Please Read My Story

6.8K 116 9
                                    

©All Right Reserved 2018

To All Readers ang story na'to ay kathang isip lamang ang lugar , pangalan at oras nagkataon lamang.

Date Started : August 08 ,2018

------------------

Plagiarism is a crime!

Dear to all Readers,

Gusto ko lang sana mag-inform sa inyo if may Wrong spelling or Grammar. Sana huwag niyo namang husgahan ang story ko, dahil alam niyo naman hindi ako perfect na tao hehe.

Thank You.

Your Author,

Enjoy Reading!

            --YOU ARE THE ONE--

PROLOGUE

"Bakit ka pa nandito!"galit na tanong ni Ash sabay lapit sa akin.

Natatakot ako dahil lasing siya at alam kong galit na galit siya sa akin.

"Kukunin ko lang yung mga gamit ko."sabi ko sabay tulo ng aking mga luha kaya ngumiti siyang ng sarkastiko bago uminom ng alak na hawak niya.

"Bakit ka umiiyak? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na ayokong makita ang pagmumukha mo!"sigaw niya sabay hampas ng bote na hawak niya.

"Hindi mo alam ang totoong nangyari! Huwag mong ibintang sa'kin ang pagkawala ni Lola! Hindi ko magagawang patayin siya!"sigaw ko sa kanya kaya bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang aking braso.

"Nagtataka nga ako kung bakit pa kita minahal! Nagagawa mo nga noon landiin ang Daddy ko para maging mayaman ka tapos pinatay mo pa si Lola!"galit niyang sabi sabay tulak sa akin kaya nasugatan ang paa ko sa basag-basag na bote.
Sunod-sunod nalang na pagtulo ang aking mga luha.

"Wala akong alam sa pinagsasabi mo! Hindi ko pinatay si Lola at mas lalong hindi ko nilandi ang Daddy mo!"sabi ko.
Ininda ko nalang ang sakit sa sugat ko.

"Walang alam? Edeh ipaalam ko sa'yo!"galit niyang sabi sabay halik sa akin.
Hindi ko alam ang magiging reaction ko.

Hindi ito ang lalaking minahal ko.

Nagising ako sa kama na wala na si Ash sa tabi ko.
Tiningnan ko muna ang sugat ko sa paa at napatulo nalang ang aking mga luha.

Kinuha ko ang damit ko at sinuot iyon.
Pagkababa ko nakita ko si Ash nakaupo sa sala at nasa tabi niya ang maleta ko.

"Umalis kana rito!"galit niyang sabi kaya agad kong kinuha ang maleta ko ng walang sinabi.
Nang makatalikod na ako sa kanya.

"Huwag na huwag ka nang magpapakita sa'kin dahil kakalimutan na kita!"galit niyang sabi bago umakyat sa taas.

"Mahal na mahal kita."mahina kong at sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

YOU ARE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon