C Y R E N E
"Mr. Marsyus Niobe, ikaw naman this time ang magte-threaten sa akin na paalisin sa puwesto ko? Kahapon lang pumunta din dito si Idas, SKL (Share Ko Lang)" Naku, kahit kelan di ko siya tinawag na ama. Ama lang siya ni Idas no, may sarili akong tatay.
Ipinagmamalaki kong naging anak ako ni Bacchus at Ariadne, ang pagkahilig nila sa wine ay mayroon na kaming hacienda sa probinsya. Yung wine sa hacienda ay mga produkto naming wine na naiimport dito sa kompanya na siyang business namin dito sa DOC. Ang grapevine naming wine na produkto ay tinatawag naming Labirinto Kreto. Good for the heart ito, syempre. High class quality ang mga napro-produce namin palagi kaya naman sabik na sabik na makuha nito ng mag-amang Niobe. Naku manigas sila na parang niyebe. Niobe to niyebe, bagay! Ipabugbog ko sila kay Berna eh, joke lang po. Sino ba si Berna?
"Ms. Psamathe, hindi mo rin naman pala kapangalan ang kompanyang ito. Isa ka bang Theseus? Nag-asawa na ulit ang mama mo, at sa akin! Kaya dapat Niobe na dapat uupo diyan"
"Tanga ka ba? Isa pa rin akong Theseus, Psamathe ako ngayon dahil iyon ang surname ng daddy ko"
Ganto na lang ba every morning? Dadalaw ang mag-ama ng papalit palit tapos tataas na naman dugo ko.
"Ms. Psama---"
"Don't 'Ms. Psamathe' me! You old man. Alis ka na lang please" Dumilim ang mga mata niya, at tumingin ng matalim sa akin. "Labo mo kausap. Guards!" I yelled. Bumukas naman kaagad yung pintuan, pinapasok ko yung dalawang guards at pinakaladkad itong ambisiyosong ito.
I believe na baka iniisip niyo na diyan na wala akong respeto sa mga may edad, hindi po. For your information, never niya rin naman ako nirespeto eh. At tsaka lilinawin ko po sa inyong lahat na ipinapaglaban ko lamang po ang karapatan ko. And I thank you.
Hay stress na ako, super! I think I need to take a break. Siguro sa sobrang pagkaworkaholic ko ay naiistress na ako. Magpahangin muna ako saglit, kahit sa park lang.
I pulled out my phone from my clutch bag and called my driver, "Hello Phoebe, I need a ride. Pick me up right now"
"Huh? Ah sige po. On the way na po Ma'am" Tsaka ko na binaba. Isa rin to eh, mapormal at marespeto rin siya gaya ng kambal niya.
***
P H O E B U S
Inalalayan ko siyang makapasok sa kotse, tumakbo ako papasok sa driver's seat at nagsimulang magmaneho. "Saan po tayo Ma'am?"
"Huwag na tayong maging pormal, just call me by my name. Can I also call you Phoebe?"
"Ah, sige po. Atsaka okay lang po kung anong itawag niyo sa akin" ngumiti ako sa kanya.
"Sa Trojan Park tayo" tumango ako sa kanya.
Nang makarating kami sa parke ay lumabas na kami sa kotse. Sumusunod lamang ako sa likod niya na parang nawawalang tuta.
Umupo siya sa may bakanteng upuan doon, habang ako ay nakatayo lamang sa gilid niya. Bigla siyang lumingon sa akin at yung mga mata niya ay nagtatakang nakatingin sa akin.
"Ayaw mo ba akong tabihan?" tanong niya.
"Ahh..." napakamot lamang ako sa likod ng ulo ko at tsaka dahan dahang umupo sa tabi niya, nag-iwan ako ng space between us, mahirap na.
"Phoebe..." tumingin ako sa kanya, nalulunod na ako sa mga mata niyang di ko maintindihan ang kulay. Basta brown siya na may pagka blue na nahaluan ng green.
Ako grey lang kulay ng mga mata ko. Naalala ko nung high school, niloloko nila yung kulay ng mga mata kong fifty shades of grey daw, mga ugok na yun.
BINABASA MO ANG
AmPALAYAIN Ka (Bitter, Let You Go)
Romansa"May 8 packs na nga, may 8 inches pa. Oh saan ka pa?" - Phoebus Delian Delos _________ [FILIPINO] This is for open minded people. This book is GxG, and hermaphrodism themed or G!P.