Kabanata 4

46 3 0
                                    

Welcome to Lynux University.
First day of school.

College of Chemical Engineering.
3rd floor.

"Bes, have a nice day. Aga natin best. "
"Oo naman best. Mas maaga mas maganda. Have a nice day too. "

Maaga pa lang pero ang dami ng estudyante. Halatang excited din sa first day class. Halos mapuno na din ang parking.

Pumunta na kami sa 3rd floor ni Maxi,nag elevator kami.May elevator ang Lynux. Oo naman afford na afford nito ang pagpapalagay ng elevator.

"Best, tabi tayo ah",saad ni Maxi.

"Sure," matipid kong sagot.

"Best, ipagdasal natin na wala ung mga impakto na yun. "

"Naku best ako ang bahala sa mga impakto at bakulaw na yun! "

May biglang pumalakpak sa likuran namin. Napatigil kami sa paglalakad papunta sa classroom. Sabay naming nilingon ang pumalakpak na impakto este tao.

"Congrats sainyo at nakapasa kayo sa exam. "

Si JM lang naman ang pumalakpak. Sumandal ito sa pader at nilagay ang mga kamay sa batok.

"Best wag mong pansinin. Tara na".

"Oi, snaberang palaka",saad pa ni JM.

Nabwisit ako sa sinabi n'yang snaberang palaka daw kami. Eh s'ya epal na unggoy!

"May pangalan kami. Wag mo kaming bwisitin epal na unggoy! "Di ko mapigilan self ko kaya lumabas na na man pagka maldita ko.

"Ano? Tinawag mo akong unggoy? "
Lumapit ito sa amin at hinarang kami.
"Sige tawagin mo akong unggoy ngayon pero baka balang araw magiging jowa din kita! "

"Kapal ng mukha.Umalis ka nga sa daraanan namin. Di ako interesado sayo. Kung inaakala mo na kaya mo kaming I bully, well your totally wrong! Excuse us! "Itinulak ko s'ya at nakadaan kmi ni Maxi.

Nahanap din namin sa wakas yung room namin. Hayun isa-isa na namang pakilala sa harapan. Walang kasawa sawang introduce yourself!

"Maxi, di ako sanay na may mga classmates tayong boys. "Bulong ko sa kanya.

"Eh kasi naman sa all girls school tayo nanggaling. "

Natapos na ang pagpapakilala namin sa isat - isa. Umabot iyon ng 30minutes. Sa klase namin ay may limang bading, dalawang tomboy. Lahat sila funny and witty. Majority sa klase namin ay lalaki. Kaming mga babae ay dose lang.

Natapos na din first subject namin at nagutom kami.Pumunta kami sa food court ng university.Ang daming pagpipiliang fastfood.

Sa Greenwich kami pumasok. Nakaorder na kami ni Maxi at susubo na sana ng lasagna ng may tumikhim sa likuran namin. Nabitin yung subo ko dahil sa impaktong gwapong lalaki na nasa likuran ko na walang iba kundi si JM!

"Can I join?".May bitbit din itong pagkain.

Inirapan ako ni Maxi.Nagpapahiwatig na paupuin ko sa tabi ko. Halos mga tao sa canteen sa amin nakatingin. Para bang artista lang talaga ang peg ng JM na ito.
Sige magpapakatao muna ako ngayon. Magpapakabait muna! Ayaw kong malaman ng lolo ko na tigre na naman ang peg ko ngayon.

"Sige upo ka. "

"Okay,salamat naman"cool na sagot nito. "Pero wait lang. "May tinawag ito. Yung mga kasamahan n'ya noon.
"Kasama sila,hindi lang ako. Kaya 'wag kayo mag assume. "Tumawa pa ito.

Hinigpitan ko ang hawak sa tinidor. Nangigigil na naman ako.Gusto kong tinidorin sa mukha si JM. Pero kelangan kong kontrolin ang temper ko. "Okay lang, "cool na lang na sagot ko.

Mister Playboy : Please Come BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon