Chapter Five

1.9K 58 0
                                    

P H O E B U S

"Moon... ilang taon na pala si Cyrene?" Alam kong hindi pa siya natutulog, pareho kaming nakatitig sa buwan. Malaki kasi yung bintana kaya abot hanggang sa bed ni Moon.

"25 na siya" Narinig kong sagot niya.

"Bakit di pa siya nag-aasawa?" Nasa tamang edad na rin kasi siya para magkapamilya na, mahihirapan siyang magbuntis kapag nasa 30's na siya. Oh edi anakan mo na. Baliw ka talaga, brain!

"Hindi pa ata siya handa, kagaya mo" Tinaas ko yung kilay ko.

"Ba't naman ako nadamay diyan?" Si Moon talaga oh.

"Pareho kayong nakasarado ang puso't isipan para sa pag-ibig"

"Awtss..." Napakagat labi ako. "Nagkaboypren na ba siya?" Tanong ko dito.

"Hindi pa... Workaholic kasi siya kaya walang time para sa pag-ibig. Ewan ko ba dun, maganda pa naman siya. Tatandang dalaga ata yun. Marami nang mga anak ng business partners namin na nanliligaw sa kanya pero panay rejections lamang ito. Kahit mga gwapo pa sila na artistahin ang mukha at pang-model na katawan, wala pa rin siyang interes sa mga ito"

"Hindi gaya mo. Nakakita lang ng gwapo, magpapabebe na sa harapan nila. Landi mo rin noh girl?" Alam kong pinandidilatan na niya ako ngayon, sarap niyang asarin eh.

"Bakit ikaw? Weakness mo rin naman mga chix ah" Ay bumawe den.

"Ba'la ka diyan, tulog na ako"

"Sun..." Di ako umimik. "Sun..." Tawag niya ulit. "Sun?!..." Bahala siya, natutulog na ako.

Napatalon ako ng may kumurot sa tagiliran ko, "Tangina kang kapatid naman oh" Ngumiti lang siya sa akin habang hinihimas ko ang nabiktima niyang tagiliran ko. "Ano ba kasi yung kailangan mo?"

"Tara, star gazing tayo sa roof top" Excited pa ang bruha.

"Moon..."

"Opps, walang tanggihan to. Minsanan lang naman to eh, sige na Sun" Pakiusap nito at nagpa-puppy eyes pa, walang epek yan! Pero sige na nga, pagbigyan ang bruha.

"Oh sige, bahala ka na lang kung magka-eye bugs ka diyan. May trabaho ka pa naman bukas" Tumayo ako at kinuha yung telescope namin, inabot ko sa kanya yung kanya.

Isa rin kasi ang star gazing sa pagba-bonding naming magkapatid.

"Yay! Tara!" Tumakbo na siya palabas ng kwarto, sinundan ko lamang siya.

Nang nasa labas na kami ng bahay, inalalayan ko siyang maka-akyat sa bubong. Oo sa bubong mismo talaga tambayan namin pag nag-iistar gazing kami. Walang paruptap ruptap, uupo kami talaga sa mismong bubong.

Umakyat na rin ako at umupo sa tabi niya. Sumisilip na agad siya sa telescope niya. Sumilip na rin ako. "Tignan mo yung buwan, kalahati" Komento ko.

"Oo nga eh, dinadamayan talaga ako ni moon. Pareho kaming hindi pa buo, wala pa yung isang kalahati namin" Narinig kong sabi niya. "Eh buti pa nga yung araw eh, laging buo"

Binaba ko yung telescope ko at lumingon sa kanya na nakababa na rin ang telescope niya. "Hindi porket kapangalan ko yung sun, eh talagang magkaparehas na kami. Si araw, nagbibigay ng liwanag sa mundo. Pero ako, hindi nga ako makapagbigay ng liwanag sa buhay ko eh, sa ibang tao pa kaya"

"Nagda-drama na naman si kambal oh" Tukso nito, pinandilatan ko siya.

"Ikaw nagsimula eh"

Lumingon ako sa harap at nakita ko yung kaharap naming tindahan na bukas pa rin. Meron pang nag-iinumang mga lalake sa kabila, minsan nakikitagay rin ako sa kanila. Mababait mga tao dito sa amin kahit lasenggo.

AmPALAYAIN Ka (Bitter, Let You Go)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon