Kabanata 27

32 1 0
                                    


Akala ko ay uuwi na si JM ngayon ng Maynila dahil yun ang sabi nya.Simula kagabi wala pa syang text or call man lang sa akin.
Sinubukan ko syang tawagan pero unattended number nya. Naiiyak na talaga ako dahil sa sama ng loob ko sa kanya.Hindi ako makapag concentrate sa trabaho. Pina cancelled ko lahat ng meeting ko ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko at nag check ng mga social media account ko.
Panay scroll down ko ng mahagip ng mga mata ko ang mga uploaded picture na mutual friend ni Maxi.Hindi real name ang nakapangalan sa timeline nito.
Inisa isa ko ang pictures. Sa isang resort kinuha ang mga pictures. May duda ako na si AC yung may ari ng account kasi panay mukha nya nakita ko.

Bigla akong naiyak sa nakita ko sa isang picture. Nakita ko si JM nakaakbay kay Cathe! Masaya sila!

Tinigilan ko ang pag scroll down.
May nabuo sa utak ko. Nag analyzed ako.
2months nang buntis si Cathe tapos isang buwan pa lang naman ang nakakaraan ng ipakilala sya ni JM don sa bar. Pero na upload ang picture 3 months ago. Sadyang nag appeared lang sa timeline ko dahil nag comment si August na mutual friend ko na din. It means 2months na nga sila noon ni JM.

Ayaw ko mang magduda kay JM pero this time kahit pa sabihing paranoid ako gusto kong tanungin si JM.
Pero paano ko sya tatanungin kung hanggang ngayon ni tawag or text ko hindi man lang nya magawang replayan or tawagan man lang ako.

What should I do? Napapagod na ang utak kong mag isip ulit. Dagdagan pa ng may nangyari na sa amin ni JM. Umaatake na naman si What If sa utak ko.
What if si JM ang ama ng dinadala ni Cathe? What if hindi na bumalik si JM? What if hindi nya naman talaga ako mahal? What if pagkukunwari lang iyon at part ng deal ang pagpakilala nya sa akin kay Lola Miranda? What if magkaroon ng bunga ang nangyari sa amin?

Sinabunutan ko na ang sarili ko. Pumunta ako sa secret room at nagpahinga. Pero kahit anong gawin ko paranoid pa din ako lalo na ang utak ko! Puro JM na lang!

Nakatulog na pala ako ng tatlong oras. Agad kong chineck ang phone ko. Wala pa ring tawag or text si JM .

"Please naman babe mag text or call ka naman. "

Ang ginawa ko tinawagan ko ulit sya. Pero wala talaga unattended pa rin. Kinakabahan na talaga ako.

"Asan ka na ba JM? Sana walang nangyaring masama sayo at lalong wala kang ginagawang kalokohan. "

LUMIPAS pa ang dalawang araw wala talagang tawag ,text o paramdam si JM. Naglakas loob ako na pumunta sa mansyon nila. Pero sabi ng guard hindi pa daw ito bumabalik.

Hiningi ko ang number ni August kay Maxi at nagtanong about kay JM.
"Naku sorry Lynx. Masyado kasing masekreto si JM. Di rin namin sya makontak. "

Bigo ako. Halos lahat silang lima, sila Red, Jude ,AC,MC at August ay walang alam kong asan si JM.

Pinuntahan ko na lang si Maxi sa bahay nila.Nagshare ako ng mga feelings ko.

"Babalik din sya best.Tiwala lang ".

"Best, I'll give myself to him 'coz I love him. 100% trust best binigay ko sa relasyon namin pero almost 3 days na wala man lang syang tawag or text? "

"Baka naman best nasira phone nya or nawala. "..
"Eh di sana umuwi man lang sya best. Pinuntahan ko na sya sa mansyon nila pero ang sabi ng guard hindi pa raw umuuwi. Nagtanong na din ako kila August. "

"Best mahal na mahal mo talaga ang impaktong JM na yun noh? "

"Oo naman best.10 years best. Isipin mo un 10 years hindi ko sya makalimutan. Hindi ko nga sinagot mga manliligaw ko dahil sya laman ng isip at puso ko. "

"Eh kasi naman eh. Bakit pa kasi sa isang play boy pa. "

"Dahil nga mahal ko sya best. "

"Alright best. Kalma ka na. Babalik din sya ".

Mister Playboy : Please Come BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon