin ko this time dahil medyo nahihirapan na ako sa pag-e-english, kaya slow updates po yung ibang mga stories kong English.

Alam ko po... KORNI. Just bear with it.

Also, all of my characters' names are from mythology and expect some mythological stories.

Warning po, may sexual scenes po. Kaya yung mga malilibog diyan, labas na.

Prepare to face palm, cringe, magalit, umiyak, matawa, makilig, at maka-relate.

AmPALAYAIN Ka (Bitter, Let You Go)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon