P H O E B U S
"Clytie, kung sakasakaling nagsasalita ang Eyeglasses. Anong sasabihin nito?" Nakatambay pa rin ako dito sa tindahan nila, libre kasi siya ng libre eh. Masarap pa naman yung pagkaing libre eh.
"Ano?"
"Malabo na ba? Huwag kang mag-alala, nandito lang ako para luminaw ulit ang buhay mo" Sagot ko dito, tumaas yung kilay niya.
"Hindi ko alam kung hugot ba yan pero dagdag ko na rin... Hugot #2. Sandali ah isusulat ko na, buti naalala ko pa yung Hugot #1" Tsaka niya naman ito sinusulat sa notebook. "Pati na rin dapat sa social media, teka gagawa ako ng account mo" Sabi niya tapos kinuha yung phone niya tsaka ginawa kung ano ang gagawin niya dito, habang ako ay kain lang ng kain. "Oh yan, may Twitter account ka na. Ang username mo ay @AmPALAYAIN_Ka09" Tsaka ngumiti siya ng malapad. "Huwag kang mag-alala, kahit wala kang cp, ako na ang magpo-post ng mga hugot mo 'te. Dito naman sa tindahan namin palagi kang humuhugot eh. Tsaka nilagay ko dun sa account mo ang full name mo" Tapos kumindat pa. Ako, kain lang.
***
Ilang oras na akong nag-aantay dito sa labas ng DOC, medyo lumalalim na yung gabi eh hindi pa lumalabas si Moon.
Pupunta na sana ako sa loob ng may makasalubong akong babae sa entrance, grabe ambango niya. Mas matangkad ako sa kanya, yung ulo niya nasa ibabaw ng baba ko. Tsaka naramdaman ko yung boobs niya, malaki kasi. Hala! Nagmumukha tuloy akong manyakis.
"Sorry Miss" Medyo lumayo ako sa kanya para naman matignan yung mukha niya. Napanganga na lang ako nung nakito ko ang maputlang mukha niya, mga mata niyang kumikinang, matangos ang ilong, mapupulang labi, na para bang gusto kong tikm-- sandali! Ano bang pinagsasasabi ko.
Pero ang-ganda ganda niya talaga, parang diyosa. Crush ko na ito, naniniwala na ako sa Love At First Sight. Magagalit ata si Aphrodite dahil may dumaig sa kagandahan niya. Pero huwag muna sanang patayin ni Aphrodite itong crush ko dahil mamahalin ko pa siya at papakasala--.
"Sun!" Bumalik ako sa reality nung nakita ko si Moon sa likod ng crush ko. Tumakbo siya sa akin at niyakap ako, nakita kong tumingin sa amin si crush. Huwag ka sanang magselos hah? Kapatid ko lang to... As if magseselos naman siya? May naging kayo ba? Huwag ka ngang umasa. Kumalas na siya sa yakap at tumingin kay crush. "Cyrene, this is my twin sister, Phoebus Delian Delos" Tsaka naman tumingin sa akin si Moon pero nakatitig pa rin ako sa nakaka-adik na kagandahan nitong diyosa sa harap ko. "Sun, meet my boss. Cyrene Psamathe" Ngumiti siya sa akin, gosh ngumiti siya sa akin.
Nilahad niya ang kamay niya, "Nice meeting you" Tinitigan ko yung maliit niyang kamay, kinakabahan kong nilapit yung kamay ko. Nung nahawakan ko na... Shit, mapapamura ka talaga. Malambot, parang nakahawak ako sa hugis-kamay na marshmallow.
"Ah... N-nice meeting y-you t.. too" Kinakabahan kong sinabi, bakit ba ako nauutal? Ngumiti na lang siya ulit, parang ayaw ko pang umuwi. Sarap titigan yung mga ngiti niya eh.
"Mauna na kami, Cyrene. Sasabihin ko na lang sa kanya kapag nakauwi na kami" Sabi ni Moon at tumango si Cyrene, my love. "Sun, tara na" Hinila ako ni Moon, palayo sa mylabs ko.
Tinulungan ko siyang makaakyat sa passenger seat, mahaba yung heels eh. Tsaka tumakbo ako sa driver seat. Sarado yung pinto sa likod ng jeep para walang sasakay, hindi muna ako mamamasada ngayon.
***
Nang makarating na kami ay nakahain na yung pagkain, ambait talaga ni Mama oh. Pagkatapos naming kumain, at maligo ay pumasok na kami sa kwarto namin. Kahit mumunti tong bahay namin, may dalawa itong kwarto. Yung kusina ay connected dun sa living room, well parang wala palang living room dahil pagkapasok mo palang sa bahay ay kusina na agad ang bubungad sayo.
Double deck yung bed, ako yung nasa baba at siya naman sa itaas. "Sun, may sasabihin ako sayo" Narinig kong sabi niya sa itaas, kumunot yung noo ko.
"Buntis ka?"
"Baliw! Ni wala nga akong bf eh" Tapos tumahimik siya ng saglit, "Ayaw mo na bang mamasada at magtrabaho sa talyer?" Tanong niya na nagpakunot ng noo ko.
"Moon, kailangan kong magtrabaho para kay Mama" Bumuntong hininga ako.
"Ano kasi eh, yung boss ko. Nagretire na yung driver niya kaya umalok siyang maging driver ka niya" Bumilog yung mga mata ko.
"Totoo?" Naninigurado lang.
"Oo, at kung maaari daw ay magsimula ka na bukas" Nagulat na lang ako nung bigla siyang tumalon mula sa itaas na walang kahirap-hirap, well athletic pa rin siya hanggang ngayon... tulad ko hihi. Pumunta siya sa bag niya at may kinuhang isang maliit na papel, tsaka binigay sa akin. "Punta ka daw diyan bukas, exactly 7: 30"
"Edi kailangan kong gumising ng maaga para magpaalam kina Tito sa talyer, at ibalik ko na yung jeep" Panu yan, magiging malapit ako kay mylabs. Swerte ko naman.
"Hindi na kailangan pa, ipinaalam ko na kay Clytie para sabihin kay Tito" Bumangon ako para umupo at nilatag sa baba yung mga paa ko.
"Bait mo talaga sakin Moon, lika nga" Inaya ko siya sa pagbukaka ko sa mga bisig ko, tumawa siya at lumpit. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Mahal kita, kambal ko"
"Mahal din kita, kambal ko"
***
Hay naku! Eto na! Totohanan na talaga to men! Kinakabahan ako pota! On the way na ako papunta sa address na nakasulat dito sa papel na kanina ko pa tinititigan, ang nakasulat dito ay ICU-143 Green Valley. May pa-143 pa talaga huh? Ano yun, I love you? Tsk. At tsaka ICU, pagnakita ako ay may I love you na agad. Huy! Address lang iyan, pinagsasasabi mo.
"Andito na po tayo ma'am" Sabi ng taxi driver, nagtaxi lang akong pumunta. Baka kasi mawala ako kapag nag-jeep ako, ni hindi ko nga alam kung saan ang Green Valley eh. Pinabasa ko na lang yung address sa driver, buti naman at alam niya.
Bumaba ako at humarap, bumungad sa akin ang three-storey house. Talino naman yung nagdesign dito, yung entire wall ay mirror kaya nag-camouflage yung mga bintana para walang magtangkang pumasok na mga masasamang loob. Ang-ganda ganda talaga ng bahay na ito gaya ng may-ari.
Nag-door bell ako, naghihintay ako sa harap ng platinum na gate. Mayaman talaga siya oh, pero hindi ko naman kinaiinggitan dahil kuntento na ako sa kung anong meron ako, basta kasama ko lang sina Mama at Moon ay sapat na.
Biglang bumukas yung gate at bumungad sa akin ang mylabs kong naka-night gown, bumaba ang aking panga nung nakita ko yung visible na cleavage niya. Iniwasan kong tumingin dun at tumitig na lang ako sa kanyang nakaka-adik na mukha. "Good morning" Bati nito, at ngumiti pa. Diyos ko, meron na naman yung nakakamatay na ngiti niya.
"Ah... good morning din" Bati ko rin at hinaplos ko ang batok ko.
"Pasok ka muna, maaga ka ah. Mabuti naman, good impression sa first day" Ngumiti lamang ako at sinundan siya sa loob.
Binukas niya yung mala-silver niyang pinto at pinapasok muli ako, pinaupo niya ako sa isang pink na couch. Iniwan niya akong mag-isa, dibale sanay na rin naman akong maiwan mag-isa. Woah, ano ba! Humuhugot na naman siya oh.
Kung sa labas ay puro rock hard metal, ano to kanta hehe, pero parang ganun na nga. Dito naman sa loob ay yung mga pang RNB yung pagka-comfort ko. Di niyo ako gets siguro kasi hindi ko ma-point out na husto ang nararamdaman ko dito sa bahay na to, dahil na rin sa kaba.
"Maliligo lang ako at maghahanda" Nagulat ako ng may nagsalita, tumingin ako kay mylabs na may hawak na isang baso ng orange juice at biscuits na nasa platito, nilagay niya ito sa coffee table na nasa harap ko. "Mag-snack ka muna habang hinihintay ako" Tsaka ngumiti ulit at umalis na, hindi man lang ako nakapagsabi ng 'Thank you'.
BINABASA MO ANG
AmPALAYAIN Ka (Bitter, Let You Go)
Romance"May 8 packs na nga, may 8 inches pa. Oh saan ka pa?" - Phoebus Delian Delos _________ [FILIPINO] This is for open minded people. This book is GxG, and hermaphrodism themed or G!P.