Kabanata 13

24 4 0
                                    


Nag commute ako thru grab pauwi sa amin. Hindi ako nasundo ng driver namin. Ayaw din ni lolo na mag drive ako. Saka na lang daw kapag 18 years old na ako. Excited na ako kasi 5 months na lang at mag debut na ako.

Ayaw ko ng party gusto ko mag travel kasama si lolo. Matagal na din kaming hindi nakaka travel abroad. Gusto ko sa Seoul Korea kami pumunta.

Nag ring ang cellphone ko. Si JM ang tumatawag. Di ko siya sinagot.

Manigas sya!

Madami syang text sa akin. Tinatanong kung nasaan ako.Kung nakauwi na ako. Kung galit ba ako sa kanya. Pero di ko talaga sya nireply. Naiinis talaga ako ng bonggang bongga.

"Mam dito na po tayo ".

"Ah sige po salamat.Ito po bayad. Keep the change po. "

Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Nagbihis at nanood ng movie. Nang magsawa na ako cellphone ko naman ang pinagkaabalahan ko. Nag check ako ng mga messages. Ineexpect ko madaming message si JM pero ni isa wala.Puro chat ni Maxi ang nasa notification ko.

Tamad ako magbasa kaya tinawagan ko na lang sya.

"O ano best? May problema ?"

"Bruha nasan ka na ba? Kasama ko kanina si JM hinahanap ka nya sa akin. "

"Andito sa room ko nakahiga. Ows talaga magkasama kayo? Hinahanap nya ako bakit daw? "

"Umamin ka best gusto mo na ba sya? Sabi nya kasi umiba ung mood mo ng makita mo sila kanina ni Yassi na magkasama. "

"Hindi ah. "

"Ay sus. Gusto mo na sya noh. Nagselos ka best noh? Wag ka ng mag deny. Masyado kang halata ".

"Sige na bye na. Matutulog na ako. "

"Umiiwas sya oh. Oi si best in love na sa playboy".

"Ewan ko sayo! "

Binabaan ko na sya ng telepono.

Talaga masyado akong halata? Ah bahala sila. Makatulog na nga.

At lumipas pa ang mga araw.

35 days of 60 days.
Iniiwasan ko talaga si JM. Mabuti na lang at busy sila sa mga thesis and project nila. Di na rin sya nagtetext or call sa akin.

Kay Maxi na lang ako nakakasagap ng news. Nasa Zambales daw ang anim. 3 days daw ito.

"Namimiss ko na si August ".

"Mag review ka na nga lang best. Puro ka August August. "

"Hay naku bitter ka talaga best. "

"Best diba malapit nang dumating lola ni JM? "

"Oo. Akala ko nga nung nakaraang linggo pa iyon. Kaso na delay daw. Sa next month na lang daw. "

"Pero best 15 days na lang matatapos na ang deal nyo ni JM. "

"Mas maganda! "

"Anong mas maganda? Malamang extend ang deal nyo! "

Napaisip ako. Oo nga noh. Baka e-extend. Pero hindi na ako papayag. Bahala na syang mamroblema dun.

Mister Playboy : Please Come BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon