Chapter 12

70 2 1
                                    

Crush — Chapter 12

Just a reminder: 'wag na 'wag mag-assume at umasa. Masasaktan ka lang.

Parang gano'n lang din nangyari in our sophomore year. Umasa ako sa kanya, wala lang din pala akong napala. So I think it's better to just stay this way. 'Yung wala lang. 'Yung mapapa-hu u ka nalang tuwing nagkikita kayo. That is better.

'Yung akala mo na totoo na ang ipinapakita niya... kabaliktaran lang pala.

Ares actually used their car. As in, kinuha niya 'yung susi, tapos siya na talaga ang nag-drive. Ewan ko nalang, kung 'di pa siya mapagalitan sa lagay na 'to; kasama pa naman ako!

I've asked him a lot of questions regarding on where we are going to. Kung kanina kasi, madaldal siya, ngayon ang tahimik na. "Saan ba kasi tayo pupunta?" I asked for the nth time.

"Basta," sagot niya. At parang tumalon 'yung puso ko sa tuwa dahil sumagot na siya. Kanina pa kasi siyang tahimik—naninibago tuloy ako.

It was like a one hour drive. Nu'ng nai-park na ni Ares ang sasakyan, it was a cue that we already arrived to his wanted destination. Siya ang unang lumabas bago ako. Diretso lang siya sa paglalakad papasok sa isang café; wala na akong nagawa kundi sumunod lang sa kanya.

Nang makapasok na ako sa café, I can really say that it is Instagram worthy of taking picture. Kung narito lang si Blanche ngayon, mababaliw na 'yun sa kakukuha ng litrato ng lugar na 'to. Napagtanto ko ring umangay ang lugar sa mga suot namin ni Ares ngayon. It feels surreal.

Ares found a table for us. Nag-order na rin siya ng para sa amin. Since this is a café, may mga drinks naman akong ni-request para order-in niya. Good thing, he obliged.

"Sa inyo rin ba 'to?" He shook his head as an answer. "Kamag-anak?" I asked again.

"Neither. This isn't ours," sagot niya. "It's just my comfort place."

"Ahh, gano'n ba," sambit ko naman. "Is it really necessary of you leaving the event?" I changed the topic.

He shrugged. "Maybe," he replied. "Wala kang kasama," he added.

Isang buntong-hininga ang nailabas ko. "Pauwi na ako, eh. Ba't ka pa kasi sumama?" giit ko.

He shrugged again. "I just feel the need to," sabi niya naman.

There he goes with that line again. Dahil ata sa mga sinasabi niyang 'yan, parang mas ipipnaparamdam niya na totoo nga ito.

"'Wag kang mag-alala. Ihahatid naman kita sa inyo," he continued.

Tumikhim ako. "So... lagi ka bang pumupunta dito?" I changed the topic once again. Because I'm not used to the other topic.

"Well, yeah, if gusto ko," he replied. "I brought Blanche here once. You know her. She really likes these kind of places," dagdag niya naman. Of course, he's going to bring Blanche here—mahal na mahal niya ang kanyang pinsan, eh. "I guess you're the second person I had brought here."

I was about to utter something, dumating naman ang mga in-order namin. Mga finger foods lang in-order ni Ares para sa aming dalawa. Agad ko namang ininom ang vanilla drink na ni-request ko kay Ares.

"Thanks for this," I simply uttered instead. Hindi siya sumagot at kinain lang ang mga fries na nasa harapan niya.

It was like another hour of being in that café. It's almost quarter to ten. Nagtataka na ako kung bakit hindi pa ako tinatawagan nina Mom o Dad? Or maybe my brother told them about my whereabouts, and I couldn't believe that maybe they have their trust on Ares.

The Feelings (The Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon