Chapter Thirteen

1.9K 85 21
                                    

P H O E B U S

"Phoebe!" narinig kong tawag niya sa akin sa itaas, kaya tumakbo ako hanggang maabot ang kwarto niya.

Pumasok ako, nakita ko siyang nakaupo sa kama. Napansin kong nakasuot na siya ng night gown niya.

"Bakit?"

Lumingon siya sa akin, seryoso yung mukha niya. Umupo ako sa tabi niya, nakakanerbyos naman toh. Tense masyado ang pumapalibot.

"Phoebe, I need to be honest with you. And I want you also to be honest with me" tumango ako. "Have you ever been in love?" tanong niya, napatingin ako sa ibaba.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot, "Oo, once lang"

"How does it feel?"

"Masarap, masaya, masakit. I can't put into words, only action will tell. Cause I believe that action speaks louder than words. LOVE, apat na letra pero napaka-powerful sa lahat. Bakit, in love ka rin ba?" luh, yung crush ko may crush nang iba.

"Yes, I'd never knew that she will be the right person for me. The right person whose sitting beside me right now" bumilog yung mata ko.

Owwsss.

"Cyrene..." wala akong masabi. Shet in love siya sa akin? But I don't feel the same, I mean paghanga lang ang nakikita ko sa kanya. Tsaka, di pa ako handang magmahal muli.

"Now that I've told you, we're going to ignore each other again?"

"Nope... It's just that... I'm sorry, I... I don't feel the same. I'm not yet ready to open up my heart again"

"Phoebus, you've given me false hope at that night. Kapag walang tumawag sayo at natuloy yung di dapat mangyari, paninindigan mo ba ako kung sakali man?" naiiyak na siya.

"Oo naman, kapag may nagalaw akong babae irerespeto ko pa din. Di ako fuckgirl"

"Alam kong takot kang magmahal muli, kita ko sa mga mata mo. Phoebe, hindi lahat ng babae pare-pareho. Hindi lahat ng babae ay gaya ng ex mo"

"Cyrene, di mo alam ang nangyari sa amin ng ex ko. Hindi ko kasalanan kung sadya talagang marupok ang puso ko para umibig muli"

"Bat di mo ako bigyan ng chance? Aalagaan ko naman yang puso mo eh" seryoso siyang nakatitig sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay ko. "What if liligawan kita?"

"Huh? Pe--" naputol ang sasabihin ko sana nung nilagay niya yung daliri niya sa labi ko.

"Shhh, huwag ka nang magsalita. Hayaan mo akong ligawan ka, nang makita mo na deserve ako para sayo"

"Okay... pero dapat hindi ligaw tawag nun, weird kasi eh. Tawagin nating first chance para sayo" nakangisi kong sabi.

"Alright" tumango siya. "So magsisimula na ako ngayon, dito ka na sa kwarto ko matulog. Tabi tayo" nakangisi pa. Eh hubad akong natutulog, panu yan?

"Huh? Eh iba ako matulog eh, baka pagkagising mo nasa floor ka na" pagrarason ko.

"Huwag ka nga, hindi first time na makatabi kita matulog" ay oo pala, yung gabing muntikan na may mangyari sa amin. "Alam kong hubad kang matulog, okay lang naman sa akin eh"

"Ah okay"

***

"Baby!" narinig kong sigaw ng insan ni Cyrene. Napalingon ako sa kanya, papasok na sana ako ng kotse para umuwi.

Tumakbo siya sa akin at niyakap ako, wao panu siya nakatakbo ng may high heels. Marami nang nakatingin sa amin, shet nakakahiya.

"Ah Cassandra..." dahan dahan kong inalis yung mga kamay niya sa batok ko. Kung makadikit, parang kame na ah.

AmPALAYAIN Ka (Bitter, Let You Go)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon