Chapter Ten

1.7K 69 2
                                    

C Y R E N E

Narinig kong may nag door bell, pinagbuksan ko yun. "Pasok!" sabi niya habang nakatutok yung baril sa akin. Sino ba to? Naka-mask siya kaya mata at bibig lang niya ang nakikita ko.

Pumasok kami sa loob at pinaupo niya ako sa couch, natatakot na talaga ako. "Eto na ang first warning mo, Ms. Psamathe"

"S-sino ka.... ba?"

"No need to know my name, basta tatandaan mo ang apilyedong Niobe. Sila ang tatapos sayo" tumawa siya ng malakas. "Bye muna, babalikan kita. Sa pagbalik ko, humanda ka na" lumabas na siya ng bahay. Pagkalabas niya ay pinindot ko yung controller para sa security ng bahay.

Wala na akong alam na matawagan kundi si Phoebe lamang, kaya sinabi kong pumunta siya dito. Grabe, takot na takot na ako. Pinagbabantaan na ang buhay ko ng mag-amang yun.

Inopen ko muna yung security para makapasok si Phoebe, pumunta ako sa kwarto at nag-shower, di ko parin nakakalimutan yung sinabi ng mokong na yun.

Pumunta ako sa kama at nilabas yung mga luha ko, narinig ko yung kotse sa labas. Alam kong si Phoebe yan. Bumukas yung pintuan at pumasok si Phoebe na puno ng pag-aalala yung mukha niya.

Nang makaupo siya sa tabi ko, niyakap ko siya ng mahigpit. "Ano bang nangyari?"

"Balak nila akong patayin, Phoebe"

"Sino?" kumalas ako sa pagkayakap sa kanya.

"Si.... sina Idas at Marsyus Niobe, ang stepbrother ko at asawa ng Mom ko"

Bigla siyang nanigas, "Idas... Niobe" nakita kong kinoyum niya yung kamay niya at yung mukha niya na parang papatay.

Parang tama nga yung hinala ko na si Idas ang may kasalanan sa hindi pagtatapos ng pag-aaral ni Phoebe, pero I need confirmation about that.

Hinawakan ko yung balikat niya, "Phoebe... Kilala mo ba siya?"

Pinikit niya yung mata niya, "Oo" maikling sagot niya. "Siya lang naman yung gago sa buhay ko"

"Anong ginawa niya sayo?"

"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong niya at tumingin sa akin.

"Kung okay lang sayo, pero hi--"

"Sige lang, ipapakita ko sayo ang katarantaduhang ginawa ng Idas na yan!" hinubad niya yung jersey top niya. Hinaplos niya yung scar niya, "Eto yung remembrance niya sa katawan ko"

"Ask ko lang kung hanggang saan tumigil yung scar"

"Gusto mong makita?" nakita ko yung gilid ng labi niyang gumalaw, maikling smirk ba yun?

"Pero seryoso ako, saan tumigil?"

Bumuntong hininga siya, "Sinaksak niya ako, mula dito sa chest hanggang sa..." na-trace niya yung scar niya hanggang makarating sa waistband ng joggers niya, "... hanggang dito sa..." unti-unti niyang binababa yung joggers niya. Bumilog yung mata ko, naka-boxers na lang siya at kitang kita ko yung bulge. Binaba niya ng unti yung boxers niya. Tumigil yung scar doon sa crotch niya, sa taas ng ano niya, pero syempre tinakpan niya yung ano niya.

P H O E B U S

*FLASHBACK*

"Babe, pwedeng pakikuha yung bag ko dun sa likod ng school. Nakalimutan ko kasi eh, sige na babe" yumakap sa akin si Marpessa.

"Oh sige na, oo na"

"Yieeeee, thanks baby" hinalikan niya ako sa labi.

Pagkapunta ko dun, naramdaman kong may humawak sa mga braso ko, at hinila ako. Napahiga ako at tinulak nila yung katawan ko sa sahig.

AmPALAYAIN Ka (Bitter, Let You Go)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon