Kabanata 8

35 4 0
                                    


"Mukhang nag enjoy kayo sa party, apo. "Masaya ang mukha ni lolo ng sumalubong sa pinto. Hindi  man lang ako pinagalitan dahil inumaga na ako ng uwi.Hindi ko naman pwedeng ikwento kay lolo ang nangyari between me and JM. So I need to tell a white lies.

"Lo, enjoy po ang party. Doon na po kami natulog pero sa guest room naman po at safe naman po. "

"Mabuti naman kung ganoon apo. Sige magpahinga ka na at may ka meeting ako. "

"Sige po. Ingat po kayo, Lo. "

Wala akong ibang ginawa sa room ko kundi ang gumulong gulong sa kama. Hindi maalis sa isip ko yung nangyari kanina sa bahay nila August. Sa tuwing pipikit ako mukha ni JM nakikita ko.

Sabi nila kapag lagi mong naiisip yung tao na yun ay may crush ka na sa kanya!

Nabasa ko lang yun sa facebook pero hindi naman yun totoo. Never akong magkaka crush sa kanya!

Kailangang hindi mag krus ang path namin sa university. Iiwas ako sa kanya. Sana naman hindi malaman sa university yun!

Monday.
Nauna ako kay Maxi. Hinintay ko sya sa may lilim ng puno ng acacia. May bench doon kaya naupo muna ako. Siguradong parating na din yung bestfriend ko.

Nagbasa basa muna ako ng may biglang umagaw sa binabasa ko.
Ang malas ko naman dahil si JM pala ito.

"Mahilig ka palang magbasa",bungad nito.

"Akin na yan. Pakialamero. "

"Ang sungit mo naman. Oh heto na sungit. "

Inayos ko ang bag ko at humakbang pero pinigilan ako ni JM.

"Umiiwas ka sa akin? "

"Oo. "

"Bakit naman? "

"Dahil playboy ka at manyak ".

"Ako manyak? Playboy pwede pa. Ako nga minamanyak nila. "

"Ang hangin mo. Bitiwan mo ako ".

"Sige. Gusto mo bang sabihin ko sa kanila na nagkatabi tayo sa kama nung nakaraang gabi? "

"Fuck".Sasampalin ko na sana sya ng pigilan nya kamay ko. Tapos niyapos nya ako. Sobra akong nag blush! Grabe. Daming studyante nakatingin samin. "Bitiwan mo ako! "

"Bibitawan lang kita kong makikipag deal ka sa akin".

"Deal? Anong klaseng deal? "

"Be my girl in 2 months or else sasabihin ko sa kanila na nagkatabi tayo sa kama. "

"Bina black mail mo ako. Magkatabi lang naman kayo ayos lang yun."

"Sabihin nating ganun na nga pero hindi sila maniniwala. Playboy ako diba? Kaya ako ang mas papaniwalaan nila. Ano deal? Bibilang ako ng tatlo. Isa... Dalawa... "

"Oo na deal. Bitiwan mo na ako. "

"Sure? Siguraduhin mo lang dahil kung hindi in just one click malalaman nila yun. "

"Oo sure! "

Labag man sa loob ko ang pakikipagdeal ginawa ko pa rin. Ayaw kong malaman nila yun. Baka ano isipin nila sa akin. Baka isipin nila may one night stand na nangyari samin ni JM. Kay JM ok lang yun sanay na mga tao sa kanya pero sakin di pwede yun.

"Sunduin kita mamayang lunch sa classroom nyo. 12:00 noon sharp. "

"Sige ".

Humakbang na rin ako. Hindi ko na hinintay si Maxi. Yung mga tao sa paligid ko nakatingin pa rin sa akin.
Narinig ko pa ang usapan ng mga estudyante.

Ang bilis talaga ni JM. Jinowa nya talaga ang freshman student na yan!

Wow sila na agad. Lodi talaga si JM. How to be you po?

Maghihiwalay din ang mga yan. Kilala ko si JM mabilis magsawa.

Wow famous ka talaga JM. Pero mas ok na din yung ganun kesa naman ganito kung sakaling malaman nila.

Ay bumigay agad si girl. Ang easy nya naman.

Akala ko matino yun pala keriring din!

Nasarapan yata kay JM.

"Bwisit talaga! "

"Hoy best! Best I'm here! Sorry na best na late ako. "

"Max, malas araw ko ngayon. "

"Bakit? "

"Na black mail ako ni JM. "

Ikinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari kanina. Nag warning din ako sa kanya na huwag ipagsasabi sa iba ang deal na yun. Lalong lalo na yung nangyari sa bahay nila August.

"Promise best. "

"Susunduin nya ako mamayang lunch. "

"Push mo yan best. Kami din ni August. "

12 noon sharp andoon na nga si JM sa labas ng room. Naka shade ito.Lalong naging pogi.

"Let's go! ".Inakbayan nya ako.

"Pwede wag mo ako akbayan? "

"Hindi pwede. Sa loob ng 2 months gagawin ko lagi ito sa tuwing magkasama tayo. "

"Ok fine whatever. "Sagot ko.

"May next subject ka pa? "

"Wala na. "

"Ok mas maganda! "

Mister Playboy : Please Come BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon