Chapter Four

1.9K 60 0
                                    

C Y R E N E

"Cyrene, nagtatrabaho na pala siya sayo?" Tanong ng half brother kong walang alam kundi ang mainggit, siya nga pala si Idas.

Sa akin kasi pinamana ni Lolo, tatay ni Mom, ang kompanya. Hindi naman sa paborito niya ako, kundi may potential akong kayang patakbuhin ang kompanyang ito at isa pa ay ako ang mas nakakatanda kaysa sa kanya. Namatay na ang mga parents ko, una si tatay kaya nag-asawa ulit si Mom. Namatay si Mama bago ko pa mamana ang kompanya. Gustong-gusto ng ama ni Idas ang kompanya at kayamanan ng Mom ko pero inunahan na siya ni Lolo at binigay sa akin. Silang mag-ama ay sinisiraan pa ako para makuha ang kompanya.

"That is none of your business, Idas" I said sternly.

"Alam mo bang salot siya, salot siya sa lipunan! Siya lang ang merong ganung abnormality! At pagpeperahan ka lang nun kung papatol ka dun sa salot na yun!" Sigaw nito, I glared at him.

"Bakit! Perfect ka ba para manghusga ng ibang tao? Mahiya ka naman!" Sigaw ko rin dito sa taong ito, well hindi ko nga alam kung tao ito eh. Kahit magkadugo pa kami ng kalahati, hindi ko siya tinuturing na kapatid. Mas masama pa ito kaysa kay Satanas eh! Pareho sila ng ama niyang gold digger! "Please umalis ka na dito, Idas. Kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga bodyguards"

"Tandaan mo ito, Cyrene. Magiging akin rin ang kompanya at kayamanan ni Mom! Magiging akin ang lahat!" Sigaw nito tsaka umalis.

Bumuntong hininga na lang ako. Paano niya kilala si Phoebe? Alam niya pa yung kondisyon niya. At nalaman pa niyang personal driver ko ito. Wait, may naalala akong sinabi ni Diana na nag-aral sila ng twin niya sa Hugot University kung saan nag-aral din si Idas.

Teka! Parang napagdugtong-dugtong ko to ah. Si Idas ba ang may kasalanan kung bakit hindi nakatapos sa pag-aaral si Phoebe? I'll surely investigate about this. Kung si Idas man ay talagang mananagot siya sa akin, kakalimutan kong may isa pang anak si Mom. Sa katunayan, only child lang naman ako eh, wala akong kapatid na anak ng demonyo.

***

P H O E B U S

Narinig kong nagring yung phone na ibinigay sa akin ni maylabs, sinagot ko ito. "Hello myla-- Cyrene" Muntikan na yun ah.

"Hello, Phoebe?" Ba't ganun pantawag niya sa akin? "Saan ka na?"

"Kailangan niyo na po ba ako?" Tanong ko.

"Ah hindi naman, nakita ko kasing wala pa yung kotse sa baba. Dibale, sige tatawag na lang ako mamaya. Sige... bye"

"Sige po" Tsaka narinig kong naghung-up siya, weird niya.

"Tapos may cellphone ka na oh" Narinig kong sabi ni Clytie.

"Business phone lang naman to, tatatlo nga lang ang contacts ko dito eh"

"Dagdagan mo na, akin na at ilagay ko ang number ko" Ngumisi siya habang nakalahad yung palad niya sa akin.

"Paraparaan ka rin eh no?" Binigay ko sa kanya yung phone. Ba't parang antagal niya naman ata sa phone ko.

"Empty pa yung gallery mo, halika picture tayo" Nakitabi siya sa akin at nilagay yung braso niya sa batok ko, nagpose siya sa harap ng camera at narinig ko yung click. "Ano ba naman yan, hindi ka tumingin sa camera"

"Akin na nga yan" Hinablot ko yung phone sa kanya, nagpout lang siya. Hala, cute niya rin pala. "May tanong ako... kung sakasakaling nagsasalita ang Ice, ano ang sasabihin nito"

"Ano na naman?"

"Hala! Natutunaw na ako! Ang HOT mo kasi eh" Ngumisi ako.

"Thank you" Sabi naman nito, pinandilatan ko siya.

AmPALAYAIN Ka (Bitter, Let You Go)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon