Chazy’s PoV
Natapos ang weekends ko ng magulo, haha, pano ba naman hindi, eh kasama ko ung dalawang kambal na yun. Napakaingay naming nung gabi, kung ano anong pinagagawa namin. Pero ngayon ay Monday na, umalis ung kambal at pumunta sila sa Quezon, bibisitahin nila sila lola dun, sasama sana ako kaya lng, may pasok eh. Pero ok lng, nakadalaw naman ako dun nung nakaraang dalawang buwan eh. Hehehe…
So dahil Monday na ngayon, papasok na ko, nako, kinakabahan ako sa resulta ng test eh. Haaaaay, bahala na. Naglakad nako papauntang school, lapit lng eh.
Pagpasok ko ng gate, lahat sila nakatingin sakin, teka, my kasalanan ba ko? Sa pagkakaalam ko, wala naman eh. Tapos ang naririnig ko pa ay ganto:
“Siya si Kathryn Chazt Bernardo diba?” sabi nung isa
“oo, siya nga, ang galling niya nuh” sabi naman nung isa, teka, san ako magaling? Tapos yung iba, sabi ng mga ganto:
“Uy Chaz! Congratz ah!” sabi nung hindi ko naman kilala, ngumiti na lang ako. Tas meron pa.
“Ang galling mo Chazy! IDOL!” sigaw nung lalaki mula second floor.
OK. Ako na walang alam eh noh. Nagdire diretso na lng ako sa Board para tingnan ung result, kasi naman eh, ako na hindi makarelate sa kanila, baka naman napasali ako sa top 20 kaya akala nila magaling na?
Kung ganun top 10 lng inabot ko?
Nakakapanghinayang naman yung pagrereview ko L
Kaya siguro sila natutuwa kasi isang galling sa Class D, nakapasok sa top 20. Nakakalungkot naman yun, parang ayaw ko ng tingnan ung result eh. Nagdadalawang isip ako.
Haaaaay, Nako, hindi ko na nga lng titingnan… Lumiko papuntang field, hindi ko titingnan un. Minsan na nga lang ako bumawi eh, tas ganun pa? Nagbabago na nga ako. Ang arte ko ba? Kasi naman eh. Pag my test na ganun, hindi sa nagmamayabang, pero ako lagi ang nangunguna. Tsk. Yaan na lng yun. Nawalan tuloy ako ng gana.
Umupo na lng ako sa bleacher dun. Tas nakit ko naman sila cheska at nicca with Enrique, papalapit sakin, at mukhang tuwang tuwa pa sila.
“Oy! Chaz! Ang galling mo ah! Ibang klase! IBILIB! Akalain mo yun? Natalo mo yung mga Class A!” sabi ni Nicca, te-teka, anong sabi niya???
“Anong sabi mo? Na-natalo ko?” tanong ko sa kanila
“Hala. Hindi mo pa ba nakikita yung result?” tanong sakin ni cheska
“oo nga, ala-“ hnd ko na pinatapos si Enrique sa sasabihin niya. Dali dali akong tumakbo pabalik sa Board, nako bat hnd ko naisip yun noh? Tanga ko naman.
Tiningnan ko na yung result. ^______________________________________^
WOW! Party Party tayo! Hahhhhhahhahaha! Ang galling ko! Akala ko hindi ko magagawa yun! Hehehe. Alam mo nyo kung ano nakalagay sa Board?
“ Kathryn Chazy Bernardo, 3-D. Score: 100 points to all subjects. You’re the Top 1 for the first semester. Congratulations” masasabi ko sa sarili ko na, wala pa rin akong kupas. Kaya ko pa, kaya ko pang makipagsabayan.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius Meets Ms. Genius
Novela JuvenilWhat will happen when Mr. Genius Meets Ms. Genius? War or peace?