Kabanata 18

29 3 0
                                    


Mahigpit na yakap at kay tamis na halik ang gumising sa akin.

"Pasalamat ka mahal kita kaya nakakapagtimpi pa ako sayo. Bumangon ka na at mag breakfast na tayo. Binili na rin kita ng damit at undies mo. "

Nananaginip ba ako? Kinurot ko ang kamay ko. Naramdaman ko ang sakit. Ibig sabihin totoo ang narinig ko. Totoo yung yakap at halik ni JM.
Ang lambing nya naman. Tapos mahal nya daw ako? Wow kilig naman ako doon.Pero parang  peace offering na naman ba ulit to? Anong nakain ng JM na ito at gayun na lamang ka care sa akin ngayon?

Kung ganito na lang sana everyday!

Bumangon ako. Medyo masakit pa rin ulo ko. May hang over pa ako.

"Uuwi na ako. "

"Ihahatid na kita. Mag shower ka muna at sumunod sa dining room. Ito damit mo".

"Anong oras na ba? "

"10am. "

"What?"Kinuha ko sa kanya ang paper bag. Patakbo kong tinungo ang bathroom.

Habang naliligo ako nag flash back lahat yung mga nangyari 10 years ago.

"LYNX, gusto kang kausapin ni JM. Kaya tinawag kita kahapon kaso dinedma mo ako. "Wika ni Red.

"Pakisabi sa kanya wala na akong planong kausapin sya. "

"Pupunta na sya ng U. S. Doon na sya maninirahan kasama ng lola nya. Gusto nya lang humingi ng sorry sayo. Sa mga nagawa at nasabi nya. "

"Wala akong time makipag bolahan pa rin. Wala namang kami kaya ayos lang yun. Wag syang mag assume na naging kami. It's just a deal and tapos na yun".

"Yun na nga tapos na ang deal nyo pero gusto ka na nya Lynx. "

"Gusto? Utot nya blue. Sabihin mo yan sa kanya Red. Gusto nya lang ako pero di nya ako mahal. "

"Mahal ka nya. "

"Fake news yan Red. Di nya ako mabobola. Simula nang matapos deal namin ilang girls na ba ang naging gf nya? "

"Hindi mo na ba talaga sya kakausapin?"

"Hindi na. Pakisabi na lang sa kanya ingat sya sa U. S.Mas marami kamu doon na mga liberated na bagay sa kanya. "

"Lahat ng sinabi mo makakarating walang labis walang kulang. Naka record".

"Eh di wow. Magkaibigan nga talaga kayo. Sige pasok na ako. "

"Ngayon na ang flight nya. Babalik sya sa April sa graduation day. Octoberian kami remember? "

"Yup. "

Lumipas ang mga araw at buwan.
Nagkaroon na ako ng mga kaibigan sa university. Kahit papaano ay napawi nito ang lungkot na naramdaman ko simula ng hindi ko na nakikita si JM. Ang sabi nila may Facebook account ito pero deactivated na. Kung gusto raw makakuha ng information lumapit daw kila Red,AC, Jude ,August at MV.

Graduation day nila. Sa university mismo ginanap. Palihim akong pumunta. Nangako ako sa sarili ko na kakausapin ko si JM. Kapag umamin sya sa akin na gusto or mahal nya ako aaminin ko rin na gusto ko na rin sya.

Nakita ko si JM sa may parking lot. Nagtago muna ako sa may puno ng acacia. Isusurprise ko sya. May dala akong gift for him. Lalapitan ko na sana sya ng may lumapit sa kanya na babae. Unfamiliar. Hinalikan ito ng binata sa pisngi at niyakap.

Tumakbo ako palayo. Nasaktan ako sa nakita ko. Nalaglag ko ang regalo ko sa kanya pero hindi ko na binalikan. Umiiyak ako na pumara ng taxi at umalis ng university.

I promised to myself na kakalimutan ko na ang binatang playboy. Nag focus ako sa study. Hindi ko pinasok ang mundo ng pag ibig. Masaya na akong manood ng kdrama. Salamat kila Lee Min Ho, Ji Chang Wook, Lee Song Ji, Park Hyun Sik at Goong You. Nakatulong sila para kahit papaano makalimutan ko ding isipin si JM.

Mister Playboy : Please Come BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon