Kabanata 20

34 3 0
                                    


Pakanta kanta pa ako habang nag da drive papunta sa trabaho. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon.Walang paglagyan yung kasiyahan na nadarama ko.
Sinong mag aakala na after 10 years of no communication magkikita ulit kami at mag aaminan ng feelings. Kaya sobrang thankful ako kay Papa God dahil muli kaming pinagtagpo ng tadhana. Ang tanging hiling ko kay Papa God na sana makisama yung tadhana sa amin. Sana maging mas exciting pa yung mga susunod na mangyayari.

Narating ko na rin ang kompanya namin. Ipinark ko ng maayos ang sasakyan. Dumiretso agad ako sa office. Tambak ang papers work. Dami kong aaprove at pipirmahang mga papers. Pero ayos lang dahil inspire na inspire akong magtrabaho today.

Maya maya lumapit sa akin si Nymphs ang secretary ko.

"Good morning mam. May bisita po kayo sa labas. Tumawag po si Mang Ben-head ng security. "

"Sino daw yun Mam Nymphs? Wala naman akong ini expect na bisita ngayon. Sige patuluyin mo dito sa office mam".

Maya maya may kumatok sa pinto tatlong beses.

"Please come on in".

"Good morning, Miss Margarette Lynx".

Na surprised ako. Guess kong sino ang bisita ko. Si JM Aboitiz lang naman. Gwapong gwapo, bagong gupit and shave, naka suot ng shade at ang bango bango nya.

Ang ganda ng ngiti nya sa akin at heto na nga papalapit na sya sa akin. Lalo pa akong kinilig dahil may dala syang fresh mixed blue and white roses.

"Para sa magandang babae sa harapan ko ngayon".Inabot nya sa akin ang bulaklak. Syempre hindi naman ako nagpakipot pa kinuha ko agad iyon.

"Thank you. I like this roses ."Inamoy amoy ko pa yun bago nilapag sa table ko. "Wait paano mo nalaman na dito ang planta namin? "

"Si Lolo ang nagturo. "

"Sinong lolo? "Tumaas kilay ko.

"Si Lolo Patricio! "

"Nasa bahay si lolo. "

"Pinuntahan ko sya. "

"Anu? "

"Kinausap ko na si lolo. Sabi ko sa kanya hihingiin ko ang permiso nya na ligawan kita. Hindi naman sya nagdalawang isip. "

"Talaga sinabi mo yun? "

"Oo naman. "

"Baka binobola mo lang ako. "

"Yan ka na naman ayaw mo na naman maniwala. "

"Eh kasi naman... "

Si JM na ang nagtapos ng sasabihin ko at natumbok naman nito.

"Eh kasi playboy ako ".

"Oo".

"Don't worry wala ng hahabol pa sa akin. "Sabay kindat nya sa akin. "Baka ikaw na lang. "Tumawa pa ito.

"Crazy! "Nakangiting ganti ko sa kanya. "Magtatagal kb dito? "

"Oo. Yayayain sana kitang mag lunch ".

"Sige. Hintayin mo na lang muna ako at tambak pa yung pipirmahan ko. "

"Ganun. Sige dito na lang muna ako. Magbabasa basa ako. "

"Tama yan! "

Napapansin ko kahit nagbabasa sya panay pa rin sulyap nya sa akin. Maging ako man ay ganun din. How I wish sana araw araw laging ganito.

Mister Playboy : Please Come BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon