Kabanata 19

32 2 0
                                    


"Ang tagal mong maligo. 30 minutes ka sa bathroom ".

"Kulang pa yan. 45 minutes dapat. Kaso nakakahiya naman di ko naman to condo. "

Umupo ako sa mesa. Ako na lang ang hinihintay para sa breakfast.

"Ikaw ang nagluto? "

"Yes. "

"Marunong kang magluto? "

"Oo naman. "

"Kumain na tayo. "

Wala kaming imikan habang kumakain. Pero napapansin ko panay sulyap nya sa akin. Sabay smile pa.

Gosh wag kang ganyan! Kinikilig ako.

"Thank you sa breakfast nabusog ako. "
Ako lang din ang bumasag sa katahimikan.

"Ihahatid na kita. "

"No thanks. "

"Can we talk? "

"Nag uusap na tayo diba? "Tinarayan ko na naman siya.

"Seryosong usapan. "

"Ok. Anu yun? "

"Pinakiusapan ko noon si Red na kausapin ka para mag usap tayo pero ayaw mo. Hinintay kita nong graduation ko.Nagbakasakali ako na pupunta ka pero hindi ka nagpakita. Sobra akong nasaktan sa tuwing deadma mo lang ang lahat. Sa university bihira tayong magkita nun. Everytime na magkakasalubong tayo umiiwas ka. "

"Kung natatandaan mo ikaw lang din ang nag end ng deal kahit wala pa sa pinag usapan. Take note walang tayo noon. Then nag decide ako na ayaw kong ma link ulit sa playboy na katulad mo.Umiwas ako Take note after ng deal marami kang naging gf. "

"Pinagsisihan ko yun kung bakit tinapos ko kaagad ang deal na yun. Masama lang talaga loob ko nun sayo.Minahal na kita noon pa,Lynx. Akala ko gusto mo na ako nun pero hindi pala. Hindi pala totoo yung pinapakita mo sa akin noon. Part lang pala yun ng deal. Gusto kong puntahan ka nun para kausapin pero na duwag ako. Ayaw kong sabihin mo ulit sa akin na hindi mo naman ako gusto. Halos araw araw hinahanap kita nun gusto kitang makita. Pero umiwas ka. Nag decide ako na wag ka na lang lapitan. Akala ko kapag nag girlfriend ulit ako makakalimutan kita."

Ang haba ng confession nya. Lalong humaba ang hair ko sa mga narinig ko mula mismo sa bibig nya. Mahal nya ako noon pa?So dapat pala sinabi noon ni Red na mahal na ako ni JM. Dapat pala mahal yung ginamit nyang term hindi gusto. Kasi para sa akin iba ang gusto sa mahal. Mas malalim ang salitang mahal or love.

Hinayaan ko pa syang magsalita.

"After graduation pumunta ulit ako sa U.S. Doon ako nag stay at nag aral ulit ako doon.Pero mas pinili ko pa ring manirahan dito sa Pilipinas kaya bumalik ako. Hinanap kita sa social media pero wala akong napala. Kahit sa account ni Maxi wala ka man lang.
Ang hirap mo palang kalimutan Margarette Lynx! "

Wow. Kung alam nya lang na maging ako ay hirap kalimutan ang pangalan nya.

“Tapos ka na? "

"Tell me, Lynx hinanap mo din ako. "

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. Kailangan ko nang sabihin sa kanya yung feelings ko. Ayaw ko ng itago pa. Ang hirap magpanggap.

"Pumunta ako nung graduation mo para kausapin ka,batiin at sabihin yung nararamdaman ko sayo. Pero ng makita ko na may lumapit sayong babae tapos hinalikan mo sa pisngi at niyakap tumakbo ako palayo. Hindi ko kinaya ang nakita ko.Hindi ako manhid JM. Nasaktan din ako. "

Lumapit sya sa akin. Niyakap nya ako ng mahigpit. "Sana tinanong mo man lang ako kung sino yung babaeng yon. She's my sister. Dapat sana merong tayo noon pa man. "

"Sister mo? Wala ka naman sinabi sa akin na may kapatid ka. "

"Hindi ka naman nagtanong. "

Medyo guminhawa na pakiramdam ko. Nasabi ko na rin yung gusto kong sabihin for how many years. Hindi na ako nahiya. Mahirap pala talagang magtago ng feelings.

"Say that you love me. "

"My gosh JM. Hindi pa ba sapat yung narinig mo. "

"Wala ka namang binanggit na love dun ah. I want to hear it from you. "

"I love you. "

"I love you too, Lynx. "

Hinalikan nya ulit ako sa labi. Gumanti naman ako. Pero sinaway ko pa rin sya. Naghiwalay ang mga labi namin at pareho kaming hindi makahinga.

"Promise, Lynx. Ikaw lang ang mamahalin ko. "

"Wag kang mangako. Play boy is always a play boy. Ang gwapo mo eh !"
Kinurot ko sya sa abs.

"Abs ko yan ah. Promise titigil na ako."

"Hiwalayan mo lahat ng girlfriend mo bago ako maging official girlfriend mo ".

"Ang hard nun ah".

"Hindi hard yon. Ayaw ko ng conflict relationship. Madamot ako. Gusto ko ako lang sa buhay mo. Kung ayaw mo bahala ka. "

"Ibig sabihin hindi pa tayo? "

"Oo hindi pa. Manligaw ka muna. "

"Kelangan pa ba yun? "

"Aba kung ayaw mo bahala ka. Hindi pwede kay lolo ang ganyan. Kelangang formal. "

"Haist! Sige gagawin ko yun. "

"Sige uuwi na ako. "

"Wag ka ng umuwi. Dito ka na lang. "

"Tigilan mo nga ako sa isiping yan. Bye. Wag mo na akong ihatid. See you later. "

"T-teka".

"Wag kang susunod or else di kita sasagutin".

Mister Playboy : Please Come BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon