Chapter 01

197 4 4
                                    

Gusto — Chapter 01

"You came!" bungad sa 'kin ni Blanche nang makapasok ako sa kwarto niya. Since today is Saturday, I decided to visit her in their house. Tambay na muna sa kanila.

"Walang magawa sa bahay, e," I replied.

Totoo talagang walang magawa sa bahay. As in, wala! Sino-sino lang naman kasi ang mga nakatira sa bahay? Ako, si Zac, mga magulang ko, mga kasambahay. Masaya naman pero 'di talaga maaalis ang pagka-boring. Laging nawawalan ng internet, dahil nakakalimutan ng mga magulang ko ang magbayad—e, sa lagi silang busy.

"Dito rin. Buti nalang at dumating ka," she said.

"Oo. 'Di na nga tayo masyadong gumagala!" sabi ko. Minsan nalang talaga kami magstrolling. Parang gagawa at gagawa talaga ng paraan ang bad timing para 'di kami magsama ni Blanche. Siguro, gusto 'to ng tadhana dahil lagi nalang kaming magkasamang dalawa—gusto ata nilang mag-discover ng new friends. "Nagpansinan lang kayo ni Kenneth, eh," sabi ko, pinapaalala sa kanya ang mga nagawa ni Kenneth.

"Ewan ko sa 'yo. Nagmagandang-loob lang siya sa amin ni Mom non," sumbat niya.

E, paano ba naman kasi itong si Kenneth, may nalalaman pang hatid-hatid sa airport ang nagkaka-crush sa kanya. Pinapaasa ng gago ang umaasa, e.

"Kilig ka naman? Ayiee!" I jested.

She pouted. "Slight," she replied.

"Naku, Blanche Wendy... Nahahalata ko ngang mas lalo kang nafa-fall sa lalaking 'yon, e," I honestly said.

Obvious naman na mas lalo lang nafa-fall si Blanche. Kung paano niya talagang tignan si Kenneth, parang matutunaw na. Ewan ko ba kung bakit 'di napapansin ni Kenneth 'to.

Naki-connect nalang ako sa wifi nila. Maraming notifications—halos galing sa messenger dahil sa group chat namin. Itong group chat na 'to ang tanging nagpapa-ingay ng phone ko.

While scrolling through my news feed, nakaramdam ako bigla ng gutom.

"Teh, may pagkain ka d'yan? Nagugutom ako," I said.

Ngumuso siya, na parang tinuturo ang study table niya. "Ayan, o. 'Yung mga chocolate," she pointed. May kasama pa ngang mga flowers. Kaiba.

"Uy, nice naman. Ferrero Rocher!" I uttered excitedly. Nang mabuksan ko ang box, umaliwalas na ang pagmumukha ko. It's like my eyes were already twinkling when I saw those chocolates. Gusto kong kainin lahat! "Sino naman ang bumili nito? Shet, nakakatakam, e." I took one, and started eating it. Then another. Another. And another. "Ubusin ko, ha?" I asked.

Blanche shrugged. "Bahala ka. Basta tirhan mo 'ko, ha," she reminded me. "Bigay kasi ni Ares 'yan para sa akin. Sayang naman kung 'di ko kainin," she added.

Tumigil ako sa kakakain nu'ng mga chocolate. Parang nahulog ang langit nang marinig ko ang pangalan niya.

"Ares?" I echoed. "Iyong pinsan mo? 'Yung kaklase natin?" I asked.

"Si Ares, 'yung pinsan ko; kaklase pa natin," she replied. What... "Sino pa bang Ares ang itutukoy ko?" tanong niya na naguguluhan.

I bit my lips.

"Umm, I changed my mind. 'Di ko nalang uubusin," I declared.

Basta anything related to Ares, gusto kong masuka—kahit gaano pa kasarap ang chocolate.

Nilagay niya sa study table ang phone niya, at binalingan ako ng nakakaasar na atensyon.

"Ayaw na ayaw mo talaga sa pinsan ko, e, 'no?" giit niya. "Sus, kainin mo na. Chocolate lang naman, e. Ayaw mo 'yun? Nakalibre ka na ng chocolate, galing pa kay Ares—alam mo namang bihira lang magbigay ng mga ganyan ang lalaking 'yon."

The Feelings (The Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon