Chapter Eleven

1.7K 58 0
                                    

P H O E B U S

Naiinis na ako sa nilalaro kong to, puta mahirap naman hanapin yung pinapahanap.

"Oh, ba't high blood ka ngayon?" tanong ni Clytie.

"Ah basta, shit talaga to. Pota! Wala nang nangyari!" ihahagis ko na talaga to.

"Galit ka ata dahil hindi ka naka-iskor sa boss mo kagabi" napatingin ako kay Clytie. "Nakaistorbo ako noh?"

"Huh? Bahala ka na nga diyan"

"Sus, deny deny pa kasi" hindi ko na lang siya pinansin at nag focus sa nilalaro ko. "Hoy! Ano ba yang nilalaro mo, bastos yan ah" saway sa akin ni Clytie. "Yan ba yung Summertime Saga?" nakasilip pala siya.

Ngumisi ako, "Bakit ba? Boring kasi eh, wala akong magawa"

"Alam mo, naghihinala na talaga ako. Yung totoo, aminin mo nga sa akin Phoebus. Lalake ka ba?"

Tinaas ko kilay ko sa kanya, "Half-half ako par, so hindi mo ako matatawag na lalake o babae"

"Eh ano tawag sayo?"

"Intersex ako"

"Pero, ano yung mas prefer mo? Lalake o babae?"

"Wala di ko alam, basta ganun ako. May times na lalake ako, may times rin na babae ako"

"Suuuss, kailan ka pa naging babae?" tukso niya, pinandilatan ko lang siya.

"Apollo, ano na ulit title ng kantang may lyrics na 'Don't you give up nah nah nah'?" tanong niya.

"Let Me Love You"

"Shet, oo naman. Sure!" nakangisi pa. "Hugot #11 ne be yen" kinikilig amputa!

***

"Napagdesisyonan ko na, tatanggapin ko na ang offer mo sa pagpapaaral sa akin" sabi ko, napangiti siya sa akin at tumayo na may kinuhang papel. Pumunta siya sa kinauupuan kong couch, nandito kasi kami sa office niya.

"That's great... For your enrollment, give me all of this requirement. I'll be enrolling you at Supreme University, ano palang track yung kinuha mo noong senior high school ka?"

"Academic Track, at strand na napili ko ay HUMMS, Humanities and Social Sciences"

"Oh okay, pero bakit PE yung target mo?" taka niyang tanong. "Sayang naman yung pinag-aralan mo sa strand na yun. Maraming trabaho na matataas ang under ng strand na yun gaya ng Criminology, Psychology at iba pa"

"Sa totoo lang, napilitan lang talaga akong piliin yung Academic Track dahil gusto kong maging proud sakin si Mama, yung kapatid ko kasi Academic din at ABM Strand yung napili niya. Kapag kasi pumunta ako sa Sports Track, parang ambaba nun"

"Pero at least marangal rin naman yun" tumango lamang ako.

Dumaan ang nakakabinging katahimikan, as in walang nagsasalita sa aming dalawa. Naalala ko na naman yung kagabi, shet bakit ako pumapatol sa boss ko. Mali toh.

"Ah Ms. Psamathe..." pormal kong tinawag siya, napatingin siya sa akin with curiosity kasi nga ayaw niya ng pormal between us pero seryoso kasi tong sasabihin ko. "Tungkol nga pala kagabi, humihingi po ako ng tawad. Wala ngang nangyari kagabi pero lumagpas na po tayo, patawarin niyo po ako sa inasal ko kagabi. Hindi na po mauulit, amo ko lang ho kayo at drayber mo lang ako. Ah sige, mauna po muna ako" Tsaka ako nagmadaling lumabas.

Kahit naman crush na crush ko si mylabs, hinding hindi ko gagawin yun sa kanya dahil first of all hindi ko siya mahal. Krass ko lang naman yung tao eh, tsaka 'mylabs' ang endearment ko sa kanya dahil yun nga crush ko lang talaga siya.

AmPALAYAIN Ka (Bitter, Let You Go)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon