XVI - Ang Disyerto ng Urak

1.3K 79 47
                                    

CHAPTER XVI 

Naikwento sa amin nina Jotaro, prinsipe Geret at reyna Accacia ang tungkol sa ginawa nilang pag-oobserba sa mga daungan sa Tamor. Sinabi nilang wala silang nakitang tao o mga bagay na kahina-hinala, bagay na nagbigay sa kanila ng kasiguraduhan na walang patibong na nag-hihintay sa amin sa oras na marating namin ang disyertong kaharian.

Disyertong kaharian, oo—tama ka nang narinig. Sabi kasi sa amin ni reyna Accacia: Isang malaking disyerto ang buong kaharian ng Tamor. Nahahati ang kaharian sa dalawang lugar: ang malawak at mainit na disyerto ng Urak at ang Tamor mismo, kung saan naroon at nakatayo ang kastilyo ng kaharian.

Ang pinagkaiba ng dalawa, mas mainit daw sa Tamor at talaga namang bihirang bihira ang tubig, napapaligiran daw ang buong Urak nang malawak na disyerto, may mga tao naman daw doon, may mga maliliit na nayon at mangilan-ngilang mga tribo, pero kakaunti na lang daw sila at halos karamihan sa kanila eh naroon lang sa Urak para mag-mina ng ginto.

Hindi naman daw kasi ganoon talaga ang Urak, mayaman daw ang lugar na 'yon, at kung tutuusin: hindi daw talaga disyerto ang buong Urak. May kung anong sakuna daw ang naranasan ng lugar kaya naging tuyo ang paligid ang nalubog sa makapal na buhangin ang noo'y maganda at mayamang lugar na 'yon. Iyon na marahil ang dahilan kung bakit may mga naglalakas-loob na pumunta sa lugar na 'yon at makipagsapalaran na baka sakali eh makakuha sila ng ginto, na tahimik namang nakalubog sa ilalim ng makapal at mainit na buhangin.

Ang Tamor naman ay napapaligiran ng mga niyog, at nakatayo malapit sa pampang, kaya naman daw 'di hamak na mas presko ang lugar na 'to, kumpara sa Urak. No'ng ikinukwento sa anin ni reyna ang lahat ng 'to, naiisip ko bigla 'yung mga napapanood ko sa TV.

Isang masigla at maingay na kaharian ang Tamor, ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao dito eh walang iba kung hindi ang pangingisda, minsan naman daw eh pangangalakal ng ginto—dahil dito rin daw ibinebenta ng mga galing sa Urak ang mga nahuhukay nila.

"Ganito ang gagawin natin." Simula ni reyna Accacia. "Sa Tamor kami dederetso nina Jotaro at Geret, sasakay muli kami sa kaibigan kong Sarimanok, habang kayo naman—" Nilingon niya kaming magpipinsan. "Ay dadaong sa Urak."Bigkas n'ya.

"Ha?" Kunot-noo kong bulong.

Parang napalakas 'ata 'yung bulong ko sa kadahilanang isa-isang nagsilingon ang mga tao dito sa masikip na sala nitong Milan. Napalunok na lang ako't hindi na sumagot.

"'Wag ka nang magreklamo bata—" Simula ni Je'il. "Wala ka sa posisyon. Kung ako nga hindi nagreklamo." Nakangisi n'yang dagdag.

Hindi pa rin ako sumagot. Hindi naman sa ayaw ko ang suhestyon ni reyna Accacia, kaya lang: parang ang init do'n. Kung madaling araw kaming makakarating sa Tamor, sana man lang hindi kami tanghaliin sa disyerto.

"Magkita-kita na lang tayo sa Tamor, magpapadala ako ng mensahe pagkadating namin doon." Simula muli ni reyna Accacia. "Sa oras na matanaw na natin ang daungan sa Urak ay lilipad na kami patungo sa Tamor. Mula roon ay magpapadala na ako ng mensahe tungkol sa mga impormasyong makakalap namin mula roon." Sambit niya.

"Sasabihin na rin namin sa mensahe kung saan at anong oras tayo magkikita-kita." Singit naman ni Jotaro.

Wala namang nagsalita sa amin, tahimik kaming nakikinig at mariing inuusisa at sinasaulo ang bawat detalye at utos nitong misyon.

"Bueno, kung wala ng mga katanungan—" Simula ni prinsipe Geret. "Magpahinga na tayo at mahaba pa ang araw natin bukas." Nakangiti niyang sabi.

Isa-isa na kaming nagsitayuan at nagsiakyatan patungo sa aming mga silid na nasa ikalawang palapag nitong Milan. Nahiga na ako't tahimik na nagmumuni-muni habang pinagmamasdan ang madilim na kisame at pinapakinggan ang kalmadong alon ng dagat na s'ya namang naghehele sa akin, hanggang sa makaramdam na ako ng antok.

Arentis 3 | Propesiya | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon