Kabanata 29

31 2 0
                                    


Bihis na bihis ang Lolo Patricio ko ng madatnan namin sa sala.

"Apo, gwapo na ba ulit ang lolo? "

"Aba syempre naman po, lo. Kahit anong isuot nyo gwapo pa rin kayo. "
Totoo hindi bola. Promise kasing gwapo ng lolo ko si Ace Vergel.

"Lo, bagets na bagets po ang porma nyo. "Puri din ni JM.

7:00pm .
Nauna na si JM na pumasok sa loob dahil susunduin pa daw nito sa taas si lola Miranda.

"Lo, dito na po tayo kila JM. "

"Ang ganda ng mansyon.Sino ba Architect and engineer nyan? "
Same kami ni lolo. Yun din agad tanong ko kay JM nang una nya akong dinala dito.

"Lo, si JM, "ako na ang sumagot. Inalalayan ko ang lolo ko pagbaba ng kotse pero pinigilan nya ako.

"Ano ka ba hija kaya ko pa. Malakas pa ako. "

Nakasarado ang main door ng mansion. Tinanong ko ang katulong nila kung bakit sarado. Dati naman lagi itong nakabukas. Saka medyo madilim ang paligid ng mansion hindi katulad dati na sobrang liwanag.

"Mam, kasi po mahirap na ang panahon ngayon. Madaming masasamang tao kaya po sinarado ang main door. Saka po para hindi kita kung sino ang nasa loob. "

"May point ka po, ate Cecil. "

"Apo ikaw na magbukas ng pinto. "

"Ah syempre naman lo. "

"Sige po mam maiwan ko na kayo. May gagawin pa po ako sa kusina. "

Binuksan ko na ang pinto. Biglang namatay ang lahat ng ilaw sa paligid. Kaya napahawak ako kay lolo.

"Ano ba naman yan blackout. Wala ba kayong generator babe? "
Walang sumagot sa sinabi ko. It means wala pa doon si JM sa sala.

"Lo, ok lang ba kayo? "

"Pailawin mo kaya hija yung cellphone mo? "

"Naku yan ang problem lo. Naiwan ko sa sasakyan yung cellphone. "

3minutes na kaming nakatayo ni lolo pero wala pa ring kuryente. Kinabahan na ako. Baka naman may magnanakaw kagaya ng napapanood ko sa movie. Bumuntong hininga ako. Sumigaw na talaga ako.

"JM nasaan ka na ba? Ano bang nangyayari? Wala ba kayong generator? "

Sabay bukas ng ilaw ng sabay sabay at may melody pa.

"SURPRISE!!! "

Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan sa paligid.Nandoon ang mga college friend ko, si Maxi at ang limang bff ni JM. Nandoon din si lola Miranda na bihis na bihis. Ang daming scented blue,red and white roses sa paligid.

"Ano...bakit -b-bakit andito kayo? "
Naguguluhang tanong ko. "Anong meron? "

"Best, nakalimutan mo na ba monthsary nyo ngayon ni JM. Invited kaming lahat. "

"Oo monthsary namin ngayon alam ko yun pero hindi ko pa sya binabati. Sya nga rin di nya ako binabati. Pero ano ba talagang meron? "

"Hija, nasurprise ka ba? "Si lola Miranda ang nagsalita.

"Yes, lola. Ano po bang meron? "

"Happy 1St monthsary, babe. "

Napalingon ako kay JM. Hinarap ko sya. May dala syang bouquet of blue and white roses.

"Babe, sana nagustuhan mo yung surprise ko sayo pero introduction pa lang yan, babe. "Inabot nya sa akin ang bulaklak at hinalikan nya ako sa lips. Tapos inakbayan nya ako.

"Thank you guys for coming and thank you for your cooperation to make this night so much memorable.
To the best grandma Lola Miranda and to the handsome grandfather of my babe thank you for the tips you shared with me."

Tinanggal ni JM ang pagkakaakbay nya sa akin. May kinuha sya sa bulsa at binuksan iyon. Lalong nanlaki ang mga mata ko at natutop ko ang bibig ko. Nangilid ang mga luha ko sa tuwa at sa nag uumapaw na surprisa.
Nasa harapan ko ngayon si JM nakaluhod habang hawak ang diamond ring.

"Will you marry me Margarette Lynx? "
Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa and I said "YES, I WILL MARRY YOU Mr. JM ABOITIZ! "

Isinuot nya sa akin ang diamond ring. Saktong sakto sa daliri ko.

Niyakap nya ako ng mahigpit at ako rin buong puso ko din syang niyakap.
Palakpakan at hiyawan ang mga taong saksi sa pag proposed ni JM.
"I love you, babe. "Sunod sunod na halik ang ibinigay nya sa akin.

"Pre, mamaya na yang kiss na yan. Naiinggit ako ",alaska ni Jude.

"Kakainggit ka best! One month pa lang kayo pero nag proposed na kaagad si JM sayo.Ang haba talaga ng hair mo! "

"Nagmamadali ka, tol? Talagang ayaw mo nang pakawalan pa si Lynx. Congratulations tol., "si AC.

"Pero tol si Lynx lang ba talaga? Baka naman may iba ka pa? "Biro ni MV.

"Oops, anu yun MC? Subukan lang nyang mangbabae ibebenta ko itong diamond ring ".Ganting biro ko rin.

"Lynx, kapag pinaiyak ka nito ni JM alam mo na ah. Im always here po you. Kapag sinaktan ka nya aagawin kita sa kanya"singit din ni Red.

"Aba aba Red graduate na ako sa pagiging playboy.Promise hindi ko sasaktan si Lynx kaya wag kang assuming dyan. " Tawanan ulit ang mga nasa paligid.

Nahagip ng mga mata ko si lolo Patricio at Lola Miranda na nag uusap. Pero bumulong sa akin si JM.
"Babe, wag mo na silang abalahin. Kilala na nila ang isat isa? "

"Eh first time palang nilang magkita. "

"Babe I'm sorry pero hindi ko talaga sinabi sayo na nagkakilala na ang dalawa last week pa. "

"Paano? "

"Nag lunch kaming tatlo"

"Ayos ka talaga, babe. Bilib na bilib na talaga ako sayo. "

"In love na in love yan ang sabihin mo, babe".

Mister Playboy : Please Come BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon