Chapter 23

70 1 0
                                    

Broken — Chapter 23

"Magsabi ka nga ng totoo," I said, glaring at him. "Ano 'yung narinig ko galing sa St. Carmen... Na nagka-balikan raw kayo ni Quincy?"

My eyebrow was still in an arch while intently looking and observing him.

Kasama ko siya ngayon sa isang mall. Bigla kasi siyang nag-aya na i-treat niya raw ako. Of course, hindi ako maka-tanggi dahil libre niya, e. Right now, we're in an ice cream shop.

He smirked. "Wala pa ngang tayo... Nagseselos ka na agad?"

My jaw dropped with disbelief. Mas lalo ko siya binigyan ng masamang tingin.

"I'm not jealous! I'm being cautious," I reasoned. "Nanliligaw ka pa nga lang, ganun na ang mga naririnig ko sa kanila. Just tell the truth, Montoya, and we'll stop this shit."

"No. Nothing's stopping," he declared. "To clarify things... Mga sira ulo ang mga nagsabi ng ganun tungkol sa amin ni Quincy. Hindi na nga kami nagkikita 'nun, e."

"At sa tingin mo maniniwala ako d'yan?"

He shrugged. "Believe it or not, Xavierre, I'm already telling the truth. Hindi na talaga kami nagkikita ni Quincy," he said. "Alam mo... Ang mga bagay na gan'yan, hindi naman dapat pakielaman. 'Wag kang maniwala sa mga sinasabi nila... Baka magmukha ka ring sira ulo."

Walangyang lalaki 'to! Kung maka-salita, akala mo siyang perpekto, e! Nang mas lalo kaming naging close ni Ares, mas lalo naman siyang naging verbal sa mga pang-aasar at pang-iinsulto niya. Parang 'di nga nanliligaw, e. Bumabawi lang siya sa lambing at sweet talk niya. Kaasar!

"Kung hindi 'yon totoo... Paano naman nila nasabi 'yon?"

He shrugged again. "I don't know. Gumagawa na naman siguro ng issue iyong si Quincy."

"At wala ka man lang pakielam na masama ka sa isyung ginagawa niya?"

"I don't give a damn to petty things like that actually," he replied, while focusing on his ice cream. "Kung iconfront man nila ako sa isyung ganun, I can just easily deny it if it isn't true. Bahala na kung maniwala sila o hindi."

"Kung sakaling gumunaw ang mundo... Siguro magkukulong ka lang sa kwarto mo at matutulog," I said. "Parang wala ka kasing pakielam sa lahat."

Ngayon ko nga lang nalaman na may ganitong side pala si Ares—him being listless. Chismoso din itong lalaking 'to, e. Ewan ko ba. Hindi ko tuloy alam kung aling side ang totoo sa kanya.

"Siguro nasasabi mo lang 'yan," he replied. "Pero pagdating sa 'yo, makikielam ako."

"Sweet naman ni gago."

"Not kidding. I want to know everything about you, Xavierre," he seriously said. "Kaya may pakielam ako sa 'yo. You only."

Inirapan ko siya, at pinatuloy ang pagkain sa ice cream. Para naman kahit papaano, maitago ko muna ang kilig na nararamdaman ko.

* * *

After the ice cream shop, we went to the department store. Since mahilig sa mga damit si Ares, we decided to do some window shopping. Well... Baka sa akin lang ma-apply ang window shopping. Ares? Basta maka-kita siya ng damit na tipo niya, diretso cashier na agad 'yan. Buti nalang talaga at hindi bakla si Ares, e. Sayang pa naman ang itsura.

"Dito ka muna. May titignan lang ako banda 'dun," pagpaalam niya sa akin. I nodded.

I was busy checking other clothes. Kanina pa nga naka-bantay ang saleslady sa likuran ko. Akala niya naman nanakawin ko mga paninda niya. Nakaka-tunaw na kasi talaga ang mga tingin niya.

The Feelings (The Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon