Kabanata 16

34 3 0
                                    

10 years later.
I'm 27 years old now. Matured and workaholic.

Ako na ang pumalit kay lolo sa pagpapatakbo ng negosyo. Lumaki na ang manufacturing company ni lolo. Maihahanay na rin sya sa mga kilalang supplier ng ink sa bansa. Si lolo consultant na lang sya.Madali kong napag aralan ang sistema ng negosyo. Syempre bata pa lang ako nun lagi na akong kasama ni lolo.

"Good morning mam. Ito na po yung hinihingi mong report. "

"Thank you, Karen. "

Si Karen ang HR manager nya.

"Mam, naka leave na po pala si Mam Lanie. Mag ha hire pa po ba tayo nang sales executive? "

"Hindi na. 1 month lang naman ang leave nya. Ako na lang muna ang pupunta if may mga client call. "

"Sige po,.Thanks ,mam. "

Minsan na lang kaming mag bonding ni Maxi. Pareho na din kasi kaming busy. Kaya Saturday ngayon napag usapan namin na mag hang out sa bar with college friends.

"Guys I miss you! "Beso beso and hug.

"I miss you too guys".

"Tara let's dance guys. Mag hataw on the floor tayo! "Yaya ko sa kanila.

Dance dance on the floor. Dance till your hips ache.

Maya maya lumapit sa akin si Maxi. At may binulong.

"Best andito si August. Kausapin ko muna ".

Napatigil ako sa pagsasayaw.

"Best akala ko ba wala na kayo ni August? "

"Best sorry kung nagsinungaling ako sayo. Nagkabalikan na kami ni August nung nakaraang buwan. "

"So it means nakikipagkita ka sa kanya? "

"Yes,best".

"Sige,talk to him."

Pumunta na rin ako sa table namin.Uminom ng champagne.
Maya maya ay nagpaalam na sila Ryza, Lyza, Amih at Sam.
Ako na lang ang naiwan sa table namin.Tinawagan ko si Maxi pero ring lang ng ring ang cp nya. Inubos ko ang champagne. Medyo tipsy na ako.

Maya maya dumating si Maxi at kasama si August. After 10 years ngayon ko lang ulit nakita si August. Medyo umiba na din aura nito.

"Hi, Lynx. Long time no see. "

"Hi",matipid na sagot ko.

"Join us. Nag iisa ka na lang dito. "

"Best tara join tayo kila August. Nandun sila sa vip room. "

Sumama na rin ako. Hindi ko na rin naitanong kung sino mga kasama nya. Tipsy na talaga ako pero kaya ko pa.

Pagdating ko dun nakita ko yung mga pamilyar na mukha plus girls. Kahit 10 years na ang nakakaraan at marami na ring nagbago sa mga hitsura nila tanda ko pa rin pangalan nila dahil sila ang pinakauna kong naencounter sa Lynux University.

"Hi, Lynx. Long time no see, "sabay sabay na wika nila Red, MV, AC at Jude.

Nakahinga ako ng maluwang dahil wala don ang taong pinilit kong kalimutan.

"Hello. Yeah long time no see. "

"Maupo ka, Lynx. "Inalalayan ako ni Red. Pinaupo nya ako sa tabi nya.

"Thank you. "

"Ang tagal mong nagpakita sa amin. Masyado kang private, "si MV.

"Ako? Hindi ah. Kayo yata ang masyadong private. Pero hindi lang talaga ako nag focus sa social media. I'm workaholic person. "

"Ah. So may boyfriend or asawa kana? ",tanong ni Jude.

Natawa ako sa tanong nya.

"Wala. Workaholic nga ako diba ".

"So may pag asa pa pala ako? "Si Red.

"Hay naku Red tigilan mo nga ako. Baka ikaw jan may asawa na".

"Wala ah. Lahat kami dito walang asawa. Anyway this is Leah gf ni AC and Shannon gf ni Jude. "

"Hi. "Nginitian ko sila.

Maya maya bumukas ang vip room. Pumasok ang taong hindi ko malimot limot kahit 10years na ang nakakalipas.

Mas lalo itong naging gwapo.Nagtama mga mata namin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Yung kabog sa dibdib ko sobrang sobra. Dagdagan pa na may kasama itong babae. Maganda, sophisticated at sexy na babae.

Pero nag pretend ako na tila walang napansin. Ininom ko ang champagne.

"Sorry mga tol I'm late. Si Cathe nga pala girlfriend ko. "

"Hi,Cathe",sabay sabay na welcome ng mga boys.

"Hello, "sagot din ng babae.

Gusto ko ng magpaalam pero hindi ko magawa. Nag pretend na lang ako na ok lang pero deep inside nasasaktan talaga ako sa nakikita ko infront of me. Nagkiss pa ang dalawa.

Playboy pa rin pala sya!

Sunod sunod ang tungga ko ng champagne. Pero kaya ko pa rin naman. Nag excuse ako na pupunta ng restroom para mabawasan naman yung inis ko at nararamdamang sakit.

After ko gumamit ng restroom nag decide ako na hindi na bumalik sa VIP room. Lumabas na ako ng club. Nag message na lang ako kay Maxi na mauuna nang umuwi. Hindi ko na rin kayang mag drive kaya mag grab na lang ako.

"Where are you going? You want to escape? "

May sumunod pala sa akin at si JM yun. Kumabog na naman ang dibdib ko. Pero hindi ko sya sinagot. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad palabas.

"Hey kinakausap pa kita! "Pinigilan nya ako. Hinawakan nya kamay ko.

Mainit mga palad nya and I like it.

"I want to go home. "

"Uuwi kang mag isa na ganyan ka?Eekis skis na ang lakad mo. "

"I can manage ".Pero hilong hilo na talaga ako. Lalo akong nahilo nang maglakad ako. Kinabig nya ako at napayakap ako sa kanya. Ramdam ko ang init ng katawan nya. Napakagat labi ako.

"You can manage pero hilong hilo ka na. "

"No kaya ko pa. Bitawan mo nga ako. "

"Baka mapano ka pa. Let's go! "Sabay karga nya sa akin. Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. Basta hindi na ako nagmatigas pa. Di ko na talaga kaya!

Mister Playboy : Please Come BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon