Kabanata 12

27 2 0
                                    

Saturday 9pm.

Nag bonding kami ni lolo sa sala. Nanood kami ng movies. Namiss ko din si lolo. Namimiss ko yung tinatawag nya ako na Margarita.

"LO, namiss ko po kayo. "

"Hay naku apo namiss din kita. Mag aral ka ng mabuti. Napapansin ko nga pala parang madalas may naghahatid sayo sa labas. Naka kotse na asul. Manliligaw mo ba yun apo? "

"Lo, kaibigan ko po yun."

"Parang nakita ko na yun hija? Parang sya yung sumundo sayo a month ago. "

"Lo, sya nga po iyon. "

"Baka naman apo boy friend mo na yun. Di naman ako magagalit na magkaroon ka ng boyfriend. "

"Lolo naman eh. Hayaan nyo po bago ka mag 70 magkakaroon kana ng apo. "

"Apo, asahan ko yan".tumawa pa ang lolo ko.

"Oo naman lo. Ayaw ko namang tumanda na walang asawa. "

Sa Lynux University.

Papunta ako noon sa next subject ko. Naglalakad ako sa pasilyo ng Engineering building wala masyadong tao. Nang may makita akong ikinaiba ng mood ko. Hindi ko talaga gusto ang nakikita ko. Parang may kumirot sa puso ko.

Si Yassi at JM makakasalubong ko. Nakadikit pa sa kanya ang babae. Ngayon ko lang ulit nakita si Yassi. Ang sabi kasi nila lumipat daw ito ng university after makipag break sa kanya ni JM. Pero bakit ngayon andito sya? Anong ginagawa nya dito? Sila na ba ulit?

Nagseselos na ba ako? Promise naiinis talaga ako ng sobra. Buti na lang may lilikuan ako. Lumiko ako.

Hindi nila ako nakita. Nakahinga ako ng maluwang. Sinundan ko sila ng tingin. Nakita ko hinalikan ni Yassi si JM bago naghiwalay ang dalawa.

Muntik na akong mapamura pero pinigil ko. Iba na yata talaga to! Nasasaktan na yata ako.

My heart beats faster now.

Oh my gosh! In love na ba ako kay JM?

"Lumabas ka na jan, Lynx. "

Si JM ang nagsalita. So it means nakita nya ako kanina.

Di ko sya pinansin. Naglakad ako. Dadaan ako sa ibang pasilyo. Pero nahabol nya ako. Umakbay sya sa akin. Pero inalis ko kamay nya.

"Ang landi mo. Akala ko ba wala na kayo ng Yassi na yan? Akala ko ba itinigil mo na pagiging playboy mo? "
Namumula pisngi ko.

Tinawanan nya pa ako.

"Ang dumi ng utak mo, Lynx. Wala na kami ni Yassi matagal na.Nagpaalam na sya sa akin na pupunta na sya ng Italy. "

"Wala na pero kung makadikit sya sayo wagas and then she kissed you! ".

"Are you jealous? "

Napahinto ako sa sinabi nya. Hindi nya pwedeng malaman yung feelings ko sa kanya if totoo nga itong nararamdaman ko for him. If I fall in love with him I will keep it as a secret.

"Of course not! Dyan ka na nga. Walang lunch mamaya. Magla lunch ako mag isa. "Iniwanan ko sya. Hindi naman sya sumunod.

"Ok sinabi mo walang lunch. "

After ng subject ko pumunta ako sa rooftop. Walang tao doon.

Gusto kong sumigaw pero pinigil ko. Sinipa ko na lang ung lata ng softdrinks na naligaw doon. Pagsipa ko sa softdrinks papuntang dulo may naaninag akong shadow ng tao at pagtingin ko si Red pala ang nandoon.

"Hi, Lynx. Mukhang bad trip ka".

"Hindi naman. "

"Halata sa mukha mo".Lumapit si Red sa akin.

"Di ah. Bakit ka andito? "

"Nakita ko kayo kanina sa pasilyo. Nakita at narinig ko lahat. "

"Ganun?! "

"Kayo ba talaga ni JM? Di kasi ako naniniwala. Kasi on the first place di kayo magkasundo ni JM saka hate mo sya diba? Remember nung birthday ni August. "

Tiningnan ko muna si Red.

"Hindi kasi talaga ako naniniwala na kayo. "

Ayaw ko din naman sabihin yun sa kanya na may deal kami ni JM. Secret is secret!

"Lahat naman kasi pwedeng mabago. "

"So kinain mo din yung sinabi mo noon na ayaw mong ma in love sa playboy. Na never kang maiinlove sa kanya? "

Tumango na lang ako. Sa feelings ko ngayon parang ganun na nga. Kinain ko na talaga yung mga sinabi ko.
Namumula na mata ko. Gusto kong umiyak.

Gusto kong umiyak dahil sa mga sinabi at binitawang salita ko noon and maraming witnessed nang sinabi ko iyon na never kong gugustuhin si JM.

Dagdagan pa kanina na kasama ni JM si Yassy. Talagang umiba yung feelings ko. Siguro nga talaga gusto ko na sya. Hindi naman ako ganito dati.

"Sige iiyak mo na lang yan, Lynx. "
Napansin nya kasi na tumulo na ang luha ko.

"Umiiyak ka ngayon dahil nagselos ka kanina. Wag ka ng magpanggap. "

Tuluyan na talaga akong umiyak.
Pero pinunas ko din agad yung luha ko. Ayaw kong makita nila ako na umiiyak. Ok lang si Red ang makakita kasi feel ko mapagkakatiwalaan ko sya.

"I don't know, Red. Basta masama lang loob ko sa kanya. "

"Masama loob mo dahil nga nagseselos ka. Halika nga dito. "

Niyakap ako ni Red just to comfort me and kumalma naman ako.

"Huwag ka ng umiyak. Ang pangit mo kaya. "Biro nya pinatawa nya lang ako.

"Maganda ako noh. "

Nagtawanan kami. Medyo nabawasan yung sama ng loob ko.

"Tara treat kita lunch tayo sa canteen. "

Sumama naman ako kay Red. Kumain kami. Nilibre nya ako. Daming nakatingin sa amin. Artista ang peg. Masarap kasama si Red. Pero iba pa rin ang feelings kapag si JM ang kasama ko.
Hinatid din ako ni Red sa next subject ko at nagpaalam na ito na uuwi na dahil may gagawin pa itong thesis.

Mister Playboy : Please Come BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon