Kabanata 10

30 3 0
                                    

Hindi ko na tinatarayan si JM. Napagod na rin akong magtaray dahil parang wala lang naman yun sa binata.
Hindi na rin ako masyadong naha high blood sa kanya.
Hindi na rin ako nag iisip ng mga negative about him. Siguro dahil nakikita ko rin na sumusunod din sya sa deal namin.

Ang hindi lang talaga mawala ay yong paghanga sa kanya ng mga bakla at babaeng estudyante sa campus. Heartthrob nga naman ng Lynux University.

15 days of 60 days ( 2 months).

Madalas akong yayain ni JM na kumain sa labas. Madalas ang bonding namin kasama mga kaibigan nya at si Maxi.

Tulad ngayon nasa mansion ulit kami nila August. Food trip lang naman ang ginawa namin.

Si Maxi lang ang nakakaalam na fake gf lang ako ni JM. Kaya nong sinabi ni JM sa mga kaibigan nito na kami na, nagulat ang mga ito. Tama nga daw si JM. Pakipot lang daw talaga ako at gusto ko lang rin talaga ang binata.

Di na rin naman ako nag comment. Ayaw ko na kasi ng mahabang paliwanagan. Bahala na sila sa sasabihin nila.

"Lynx, next time mag bonding din tayo sa inyo. "

"Sige ba. "

Hinatid ako ni JM pauwi sa bahay. Habang nasa loob kami ng sasakyan panay kwentuhan kami.

"Malapit na graduation namin. Magiging busy na ako lagi. Siguro bihira na tayong magkikita. "

"Okay lang. Malapit na ring matapos yung deal natin. "

"What if extend natin yun? "

"Naku di na pwede. Saka tulad nga ng sinabi mo gagraduate ka na. "

"Do you want to know the reason behind kung bakit binigay ko tong deal sayo?!"

"Hindi pa nga eh. Pero siguro blinackmail mo lang talaga ako. Siguro gusto mo lang takasan yung mga babae mo. "Tumawa pa ako. Pero si JM seryoso ang mukha. Infairness pogi talaga!

"Because I love you, joke lang! "At tumawa na ito! "Oi don't get it serious. ".

"Hahaahaha, I love you too, joke lang din! "Pambawi ko sa biro nya.

Yes sa ngayon hindi na kami nag aaway ni JM. Kinalimutan ko na talaga yung mga nangyari before. Saka mas ok na ngayon. Talagang mKikilala mo lang ang isang tao kapag nakasama mo na sya.

"Lynx, actually inenjoy ko lang talaga ang pagiging binata ko. Dahil kapag nag asawa na ako ayaw ko ng umastang parang binata pa din. Saka di ko itatanggi na playboy ako. Alam mo 4 girls sabay sabay kong jinowa. Sabay sabay ko ding hiniwalayan. Mabilis akong magsawa. Di ko pa nakikita yung soul mate ko. "

"Tindi mo 4 n 1 pala. Soul mate? Malabo yan. Sige na sabihin mo na yung pinaka reason kung bakit mo binigay sakin ang deal? "

"Dahil darating na ang lola ko. Kelangan kong may maipakilala sa kanya na girlfriend. Ikaw yung nasa isip ko. Picture natin nung party ang binigay ko ".

"Anu tayo may picture? "Nagulat talaga ako.

"Oo meron. Palihim tayong kinuhanan ng pictures ni AC at pinasa nya sa akin thru messenger. Here's my phone. Check it! "

Tiningnan ko naman. Infairness ganda ng kuha sa amin. Talagang akala mo girlfriend nya ako sa picture na yun.

"Bakit ako? I mean bakit ako ang pinakilala mo sa grandma mo? "

"Simple lang. Marami na akong naipakilalang girl friend sa kanya in person pa yun pero ayaw nya. But this time uuwi na sya from U. S. just to meet you. "

I DON'T know pero parang na touched naman ako sa sinabi nya. Me? Like ng lola nya at uuwi pa ito sa Pilipinas para lang ma meet ako. Wow ako na talaga ang mahaba ang buhok!

"Wow !Seryoso ka, JM? "

"Oo naman. Kahit playboy ako tao pa rin naman ako. Kaya prefer yourself. Next week darating na si lola. "

"I'm always ready. Mabait ba lola mo? ".Nacurios tuloy ako.

"Slight lang."

"Ganun. Sige bahala na. Asan parents mo? "Bigla kong naitanong.

"Nasa heaven na! "Lumungkot ang mukha nito. "Ikaw asan na parents mo? Lolo mo lang ang nakikita ko palagi. "

"Nasa heaven na din sila. "

"So pareho pala tayong laki sa mga lolo at lola ".

"Oo nga".

Naihatid na ako ni JM. Di ko na sya pinapasok sa bahay. Saka may gagawin din itong thesis.

May nararamdaman akong kakaiba sa tuwing magkasama kami ni JM. Yung parang ang ganda lang talaga ng araw ko. Naisip ko nga rin tama naman sya playboy sya pero tao naman sya. Lahat naman ng tao talagang may bad side din. Wala namang perfect.

Feeling ko kahit kunwari lang na girlfriend nya ako within 2 months parang wala lang din pinagkaiba sa ibang relasyon na totoo.

Yes gentleman sya and gusto ko yun. Infairness kahit play boy sya ang tataas ng grades nya.

Nahuhulog na ba ang loob ko sa kanya? Kakainin ko ba lahat ng sinabi ko sa kanya? Na never akong maiinlove sa kanya dahil play boy sya?

Ano gagawin ko kapag dumating yung time na ma inlove nga ako sa kanya?
Ayaw ko munang isipin yun. Basta bahala na.

Sa university pag magkasama kami feeling ko artista na rin ako kasi kilala na ako ng mga estudyante. Sabi pa ng iba :

"Wow napatino nya si JM. Talagang siya na lang ang gf nito. "

"Haba talaga ng hair ni ate gurl. Ano kayang meron sya at biglang kumalma ang kalandian ni JM? "

I'm proud of it. Ganda ng image ko diba? Tumino daw si JM because of me. Pero ang totoo part yun ng deal namin ni JM. Abangan na lang nila after ng deal nila kung babalik ulit ito sa dati.

Inaantok na ako kaya ipinikit ko na mga mata ko. Natulog na ako.

Mister Playboy : Please Come BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon