Chapter XVIII - Ang muling pagpapakita ni Anino

771 54 37
                                    

Chapter XVIII

Mahigpit kong hinawakan ang espadang kahoy ng mga oras na 'yon. Ngayon ko lang nakita ang mga batang 'to, at kung titignang mabuti'y wala sa mga itsura nila na galing sila dito sa Arentis--parang ano...

"Tao 'tong mga 'to?" Tanong ko sa sarili. Habang masusing tinititigan ang dalawang bata, lalo na 'yung matabang isa na ngayon e papalapit na sa amin...

Sa direksyon ko lang pala--

"Sagot!" Sigaw ng batang mataba na nang mga oras na yon ay ibinigwas ang kanang braso. Malakas at mainit na hangin ang mabilis na bumulusok sa direksyon ko, dahilan para takpan ko ang aking mukha.

Na kung tutuusin e... Maling desisyon.

"Kelvin!" Dinig kong sigaw ni kuya Gayle.

Dali dali kong binuksan ang aking mga mata at laking gulat ko na lang nang makitang wala na ang batang mataba sa aking harapan. Tuliro akong napatingin sa kaliwa't kanan, subalit hindi ko s'ya makita. Hanggang sa mapatingin ako sa itaas.

"Lintek-- " Mabilis kong bulong.

Mula sa itaas ay nakita ko ang batang mataba, nakaamba sa aking direksyon ang noo'y umuusok nyang kanang kamay, at habang papalapit ito'y isa-isang nagsisulputan ang maliliit na alab na mabilis namang naging isang malaking apoy na tuluyang bumaliot sa kamay at braso ng bata.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko habang pinapanood ang noo'y papalapit at nag-aapoy na kamao ng batang mataba. Dali-dali kong ini-amba ang espada kong kahoy para pigilan ang atake ng bata.

"Mahina." Dinig kong bulong ng bata habang dahan-dahan itong papalapit sa akin. Kitang-kita ko kung papaano kumurba ang mga labi nito't napangisi. Ganoon na lang ang pagkagulat ko ng hawakan n'ya ang espada kong kahoy na dahan-dahan namang umusok dahil na rin siguro sa init noong apoy na nakabalot sa kamay ng bata.

"Anong--?!" Laking gulat na bulalas ko. Hindi ko pa rin hinayaang mangibabaw ang takot. Mahigpit ko pa ring hinawakan ang espadang kahoy at buong lakas na pinigilan ang pag-atake ng batang mataba. Ramdam ko 'yung bigat nya--este--'yung bigat ng atake.

Ramdam ko rin ang bahagyang paglubog ng mga paa ko sa lupa, ganoon na rin ang unti-unting pag-usok ng mga damo sa paligid ko. Kitang-kita ko rin kung papaano isa-isang nagsi-liyab ang ilan sa mga natuyong dahon at damo.

Malakas 'tong batang 'to.

Patuloy na idiniin nung batang mataba ang kanyang kanang kamay sa akin. Masyadong malakas 'tong batang 'to. Nararamdaman ko na unti-unti na akong nanghihina, isama mo pa 'yung init ng apoy sa paligid na talaga namang nakakapang-hina. Muling ngumisi ang bata at pagkatapos nito'y mabilis nitong pinakawalan ang pagkakahawak sa aking espadang kahoy. Bahagya akong naka-piglas at mabilis na iniayos ang pakakatayo, subalit mabilis rin akong napayuko't napatakip ng mukha nang makita ko na pa-ambang sisipa ang bata sa akin.

Pero parang nagkamali 'ata ako ng pagtantya, dahil bigla na lang akong tumilapon ng naramdaman ko ang malakas na sipa ng bata sa aking tagiliran, na sya namang naging dahilan para mamaluktot ako sa sakit.

"Kelvs!" Dinig kong sigaw ni kuya Gayle, pero hindi ko na magawang makasagot. Masyadong masakit 'yung natamo kong sipa mula sa bata, parang hindi nga galing sa bata 'yung sipa.

Imbes na sumagot, marahan ko na lang na tinitgnan si kuya, na sa mga oras na 'yon eh mabilis na pumunta sa harapan ko para protektahan ako mula sa dalawang bata. Gusto kong sabihin kay kuya na malakas 'yung batang mataba--pero sigurado namang obvious na 'yon.

"Ako ng bahala dito." Dinig kong sabi sa akin ni kuya. Mabilis na binalutan ng yelo katawan ni kuya. Parang nagkaron s'ya ng armor na yari sa yelo na binabalitan ang kanyang ulo, katawan, braso, at binti. May malaking kalasag din si kuya na gawa sa yelo at espadang yari sa--

Arentis 3 | Propesiya | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon