Kabanata 21

28 3 0
                                    


Dinala nya ako sa isang vip restaurant sa Makati. Wala pang mga tao ng dumating kami.

"Wow tayo ang pinakaunang tao dito ah. "

"Wala ng susunod pa sa atin."

"Bakit naman? "

"Nirentahan ko itong restaurant".

"Anu? Eh ang mahal dito ah. "

"Hayaan muna. Afford ko naman. Basta ikaw. "

Ung mata ko feeling ko may heart emoticon. Syempre kinikilig na naman ako. Lalo pa at nirentahan nya ang restaurant na ito. Ako na talaga si Rapunzel. Ako na ang may pinakamahabang buhok.

Inalalayan nya pa ako sa pag upo. Plus may nirentahan pa syang Singer and band.

"This is too much, JM. "Naluluha ako sa kilig.Nakaka touch lang talaga!

"Don't worry. Let's eat. "

Eenjoy ko talaga ang moment na ito. Memorable ito for me.

"May dumi ka sa labi mo".

Kinapa ko naman pero wala akong nakita at makapa.

"Wala naman".

"Ito oh. "

Napapikit ako sa halik nya sa akin. Akala ko talaga pupunasin nya lang yun pala dumiskarte na para makahalik sa akin. Ay ang bongga diba!

"You like my kiss? "

"Hah? "Nagulat ako sa tanong nya.

"Joke lang. Kain ka na para tumaba ka naman. "

"Kontento na ako sa figure ko. "

"Pero baka tumaba ka kapag nagkababy na tayo. "

"Oi baby agad? Wala pang tayo noh".

Pero kinilig ulit ako sa sinabi nya na kapag nagkababy na kami baka tumaba na ako. Ah hindi ako tatanggi. Gandang lahi tiyak ng baby namin.Pero sinaway ko din yung pilya kong utak. Marami na namang what if sa utak ko. Pero kumain na lang ako ng kumain.Basta ang mahalaga kasama ko sya ngayon.

"Alam mo ba ang sabi ni lolo sa akin kanina? "

"Anu na naman yan Mr. Aboitiz? "

"Gusto nya nang magkaroon ng apo. "

"Naku si lolo talaga."

"Kaya magmadali ka na. "

Tumawa ng malakas si JM. Maging ako man ay natawa.

"Malapit na mga 2 years pa. "

"2 years? Ang tagal naman. "

"Madali lang yun noh. "

"Okay. After our lunch date may pupuntahan pa tayo. "

"Naku hindi pwede.At 3 pm may ka meeting ako. "

"Sino? "

"Client namin. "

"Mamayang gabi? "

"Try ko. "

"Sunduin kita mamaya. "

"San tayo pupunta? "

"Secret. "

"Sige ikaw ang bahala. "

"Mag de date ulit tayo baka sakaling sagutin mo na ako. "

"Sinasagot na kita. "Bigla kong nasabi yun. Akala ko hindi nya maririnig pero narinig nya pala.

"Yes. Tayo na? "

Tumango ako tatlong beses.

Napatayo si JM. Lumapit sa akin. Kinuha nya kamay ko at tumayo din ako. Sabay yakap nya sa akin ng mahigpit. Tapos hinalikan nya ulit ako sa lips. Tapos sabay sigaw nya sa mga tao sa paligid.

"Narinig nyo yun diba? Kami na! Girlfriend ko na sya. "

"Oi ang ingay mo. "Natatawa kong sabi. Pero hindi ko sya pinigilan. Para syang bata ng mga oras na yon.

Of course masayang masaya ako dahil may boy friend na ako. For almost 10years hindi man lang ako nagkaroon ng boy friend siguro dahil hindi ko talaga mahanap sa kanila ang isang JM na hindi ko malimot limot. Thanks God finally mabait talaga ang tadhana sa akin. Hindi lang sa akin pati na rin kay JM.

Nagpalakpakan at naghiyawan naman ang mga tao na nandoon sa paligid.

"Congratulations po sainyo Sir at Mam. "

"Sana po may forever. Wish po namin na maging masaya kayo lagi. "


Mister Playboy : Please Come BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon