Kabanata 6

38 3 0
                                    

8:30pm.

Narating na namin ang bahay nila August. Mansion ito. Malawak ang garden. Malawak din parking lot. Madaming mga kotse-mga mamahalin.

Ipinagbukas ako ng pinto ni JM.
Unang hinanap ng mata ko si Maxi.
Sakto naman nasa may entrance ito.
Nag beso beso kami.

"Sinundo din ako best ng driver ni August. "

"Aba ang lakas mo.Mag iingat ka best. Wag easy to get. "

"Gaga. Ikaw din ah."

"Let's go. Maya na ang chismisan nyo jan. Naghihintay na sila sa loob. "

Pagpasok namin sa loob andoon na rin sila Red, AC, Jude at August.

Nagbatian ang mga ito. Batian ng kamay na may style na sila lang yata ang may alam non.

Maraming bisita. May lumapit sa amin na babae at binati kami.

"Hi Lynx and Maxi. I'm Chanel. "

"Kilala mo kami? "

"Oo naman yes! Kayo yung bago lang sa Lynux. "

"So nice meeting you, Chanel ".

May ibinulong si Chanel sa akin.
Hindi na rin naman ako nasurprise. Ang sabi nya sa akin aattend daw ng party si Yassi kaya mag iingat daw ako. Halatang close friend ito ni Yassi si Chanel. Umalis na ito sa table namin at lumipat sa mga kasama pa nito.

"Hi, Lynx. Nice too see  you here".

"Hi, August. Happy birthday. Here's your gift ".

Kahit papaano naman ay nakapag ready din ako ng gift.

"Sinundo ka ni JM? "Si Red.

"Yup. Pero sana hindi nya na lang ako sinundo. "

"Iba ka talaga LODI! Iba ka talaga JM! Napasama mo si Lynx. "

"Pakipot pa kasi aattend naman pala. Papasundo pa talaga! "

Nginitian ako ni JM. Shitt ang pogi nya lalo kapag nakangiti.
Wag kang ganyan gorilla! Close your mouth! Hindi pwede na maging crush kita! Ayaw ko sa playboy! Lalong ayaw ko sa mahangin!

Nakabawi ako. "FYI Mr. Pasalamat ka na lang at pinayagan ako ni lolo. "

"Kunwari pa."

"Anyway, feel at home guys. Maraming foods. Maxi, sayaw tayo. "
Yaya ni August.

"Sure".

Hay naku ang kaibigan ko talaga basta sayawan game na game.
Kami na lang naiwan nila Red at JM sa mesa.

"Hi Lynx. "

Lumapit sa akin si Red. Anyway gusto ko talagang makilala si Red. Feeling ko kasi mabait talaga siya.

"Hello, Red. "

"Umiinom ka? "

"Yeah ladies drink. "

"Cheers! "

Nakipag toast ako sa kanya.

"Lynx, may boyfriend ka na ba? "

"Hmf",si JM biglang lumapit din sa amin. Panira talaga ng eksena. "RED, wala pang girl friend si Lynx. "

Nakahinga ako ng maluwang. Akala ko kung ano na naman sasabihin nya.

"Saka na lang yung boy friend na yan. Aral muna. "

"Pero pwede mo din naman pagsabayin. ",si JM ulit.

Haist sobrang epal talaga!

"Lynx, thank you dahil nakasama ka dito. Enjoy the party. Tara let's dance. "

Syempre sumama ako kay Red. Iniwan namin si JM sa mesa. Nakita ko sunod sunod ang inom nito ng alak.

"Best, buti sumama ka. Tara sayaw! "

Eenjoy ko talaga ang gabing ito. Ngayon na naman lang kasi kami nakapag party ni Maxi.
Kung sa dance floor hataw talaga kaming sumayaw ni Maxi. Bahala silang sumabay.

Halos lahat nasa dance floor na maliban kay JM na nagmamasid lang sa amin. Napapansin ko syang panay ang sulyap sa akin.

Haba ng hair ko diba? Pero wala akong pake. Basta enjoy enjoy lang.
Cool na cool kasama ang limang kaibigan ni JM. Humahataw din ang mga ito. Si Red panay dikit sa akin. Minsan bumubulong pa.

"Ang galing mong sumayaw Lynx".

"Thanks. Hilig ko kasi talaga to! "

"So pwede kitang yayain some other time? "

"Sure! "

Napagod na din kaming sumayaw kaya bumalik kami sa table. Wala na si JM dun. Hindi ko alam kong san sya pumunta. How I wish sana umalis na sya. Sasabay na lang ako kay Maxi umuwi.

"Lynx, anong oras na? "

"Past 11pm. Anong oras tayo uuwi? "

"Maya maya na. Madami pang tao best. Madami pang drinks hahaha! "

"Loka! "

"Wow, mukhang nag enjoy kayong sumayaw".

Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni JM pero mas nagulat ako ng makita kong may kaakbay itong maganda at sexy na babae. Ang babae naman ay nakayakap sa kanya ng mahigpit.

Huh, walang may pake. Ininom ko ung red wine. Ewan ko pero umiba yung mood ko. Di ko alam kung naiinis ako dahil andito si JM o dahil may kasama syang babae na akala mo ahas kung makalingkis sa binata. I hate this kind of scenario!

"Wow Lodi ikaw na talaga! After Yassi si Olive naman. ",kantyaw ni Red.

"Ganun talaga mga tol. Iba talaga ang karisma ni John Miggy Aboitiz."

Ah ganun kaya pala JM short for John Miggy. Hmf, teka lang medyo na co confuse na ako dahil mukhang gusto ko pa syang makilala. Kanina si Red ung gusto kong makilala ng lubos pero ngayon parang si JM na. Huh, di pwede!

Ayoko sa playboy!
Ayoko sa mayabang!
Ayoko sa malandi!

Oo malandi sya dahil wala syang hiya na iharap sa amin ang Olive na ito na akala mo Guest Relation Officer. Sorry for the harsh word pero para nga syang pukpok!

Mister Playboy : Please Come BACK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon