Chapter 07

79 3 0
                                    

Treat — Chapter 07

Tuwing nakikita ko ang mukha niya, lagi ko nalang naaalala 'yung kalandian na nagawa ko sa harap niya at sa harap ni Quincy.

Mas lalo ko lang talaga 'yon maaalala kung siyang nasa tabi ko. Eh, katabi ko nga siya sa seating arrangement! Paano ko makakalimutan ang mga nangyari? Paano mawawala sa isipan ko 'yun? Kung lagi nalang siya nagpapakita sa 'kin? Good luck, Xavierre.

Nakangisi siya, habang nakapangalumbaba. "Hi, babe." Ilang beses talaga niya sinasabi ang mga salitang 'yan, tuwing tumatama ang paningin naming dalawa.

Inirapan ko siya, at 'di pinansin.

"Aww, nagtatampo ang babe ko," he uttered so sweetly—nakakadiri naman! At saka, tuwing sinasabi niya ang word na babe naaalala ko 'yung baboy! Kainis! This endearment is just reminding about my current weight!

Hinayaan ko lang siyang asarin ako. Pero mali ata 'yon. Akala kasi ng mga kaklase namin sa aming likuran, ay totoo ngang babe nga daw ako ni Ares. Aba, binawi ko agad 'yon! Hinding-hindi ako makakapayag na matawag akong gano'n! Lalo na't involved si Ares.

Nakakarindi lang.

Ilang minuto ang nakalipas, nagsimula na rin ang klase namin. Himala namang sobrang tahimik ang klase ngayon. Hindi naman umaabot sa sobrang tahimik nitong klase na 'to—baka mamaya pa 'yan mag-iingay. Mostly, ang boys ang nagti-trigger ng ingay, eh. Everyone right now was really listening attentively. Konting ingay mo lang, parang pupunta lahat na atensyon sa 'yo.

I was also listening. All eyes on the teacher.

Pero habang tahimik akong nakikinig, may nararamdaman akong may humahawak sa kamay ko. At napagtanto kong mga daliri 'yon ni Ares. Mariin lang siya nakatingin sa teacher, kahit may sasabihin siya. "Kakausapin nalang kita nang seryoso rito, dahil mahahalata tayo kapag sa isang patagong lugar tayo nag-usap," he whispered.

Kumunot ang noo ko. "Ha? Ano bang sinasabi mo?" I also whispered. Narinig ko naman ang sinabi niya, I'm just trying to sink in of what he is saying.

"Just... continue that boyfriend thing of yours," bulong niya na may accent niyang English. Kahit malayo na ang bakas ng lahi ng Canada sa kanya, masasabi kong ang galing niya tuwing magsasalita siya ng English. Parang si Blanche din, kahit malayo na rin ang lahi ng Canada sa kanya, gano'n din.

"Ha?"

"Ituloy lang natin 'yung relationship natin," paglilinaw niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Excuse me, we don't have a relationship," mariin kong sinabi.

"Excuse me..." he trailed, tapos ginaya pa kung paano ko sinabi ang salitang 'yon. "Nagkaroon lang tayo ng relationship, simula nu'ng tinawag mo akong babe sa harapan ni Quincy."

Pinaalala niya nanaman. Shit.

I was about to say something, pero naunahan niya naman ako. "Let's just continue this conversation later, elsewhere. Makinig ka nalang muna d'yan," he demanded.

Oo nga. Makinig nalang muna ako.

Pagkatapos ng bulungan na 'yon, bumalik nanaman si Ares, sa pagiging tahimik. Hanggang sa natapos ang mga klase, doon siguro pwedeng pag-usapan 'yung tungkol doon sa mga sinasabi ni Ares kanina. Nakakabitin naman kasi! Kekwento siya, tapos hindi rin naman tatapusin. Nakakainis lang.

"Xavierre, pupunta akong cafeteria," pagbibigay alam ni Demise. "Sama ka?" pag-aya niya naman.

"'Di na muna, Demise. Bilhan mo nalang ako ng snacks. Bayaran nalang kita mamaya pagbalik mo," I replied. Gusto ko sanang sumama kaso gusto ko ring makausap si Ares. Nakakairita lang dahil naunang umalis si Ares sa classroom! Wala naman sigurong balak ang lalaking 'yon na magpa-cafeteria kaya baka nasa school building o basketball court lang 'yon.

The Feelings (The Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon