Chapter Three

2.1K 77 0
                                    

C Y R E N E

Good-looking rin pala itong twin sister ni Diana, alam niyo yung gwapong maganda? Ganun siya, maangas siya at malakas ang dating. Isa siyang big dick energy, wait ano ba yun? Hala para akong tanga nagsasabi ng kung anu-ano na hindi man lang alam ang ibig-sabihin.

23 years old siya habang ako ay 25 na, yup two years gap na ako ang mas matanda.

Hindi nga niya bagay ang pagiging driver ko eh, bagay niyang maging girlfriend ko. Hay! Brain, stop it ano ba! Bakit ako sinisisi mo? Si Heart ang sisihin mo.

Nung araw na magkabanggaan kami, nagkabanggaan rin yung puso namin ay este dibdib namin. Wala akong naramdamang mga umbok doon, flat ba siya? Eh ano naman kung flat. Baka malaki rin naman yung ano niya eh, yung ano yung nasa baba. Hay! Stop, perverted mind!

Nakwento rin kasi sakin ni Diana ang sitwasyon ng kambal niya, sa totoo lang ay close nga kami ni Diana pero meron pa rin yung formality between sa amin kaya pinipilit kong tanggalin yun. Parang kapatid na kasi turing ko dun eh, four years na siyang secretary ko. Tapos ngayon ko lang na-meet yung kambal niya, malaki ang difference nila kapag tungkol sa physical appearance nila.

Si Phoebus na according kay Diana, siya daw ay mahilig sa black & red, strong yung pagka-masculanity which is true nakita ko nga, at lastly... lesbian siya. Si Diana ay girly na girly, mahilig sa shopping, at sobrang love ang pink. Parang kami na nga ang kambal eh dahil marami kaming similarities ni Diana pero isa lang ang pagkakaiba namin, she's straight like a pole while I'm pansexual.

Matapos akong naghanda na, tinignan ko ang sarili ko sa body-sized mirror. Ang-ganda ko talaga hehe joke, baka sabihin niyo pang feeling ako. Pero maganda talaga ako eh, sorry ah hirap kasi i-deny eh. Yung wavy blonde hair kong may pink highlights na hindi ko tinali, let them free. Naka-eyeliner, concealer, at lipstick lang naman ako. Nakapang-business clothes ako, cream-colored blouse, black with pink highlights na pencil skirt at red pumps. Okay na yan! Ngayon lang ako nag-blooming ah, nagpapa-impress lang sa certain someone.

Bumaba na ako at nakita siyang kumakain lang dun ng snack, hot pa rin talaga siya kahit napakasimple niya. Loose tanktop at jogging pants, mahilig siya ata sa ganung style kasi ganun yung style niya kahapon eh. Parang hip hop or street dancer lang ang peg. Pero huwag naman sanang magtagal ang ganung style niya, diba kasi kapag jogging pants ay mate-trace yung ano bulge lalo na kapag na-arouse.

Tapos yung buhok pa nitong naka-undercut na mohawk, ewan ko ba kung ano tawag basta na-shave yung both sides at tsaka likod at yung top lang ang may buhok pero mahaba yung buhok kaya tinatali niya ito ng bun.

Yung na-shave na part ay may tattoo, yung tattoo niyang magkakadugtong. Nagsimula sa ulo kung saang walang buhok na umabot sa buong leeg, pati nga yung dalwang buong kamay at visible chest ay tinadtad rin ng ink. Wala ka talagang makikitang white skin except yung mukha, hindi ko sure kung buong katawan nito ay naging canvas ng tattoo artist. Edi siya na ang Tattoo Goddess, pero huwag naman sanang pati yung private parts ay napalagyan na niya rin. Mukha tuloy siyang Mafia Boss.

May red highlights rin ang buhok nito eh, at yung piercings niya sa gilid ng right eyebrows niya at gilid rin ng ilong. Napansin kong may scar siya sa left brows, may gilit eh, nabawasan yung hair brows sa gitna.

Teka lang, nasobrahan ata ang pagche-check out ko sa kanya, every detail about sa kanya nasabi ko na lahat.

Tumingin siya sa akin at lumunok, may inabot ako sa kanyang white box na may image ng phone. "Yan, para sayo. Para maka-communicate tayo, kung kailangan na kita. Andyan na rin yung number ko, numbers ng bahay at office" Kinuha niya ito.

"Salamat Ms. Psamathe" Tsaka ngumiti, maganda siya kapag ngumiti pero gwapo siya kapag seryoso siya. Perfect siya talaga, bagay kami. Hala, anu daw.

"Please, don't be too formal. Just call me Cyrene" Tumango lang siya at tumayo.

Girl, grabeng tangkad pala nito, naka-heels ako kaya yung ulo ko medyo abot yung chin niya. Kung hindi ako naka-heels, siguro nasa chest level niya lang ako. Six footer na ata to, habang yung kambal niya ay ka-height ko lang.

Inabot ko sa kanya yung susi ng kotse, yung gardener ko ay binukas yung gate. Nakahanda na rin yung kotse, bubuksan ko sana yung passenger seat pero inunahan na ako ng kamay ni Phoebus at pinagbuksan ako. Gentlewoman rin pala ito, grabe kinukumpleto niya ba ang list ko. Nagpasalamat ako at pumasok, sinarado na niya at tumakbo sa harap ng kotse tsaka pumasok sa drivers seat.

"Alam mo ba yung way?" Tanong ko dito habang nagda-drive, tumango nga lang siya. "Sunduin na rin pala natin si Diana, wala sigurong maghahatid sa kanya" Tumango lang ulit ito.

Ayaw niya ba akong kausap? Ako lang ang nagsasalita dito habang bininigyan niya lang ako ng non-verbal na mga sagot. Ba't bigla naman ata tong napipi, sobra bang speechless siya sa kagandahan ko?

"Phoebus?"

"Po?" Sagot niya na nakatingin pa rin sa kalsada, buti naman at nagsalita kahit one word lang.

"Nagka-girlfriend ka na ba?" Hala, bakit ako nagtatanong ng personal na bagay. Nagdilim ang kanyang mga mata at biglang tumigas ang kanyang katawan tapos yung mga kamay niya ay pumuputla sa grabeng pagkahawak sa manibela. Yan tanong pa kasi, anong nagawa mo tuloy sa kanya. "Um... sorry, hindi ko sana tinanong yun" Hindi na siya sumagot pa, great!

Tumigil siya sa isang maliit na bahay, sakto namang naghihintay ng transportation itong si Diana. Lumabas si Phoebus at kinausap ang kambal niya tapos itinuro yung kotse ko. Lumapit sila at pinagbuksan siya ni Phoebus sa backseat, tsaka bumalik sa loob ng kotse.

"Cyrene, salamat huh? Nag-abala ka pa" Nahihiyang sabi ni Diana, lumingon ako sa kanya sa likod tsaka ngumiti.

"Ano ka ba, okay lang yun" Mahiyain talaga minsan sa akin to kahit antagal na ng pinagsamahan namin.

Pinarada ni Phoebus yung kotse sa parking space ko, tsaka bumaba para pagbuksan kami ng pinto. "Salamat" Inabot niya sa akin yung susi pero tinanggihan ko. "Itago mo, pwede kang maglilibot-libot muna. Tatawagan na lang kita kapag magpapasundo na ako" Tumango lang na naman siya at tsaka pumasok ulit sa kotse.

***

P H O E B U S

Diretso ako sa amin at pinarada sa gilid ng tindahan nila Clytie, pagkababa ko ay maraming nakatingin sa aking mga kapitbahay namin tsaka nagbubulungan.

Pumasok ako sa tindahan nila, nakatingin na rin si Clytie sa akin. "Oy, magiging sunflower ka na diyan kakatitig sa akin" Biro ko dito, tumaas lang yung kilay niya sa akin.

"Saan mo naman ninakaw yang magarang kotse na yan?" Biro niya rin na nakangisi.

"Grabe ka naman ate" Sabi ko habang nakalagay yung kamay ko sa dibdib ko. "Pabili nga nung ano kape" Pag-iba ko ng topic.

"Yung 3 in 1?"

"Ayaw ko yan, gusto ko yung stick to one"

"Bahala ka diyan" Tumawa lang ako ng iniwan niya ako at pumasok sa loob, naghintay ako ng kaunti at bumalik siyang may hawak na natimplang kape sa baso. "Oh etoh, Hugot #3 na yan ah. Bigyan mo kasi yang puso mo ng ikalawang pagkakataong magmahal ulit"

"Wala eh, tulog pa. Pagod na pagod magmahal, at tsaka dami pa nitong sugat" Nilagay ko na naman yung kamay ko sa dibdib ko. Tsaka tumikhim sa kape niya. "In fairness ah, pwede ka ng maging barista. Matamis tsaka masarap"

"Pinatamis ko talaga yan para naman medyo malusaw rin yang pagka-bitter mo" Ngumisi siya sa akin. "Ay oo nga pala yung hugot list ko sa notebook at tsaka sa Twitter, sandali lang" Nagsulat na siya sa notebook at tsaka kinuha yung cp para magpost. "Grabe, tatlo lang tweets mo pero marami ka ng followers ah. Well, nilagay ko naman kasi yung mukha mo sa profile picture mo"

Nabulunan ako sa sinabi niya, "Patingin nga" Pinatingin niya yung phone sa akin. Yung picture ko ay half body tapos naka-tank top lang.

AmPALAYAIN Ka (Bitter, Let You Go)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon