Kabanata 5

43 4 0
                                    

6:00 pm .

Panay ring ang cellphone ko,panay tawag si Maxi. Naka 100 messages sent na yata sya sa inbox ko at pati sa messenger pero di ko pa rin s'ya nirereplayan.

Hanggang ngayon kasi nag dadalawang- isip pa din ako kung pupunta o hindi.

Maya-maya kumatok si Lolo sa pinto ng kwarto ko,dala - dala nito ang cellphone. Sino kaya kausap n'ya sa phone? Hala si Maxi siguro! At hindi nga ako nagkamali, si Maxi nga.

"Apo si Maxi kakausapin ka daw. "

Pasaway pati si lolo tinawagan na.

"Lo, mag return call na lang po ako sa kanya. Nakatulog po kasi ako. "Palusot ko pang sagot.

"Sige apo. "

Lumabas na si lolo sa room ko at tinawagan ko nga ang makulit kong bff.

"Hello, Max kagigising ko lang. Anong problema? Bruha ka pati si lolo tinawagan mo. "

"Kasi naman  pudpod na kamay ko kakasend ng message sayo di mo pa rin ako nirereplayan or sinasagot man lang. "

"Eh kasi nga nakatulog ako."Palusot kong sagot.Galing diba?! Pero hindi ko pa nababasa mga messages nya. Haha anu kaya yun? Pero malamang related lang naman yun sa party.

"Lynx, sumama ka na sa party. "Pagpupumilit pa ni Maxi.

"Ayaw ko!"Pagmamatigas na sagot ko.

"Pero papunta na d'yan si JM sa house n'yo. "

"What?????! "Napasigaw ako sa gulat. Tinotoo talaga n'ya ang sinabi ko na kapag di ako aattend susunduin nya ako. "Pero di n'ya alam bahay namin,best."

"Best, binigay ko address mo. "

"Maxi naman!!Kontrabida ka talaga! "

"Best, sige na kasi.Magkita tayo doon ah. "Binabaan n'ya na ako ng phone.

"Bahala na! "Napa buntong hininga na lamang ako.

Naligo, nag tooth brush at nagbihis na ako. Naglagay din ako ng kunting make up at pink lipstick. Nagpabango na rin syempre. Anytime kasi pwede nang dumating si JM.

"Ang unggoy na yun may isang salita din pala! Hmff. "

Nakarinig ako ng sunod - sunod na busina sa labas. Sumilip ako sa bintana. Sakto nahagip ng mga mata ko ang bagong-bago na BMW na kotse na kulay asul. Pinagbuksan naman ito ng guard at ipinasok sa garahe ang kotse.

Nagpaikot-ikot muna ako sa harap ng salamin nang may kumatok ulit sa pinto, si lolo ulit. Ang gara diba?!

"Bakit po, Lo? "

"Ang ganda naman ng apo ko. Kamukhang kamukha mo talaga ang mommy mo."

"Naku Lo binola n'yo na naman po ako.Ay Lo, magpapaalam po sana ako may dadaluhan po akong party at kasama ko po si Maxi. Ngayon lang po ako nakapagpaalam kasi kinulit po talaga ako ni Maxi. "

"Ok lang yun apo. May naghihintay na nga sa'yo sa baba. Manliligaw mo daw s'ya apo. Iba talaga ang karisma mo apo. Bago ka pa lang sa Lynux pero may suitor kana. Ok lang yan apo. Pero magtapos ka muna ng pag aaral. "

"Lolo, ano po manliligaw? Naku liar po siya, hindi ko po sya suitor. School mate lang po kami.  Sige lolo ba bye. Love you. "Hinalikan ko sa noo si Lolo at bumaba na ako ng hagdan papunta sa sala.

Nakita ko kaagad si JM. Infairness pogi talaga siya at very neat talagang manamit. S'ya yung tipo na boyfriend na pwedeng I display.

Nakatitig sya sa akin habang pababa ako ng hagdan. Nagulat ako ng kindatan n'ya ako,ala Daniel Padilla na kindat. Medyo nahiya tuloy ako pero nagpatuloy pa rin ako sa pagbaba ng hagdan.Sinalubong n'ya ako at kinuha n'ya isa kong kamay at hinalikan. Hindi na ako nakapalag, ang bilis n'ya!
"Your beautiful tonight, Margarita, "at binitawan n'ya kamay ko.

Bwisit ok na sana pero tinawag n'ya akong Margarita. Kainis!!!

"Bakit ka pa pumunta dito? Kakainis ka din noh. Yan tuloy aatend ako kahit labag sa kalooban ko. "Nakabawi din ako kaya taray portion muna ako. Pero hindi ko namalayan na nakasunod si Lolo sa akin. "Lynx, ikaw talaga apo, wag mo namang tarayan ang bisita mo."

"Lo, aalis na po kami. Ihahatid ko lang din po si Margarette mamaya after party. "

"Mag iingat kayo hijo. Ingatan mo apo ko. Nag iisa lang yan".

"Makakaasa po kayo. "

Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse.
Wow gentleman din pala sya.
Ang bango ng kotse nito at ang linis pa. Bagong bago talaga.

"Oi JM may kasalanan ka sa akin. Bakit mo sinabi kay lolo na manliligaw kita? "

"Sineryoso mo naman.Anyway kumapit ka ng mabuti at mabilis akong mag drive. Mag seat belt ka. "

"Sanay ako! "

"Bahala ka. Oi Margarita ilang taon ka na pala? "

"Wag mo nga akong tawaging Margarita. English please! Margarette!!!! Ok? "

"Lynx na nga lang. "

"17 na ako. Turning 18 next year. "

"Ah ok. Naabot ka nga pala ng K12 curriculum. "

"Malayo pa ba kila August? Ano bang name ng grupo nyo? "

"Name? Wala kaming ganun. Basta magkakaibigan lang kami. Kung gusto mo F6."

"Ah ok. Mananahimik na lang ako. "

"May boyfriend kana? "

Wow naitanong nya!

"Wala. "

"Bakit wala? "

"Basta wala! Eh ikaw bakit hindi mo kasama si Yassi? "

"Break na kami ni Yassi. "

"Anu? Ang bilis naman! "

"Ganun talaga! Kapag di mo na mahal I break muna! "

"Hay naku. Babaero ka siguro. "

"Slight lang".

"Ganun na rin yun! "

"Sino bago mo ngayon? "

"Ikaw".

Nagulat ako sa sinabi nya. Sinipa ko paa nya. Buti na lang at hindi nagasgasan or nadumihan.

"Tigilan mo ako sa kalokohan mo. Never mo akong magiging girlfriend. Never kitang magusgustuhan. "

Naiinis na naman ako. Kaya minabuti kong tumahimik na lamang. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng bf na playboy. Gusto ko kasi yung stick to one. Gaya ng dad ko na tanging si Mama lamang ang girl for her life plus me.

Hitsura check na check. Life status check pero attitude failed. Ah He's not my type!

Mister Playboy : Please Come BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon