Kabanata 14

27 3 0
                                    


Nasa mall kami ni Maxi ng biglang tumawag sakin si lolo.

"Apo, umuwi ka muna saglit sa bahay. May bisita ka dito. "

"Bisita,Lo?Sino po ba? "

"Classmate mo daw sya. May project daw kayong gagawin. Di ko natanong ang pangalan basta puntahan mo na lang. "

"Sige po. Uuwi na ako jan, Lo. "

"Maxi, si Amber nasa bahay. Pero diba ang usapan natin next day pa tayo gagawa ng project? "

"Oo. Pero best nasa Batangas si Amber. Nakita ko nag post sya sa instagram. "

"Eh sino ang nasa bahay? "

"Aba malay ko best. Sige na mauna ka na best. Wait ko pa si Mikay. "

"Sige best. "

After 20minutes narating ko na agad ang bahay namin. Hindi ko na tinanong ang guard kung sino ang bisita namin .Dumiretso ako sa sala. Pero walang tao doon. Narinig kung tumatawa si lolo sa may likod bahay. Sa may garden. Doon ako dumiretso. Laking gulat ko ng makita kung sino ang bisita.

Si JM ang bumisita sa akin. Tatalikod na sana ako pero huli na. Nakita na ako ni lolo.

"Apo andyan ka na pala. "

"Hi Lynx. "

Kinabahan ako. Baka kung anong sinabi ni JM Kay lolo.

"Iwanan ko muna kayo apo.May aayusin lang ako sa taas. "

"Sige po, lolo. "

Nakaalis na si lolo. Ako na ang bumasag ng katahimikan.

"Akala ko ba nasa Zambales ka? "

"Nung isang araw pa kami bumalik."

"Ah okay".Matipid kong sagot.

"Tinatawagan kita pero out of coverage. Nagpalit ka na ba ng number? "

"Hindi. "

Ang totoo blinock ko number nya.

"So block listed ako? "

Tumango ako.

"Why? "

"Before anything else anong sadya mo dito? Don't tell me na may sinabi ka kay lolo? "

"What if meron? "

"Then our deal will end today. I'm serious. "

"Are you not afraid to spread the news----".

"Of course I'm not. Go and tell them. I don't care anymore. Maxi will testify that it was a lie. "

"All right. I'm here because I really miss you".

Lumapit sya sa akin at niyakap nya ako. Di ako pumalag. I love this moment. Pero di ako gumanti ng yakap. Baka ano isipin nya.

"Lagi kitang iniisip. Sorry about what happened 2 weeks ago. Believe me Yassi and I are only friends. "

Wow. Diskarteng playboy yata ah. Lagi nya daw ako iniisip? Baka ginogoyo na naman ako nito.

Pero kinilig ako dun ah.

"No need to explain coz I'm not interested. "Itinulak ko sya.

"Tell me gusto mo na rin ako. Kasi kung hindi mo ako gusto hindi ka magagalit or magtatampo ng ganyan sa akin. "

Never akong aamin. Hindi muna sa ngayon. Alam kong hindi pa naman huli ang lahat.

"Alam mo JM assuming ka din noh. Hayaan mo malapit na matapos deal natin. "

"So di mo talaga ako gusto? Talagang pagpapanggap lang lahat yun? "

"Yes. "Pagsisinungaling ko.

"Ok. Then tapusin na natin ang deal "

Natahimik ako. Seryoso si JM sa pagkakasabi nya. Dapat matuwa ako kasi tinutuldukan nya na ang deal namin. Pero tila nalungkot ako. It means di ko na sya makakasama sa lunch and jamming? It means di na kami mag uusap? Bahala na! Gusto ko na ring makawala sa deal namin.
Pero darating na lola nya next month.

Ah bahala na syang mamroblema dun".

"Hey, Lynx. "

Natigil ako sa pananahimik at pag iisip ng magsalita sya ulit.

"Ok. Let's end our deal today. You may leave now! "

"Okay fine. "

Lumabas na sya ng bahay. Naiiyak talaga ako promise. Kaya tumakbo ako papunta sa room ko.

Umiiyak ako dahil mamimiss ko din sya. Umiiyak ako dahil gusto ko na rin sya. Umiiyak ako dahil baka hindi ko kayanin na makita na meron na ulit syang iba.

Mister Playboy : Please Come BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon