Chapter Twelve

1.7K 80 1
                                    

P H O E B U S

Malapit na ang pasukan, sa next week na.

"Ano pala kukunin mong course?" tanong ni Clytie.

"Ikaw, of course" ay mali! Makikilig na naman siya.

At hindi nga ako nagkamali, may hampas hampas pa sa balikat ko habang natatawa.

"Ano ba, tayo na lang kasi"

"Diyan ka na nga, maliligo na ako. Kumukulo na yung tubig na pinainit ko"

"Ay di ka pa pala naliligo?"

"Nag-away kasi kami ng tubig, cold niya kasi eh"

"Lamnadis, Hugot #12. Geh go na, ambaho mo" tinakpan pa ilong.

"Di ako gaya ni Ares!" sigaw ko habang tumatakbo.

"Sun!" narinig kong sigaw ni Moon. Ano na naman ba.

"Teka lang, nagbibihis pa ako" kakatapos ko lang maligo.

Lumabas ako sa kwarto. "Bakit?"

"Sun, alam mo ba kung bakit bumisita yung kapatid natin kay Cyrene?" tanong niya. Kapatid? "Si Ares Olympus" sabi niya nung nakita niya ang mukha ko na puno ng curiosity.

"Paano naman natin naging kapatid yung asungot na yun?" Inis kong tanong.

"Olympus ang dapat na apilyedo natin. Nalaman ko lang yun nung pumunta dito si Daphne para ipaalam ang lahat. Iba yung mga pangalan natin. Ikaw dapat ay Apollo, ako naman si Artemis" paliwanag niya.

"Huh? Anong... anong pinagsasabi mong ganyan ang pangalan natin?"

"Iyon ang mga pinangalan sa atin ni tatay, sabi pa ni Daphne sa akin nun na yun din daw ang pangalan sa atin sa birth certificate"

"Ako? Apollo pangalan? Parang ang macho naman pakinggan" tinaas niya pang yung kilay niya sa akin. "Wait, about pala dun sa Ares na yun. Paano mo alam na kapatid natin siya? Di porket Olympus na ay kapatid natin agad"

"Nalaman ko nga lahat-lahat kay Daphne"

"Anak ba ni tatay yung Ares na yun?"

Tumango siya. "Ay hinde, anak ni Mama" Dumilat siya. "Syempre anak ni tatay, kaya kapatid natin siya. May isa pa tayong kapatid na babae, si Hebe. At eto pa ang malupet, ikaw ang heriess ng lahat ng kayamanan ng Olympus at Griyego"

Bumilog yung mga mata ko, "Kaya pala sinasabi sa akin ni Daphne noon na kailangan ako ng GLC"

"GLC?" takang tanong niya.

"Oo kumpanya ni tatay, Griyego Laurel Company. Teka yung Olympus na dapat na apilyedo natin. Yung DOC na kumpanya ni Cyrene, bakit Divine Olympus Company ang pangalan? Bakit may Olympus? Bakit ngayon ko lang nare-realize ang lahat ng mga ito?" hinimas ko yung sentido ko.

"May isang tao lang ang makakasagot ang lahat ng mga yan"

***

"Ailinon Theseus and Divine Olympus were lovers back then. Their love is forbidden because magkaaway ang kanilang pamilya. Nung naging 21 years old na si Divine, napagdesisiyonan ng magulang ni Divine na ipakasal siya sa anak ng business partner nila. Nakarating ang balita kay Ailinon, kaya kahit masakit ay kailangan niyang lumayo sa kanyang minamahal. Sabi nga nila, kung talagang mahal mo ang isang tao ay handa kang magparaya.

"Nagpakasal si Divine at naging isang Laurel. Nagdalang-tao si Divine dahil ginahasa siya ng kanyang asawa kaya nag-file siya ng annulment. Nalaman ni Ailinon na annulled na si Divine kaya bumalik siya at muli silang nagsama, tinanggap niya kahit buntis siya sa dating asawa. Ngunit nagkaroon ng karamdaman si Divine. Pagkatapos niyang ipinanganak si Zeus ay namatay siya kaya si Ailinon na ang nangalaga sa bata at tinuring na anak.

AmPALAYAIN Ka (Bitter, Let You Go)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon