Chapter 18

97 1 0
                                    

Bail — Chapter 18

Black won the game.

Kahit ilang cheer na ang ibinigay ko kina Ares, nagawa pa ring manalo ng Black team. Pero ayos lang naman. At least they enjoyed it anyway. We actually accepted that we're going to lose. Wala nalang sa amin 'yung results. Magpapakatawa nalang kami hanggang sa matapos ang event. It can be really fun.

Natuloy naman ang pinagplanuhang sleepover namin ni Blanche.

Buti nalang talaga natuloy, dahil parang ako lang ang natira sa bahay. After that week, nagpa-Singapore na ang mga magulang ko. May importante daw kasi silang aasikasuhin doon. Zachery wanted to come with, but school schedules are in his way. Ang nagawa lang naman ng lalaking 'yon ay magpaka-gala. Ako lang tuloy ang natitira sa bahay.

Zac is actually reminded that Blanche is at the house, kaya buti nalang at 'di niya dinadala ang tropa niya sa bahay. Kenneth to be specific enough. Blanche will be totally stunned if she sees Kenneth Constantine in the house.

Nagpasyal na muna kami sa buong village. As I promised to myself na dadalhin ko siya sa bentahan ng halo-halo, siomai, and other variety of foods na nandito sa village namin. Katabi lang 'yon ng court.

We had random topics while strolling around. We even went up of the abandoned building and had other shallow conversations about school and random life.

Nalaman ko pating nagkabatian na sila ni Kenneth. Halata namang sa babaeng 'to na kinilig naman sa nangyari. Pero bahala siya. Naiser for the win pa rin. Naiser is more deserving than an infamous playboy.

Nang makarating na kami sa mga bentahan ng pagkain, I immediately bought food for the both of us. Habang hinihintay kong makuha 'yung mga pagkain, I noticed how Blanche is watching other people play different kinds of sports—mapa-basketball o badminton. My heart was really beating in a fast pace nang malaman ko kung sino ang naglalaro ng badminton. It was Ezekiel.

And it seems that Blanche is watching him while playing.

Is she that amazed?

Nagkaka-crush na ba siya rito?

No way. I'm overthinking!

I just saw how Ezekiel smirked at her. He actually smirked. My lips went parted. Napansin ko namang kumunot ang noo ni Blanche.

I quickly took the attention. "Eto na ang siomai at halo-halo!" Inabot ko na ang pagkain sa kanya, pero nakatingin pa rin siya sa kay Ezekiel. "Blanche, kuhain mo na 'yang pagkain. Sige ka, baka maubos ko 'yan," mariin kong sinabi.

Blanche suddenly turned her attention to me—finally. She chuckled. "Tss. Takaw mo!"

Agad na kaming umalis sa pwestong iyon. But it seems that Blanche keeps on looking at Ezekiel. Natitipuhan ba ni Blanche si Ezekiel? By knowing Blanche deeply, siya 'yung tipong babae na laging nag-iipon ng crush. And by the looks of Ezekiel, he really is crush-able.

While we were walking, she suddenly said something, "Xav, kilala mo ba 'yung badminton player na naglalaro kanina?"

I feel tensed. "Saan doon? 'Yung matangkad ba?" I tried to maintain my normal voice. She nodded. I smirked pretentiously. "Crush mo, 'no? Oy, Blanche, ha! Dami mo nang naging crush. Okay na 'yung dalawa."

She rolled her eyes. "Gaga. Wala akong sinabing crush ko siya." I actually felt relieve from what she said. Pero bigla naman akong kinabahan sa mga sumunod na sinabi niya, "Pogi siya, oo. Pero 'di ko siya crush. Eww. Mukha siyang ewan." She winced like she's disgusted. Pogi naman talaga si Ezekiel, eh. "Seryoso nga. Sino 'yon?" she still asked it anyway.

The Feelings (The Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon