XII - Isang imbitasyon [Ang pagsibol ng bagong Uruha III]

831 57 8
                                    


CHAPTER XII

Hindi ko na nagawang makaligo nang mga oras na 'yon at dali-dali akong naglakad palabas ng Talimaon habang kagat-kagat ang isang piraso ng tinapay na nakalambitin naman sa aking bibig. Kamot-ulo akong pinagmamasdan sina Kuya Gayle at Paolo habang tahimik nilang pinakikinggan ang mag-amang sina Jotaro at Batluni, na nang mga oras na 'yon ay tila ba nagtatalo.

"Hindi ba't sinabi ko naman sa'yo na 'wag kang magtitiwala kay Anino?" Dining kong sabi ni Jotaro sa kanyang anak.

"Wala kayong dapat na ikabahala, ama." Sagot naman ni Batluni. "Tignan n'yo naman at nakakalakad na akong muli, kaya ko nang—" Naudlot niyang tugon.

"Sa tingin mo ba'y hahayaan pa kitang lumaban?" Sabat ni Jotaro. "Ngayon pa't hindi naman tayo sigurado kung hanggang kalian mo magagamit ang makinaryang 'yan?!" Bahagyang tumaas ang kanyang boses.

Hindi ko alam kung anong dapat gawin, para kasing may kasalanan rin ako at nasasabon ngayon si Batluni; syempre: ako lang naman ang nakakaalam nang lahat ng mga nangyari kaninang medaling araw. Pakiramdam ko tuloy parang kasama ako sa sermon ni pinunong Jotaro.

"Hindi n'yo naman ako mapipigilan, ama." Dinig kong pabulong na sagot ni Batluni. Napalunok ako sa sinabing 'yon ni Batluni, nilingon ko si Jotaro at inaabangan ang tila ba alam ko nang isasagot nito.

Kilala ko kasi si pinuno, noong nasa pangangalaga niya ako sa Uruha'y walang ni isa sa tribo naming ang nag-lakas loob na sagot-sagutin si Jotaro. Bukod sa malakas ito'y nakakatakot naman talaga s'ya nagalit.

Bumuntong hininga si Jotaro. Naku, mukhang malapit nang mag-alburoto itong si pinuno.

Subalita imbes na sumagot at umiling lamang ito at nagpatuloy sa paglakad. Kunot-noo ko naming pinagmasdan sina Jotaro at Batluni, na nang mga oras na 'yon ay tahimik na sinuyod ang daan patungo sa tarangkahan palabas nitong Talimaon. Dumaan na kami sa higanteng puno, nagawa na naming nakalabas roon subalit hindi na naming narinig ang iringan nang mag-ama.

Tanging mga kaluskos lamang ng mga talampakan naming umaapak sa maputik at masukal na lupa nitong kagubatan nang Elmintir ang tanging ingay na naririnig ko. Isama mo na d'yan 'yung pagkalansing ng kadena sa magkabila kong braso at paa.

"Malayo pa ba?" Tanong k okay Paolo, para naman mawala 'yung tension. Ang tahimik kasi eh. Pero hindi naman ako sinagot ni Paolo, bagkus ay nagkibit-balikat lamang ito at itinuro si Reyna Accacia, na nasa unahan naming nina Jotaro, Batluni, at nang mga pinsan ko.

Medyo matagal rin kaming naglakad. Sa katunayan, basang basa na nga 'yung laylayan ng pantalon ko sa sobrang haba nitong paglalakad naming, basa pa rin kasi 'yung mga damuhan dito sa kagubatan. Mukhang malakas 'yung ulan kagabi.

Kumpleto kami ngayon, ako, ang mga pinsan ko, si Jotaro, si Batluni, ang magkapatid na sina Prinsipe Geret at Reyna Accacia, isama mo na rin ang manghuhulang si Isko at ang unggoy na si Je'il. Medyo marami kami, pero magkaganoon man: parang wala ni isa sa amin ang may lakas ng loob para patayin ang katahimikan.

Nakaka-tamad tuloy maglakad kapag ganito. Hindi nakakalibang.

"Narito na tayo." Sambit ni Reyna Accacia na nang mga oras na 'yon ay itinuturo ang isang kakatwa at kakaibang bahay.

" Sambit ni Reyna Accacia na nang mga oras na 'yon ay itinuturo ang isang kakatwa at kakaibang bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Arentis 3 | Propesiya | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon