Chapter One

3.3K 94 1
                                    

P H O E B U S

"Delian!" Narinig kong tawag ni Mama, second name ang pantawag niya sa akin pati na rin kay kambal. Kakatapos ko lang maligo. Lumabas ako sa kwarto namin ng kambal ko at pinuntahan si Mama sa kusina na nagluluto, masarap talaga ang mga luto ni Inay eh. "Halina na kayo't kumain na tayo, ihahain ko lang ito. Tawagin mo na si Cynthia kung saan man siya" Tumingin ako sa luto niyang ampalayang may itlog.

"Ah nasa labas lang po si Moon, teka pupuntahan ko po siya" Lumabas ako sa munting bahay namin na inuupahan lang namin. Nakita ko si Moon na naman nakikipagchikahan sa kapitbahay. Ang-aga-aga chismis na agad inaatupag. "Moon!" Sigaw ko dito, sumenyas akong lumapit siya.

"Oh Sun!" Tumakbo siya sa akin. "Kakain na ba?" Tanong niya, tumango ako dito.

"Hi Phoebus" Tumingin ako sa tumawag sa akin. Yun lang pala yung kachikahan ni Moon, si Clytie.

Ang nanay niya ay nagmamay-ari ng Sari-Sari Store, pero siya ang nakikita kong nagbabantay dun sa tindahan nila. Ngumiti lang ako sa kanya. Pumunta na kami sa bahay para kumain.

"Male-late ka Moon, buti may isang oras ka pang maghanda. Aantayin na lang kita sa labas" Tumango siya.

Nang natapos na kaming kumain, nagpaalam na ako. "Bye Mama" Hinalikan ko siya sa pisngi at yumakap, tsaka lumabas na ako ng bahay.

Tumungo ako sa jeep at naging barker, "Sakay na po, walang poreber!" Sigaw ko, bitter rin. "Sakay na po kayo! Dadalhin ko kayo sa road to forever" Sigaw ko na naman, bipolar rin. Nang marami-rami na rin ang sumakay ay pumunta na ako sa harap.

Kinapkap ko yung pantalon ko para kunin yung susi, nang mahanap ko na ay pumasok ako sa pinapasadahan kong jeep.

Namamasada ako ng jeep ng tatlong taon na, at nagtratrabaho ako sa talyer ng tatay ni Clytie. Sa kanila rin yung jeep na ginagamit ko. Well sila talaga yung kapitbahay naming may kaya.

"Sun, tara na baka pagalitan ako ng boss ko" Sabi niya nung nakapasok na siya. Nakapang-business clothes siya, blouse, blazer at pencil skirt. "Well hindi naman siya nagagalit sa akin, parang nga siyang mahinhin eh" Isa siyang sekretarya ngayon ng CEO ng Divine Olympus Company (DOC), di tulad ko na isa lamang jeepney driver.

Sinimulan ko ang engine at nagmaneho na, "Manong bayad ho!" Teka, kilala ko yang boses na yan ah. Kinuha ko yung bayad at sumulyap sa nag-abot. Nang magtama ang aming mga mata ay nagulat at kinalibutan ako. Humarap na ako at nagpokus sa pagda-drive baka mabangga pa kami, tapos makukulong ako. Ay naku! Hirap nun.

Bakit nagkita pa kami? Mapayapa na buhay ko oh, limang taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa niya sa akin.

"Sun? Okay ka lang?" Tanong ni Moon sa akin.

"Huh?" Lumingon ako sa kanya ng saglit lang, "Ah... oo naman, Moon. Malapit na tayo"

Tinabi ko yung jeep sa harap ng isang malaking building, "Sige Moon, susunduin na lang kita sa gabi. Bye" Tumango siya at nag-wave ng kamay bago pumasok sa DOC.

***

Dumiretso na ako sa talyer pagkatapos ng pamamasada ko. Tinuruan ako ni Tito Pluto sa mga gawain dito, limang taon na rin akong nagtratrabaho dito kaya ako ang pinaka-second boss dito, ako ang namamahala kapag wala si Tito.

Hindi lamang pamamasada at pagtratrabaho sa talyer ang inaatupag ko, isa rin akong tattoo artist este assistant lang pala, hindi ko nga alam mag-drawing eh.

May shop ang kuya ni Clytie na si Pygmalion na kung tawagin ay Tattoos Piercing, & Barber Shop (TPBS), nagtrabaho na ako dun bilang assistant niya. Pero hindi talaga ako legit dun. Ginawa na rin ni Pygmalion ang buong katawan kong canvas, kaya ayun para na akong naglalakad na art painting. Hindi sang-ayon si Mama sa naging kalalabasan ng katawan ko, parang isa daw akong tulisan. Pero doon ko kinukuha ang dagdag na sweldo. Isang ink sa katawan ay wampipti na yun, at tska piercing na rin pero dalawa lang, two hundred sweldo ko sa dalawang yun sa mukha ko. Pinagpapraktisan niya ako kaya may sweldo ako, mabuti naman at walang na-mess up sa pagpraktis niya sa akin.

Habang nagtratrabaho, naisip ko na naman yung nightmare ko. Hindi ko akalain na magkikita kami muli, at sa jeep ko pa-- ay este, jeep ni Tito pala.

Siya lang naman ang babaeng aakalain kong hinhintayin ko sa altar, pero akala lang pala. Siya lang naman ang babaeng pinaasa, niloko, iniwan, at sinaktan ako. Siya lang naman ang babaeng nagpapa-advance ng utak ko at siya lang naman ang dumurog sa puso ko. Siya lang naman si Marpessa Coronis, ang babaeng pinaka-first ko. Oo, first date, first kiss, first se-- *ahem* alam niyo na yun... sa kanya ko binigay yung pagka-inosente ko at binigay niya rin sa akin yung kanya, at tsaka especially first LOVE.

Hindi ako naniniwala sa First Love Never Dies, pero naniniwala ako sa First Love Dies, meron bang ganun? Haha. Pighati at hinanakit na lamang ang nararamdaman ko sa babaeng yun, at sana please... ayoko na siyang makita muli kailanman.

Hay! Tama na nga!

Nagbreak-time muna ako, umupo ako sa gilid. Maraming sunflowers na nakatanim dito na pinapaligiran ang buong talyer, ewan ko ba kay Tita Proserpine. Pumitas ako ng isa at pinuntahan si Clytie sa tindahan nila.

"Tao po!" Kumatok ako, nang makita ako nito ay ngumiti siya ng malapad. Eh crush na crush ako nito eh. Binigay ko sa kanya yung sunflower. "Bagay mo yan, unique yung story ni Clytie sa mythology eh dahil sa halip na God ang magkagusto sa dalagang mortal ay baliktad ang nangyari, yung maiden ang nagkagusto sa God. Sa kakatitig niya ng sobra kay Apollo ay naging halaman siya, the sunflower"

Pumula yung pisngi niya, "Dami mong alam, pero salamat dito ah" Tumango ako. Mahilig rin kasing magkwento sa amin si Mama ng mythology, kaya ayun nahawa na ako sa pagkahilig sa mythology.

"Pabili nga ng tubig" Uhaw ako eh, tsaka pagod sa trabaho.

"Warm or cold?"

"Kahit ano, basta hindi ako malulunod sa pagmamahal niya"

Umalis siya para kunin yung tubig at tsaka bumalik, "Hugot #1, sorry nagsimula na naman akong magbilang ulit. Na-lost count ako sa pagbibilang ng marami mong hugot eh, pwede ka ng gumawa ng libro. Sobrang nasaktan ata yang kawawang puso mo" Kung alam mo lang kung gaano kasakit.

***

D I A N A

"Pinapatawag niyo daw po ako, Miss Psamathe--" Pinutol niya yung sinabi ko.

"Diana, didn't I told you to just call me Cyrene? Anyway, I remembered you told me that your twin sister is a jeepney driver?" Tanong niya. Inglesera rin kasi to eh, kaya minsan nakakanose bleed. Buti na lang at naging call center agent ako bago maging secretary niya.

"Yes, Ms. Psa-- I mean Cyrene"

"My driver is old enough to drive me anywhere, that's why he resigned" Wait, alam ko na patutunguhan nito ah. "I want your twin sister to be my new personal driver. What's her name again? Phoebus Delian Delos?" My eyes widened and nodded slowly answering her last question. At tsaka ano daw? Bibigyan niya ng trabaho ang kambal ko? Well nagtratrabaho naman siya sa Talyer ni Tito Pluto at namamasada pero hindi yun sapat na pangtustos namin sa mga gamot ni nanay at mga bills pa, minsan kulang rin yung sweldo ko. Just grab the opportunity na lang, grab lang ng grab basta huwag uber.

I bit my lip and look at her, I nodded. "I will tell her, thank you for giving her a job" Tumango lamang siya at ngumiti. "At kung pwede, magsimula na siya bukas. Puntahan niya ako sa address na ito, at exactly 7:30" May binigay siya sa aking piece of paper kung saan nakasulat yung address niya. "Oh and you'll overtime today"

"Yes Cyrene" At tsaka umalis na ako. Panu yan? Paano ko sasabihin kay Sun na mag-o-overtime ako? Eh wala kasi siyang cellphone, binenta niya para pambili ng gamot ni Mama. Ambait talaga ni Sun, mapagmahal na anak. Well, ako rin naman pero mas maalaga si Sun. Swerte yung babaeng mamahalin niya.

AmPALAYAIN Ka (Bitter, Let You Go)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon