XIII - Ang bagong Uruha

783 61 10
                                    

Chapter XIII

Inabot nang halos tatlong araw ang naging pagpupulong namin nina Kuya Gayle, Paolo, Batluni, Je'il, pinunong Jotaro, ang manghuhulang si Isko, si Geret at ni Reyna Accacia, dito sa bulwagan ng Reyna sa itaas nang palasyo ng Arentis. Tatlong araw naming pinag-usapan ang mga dapat gawin o ang dapat na isagot sa imbitasyong ibinigay sa amin ng tatlong kaharian.

Doon lang namin napagtantong totoo pala ang sinabi ni Anino, na kalat na pala talaga sa buong Arentis na ang kaharian ng Tamor, Riasotera at Eringkil ay may tig-iisang batang taga-lupa, at sila ang ipinakikilala nila na mga hinirang mula sa propesiya ng yumaong si Pelayon. Ayon kay Accacia, isang malaking gulo ang ginawa nang tatlong kaharian, sa kadahilanang wala namang ibang maidudulot ang propesiya kung hindi ang takot.

"Tapos ngayon..." Simula ni Reyna Accacia. "Dahil kalat na sa buong Arentis ang tungkol sa propesiya, iisipin ng mga tao ang tungkol sa papalapit na sakuna—ang pagbalik ni Minukawa, muli na namang mababalot sa takot ang buong—" Naudlot s'ya sa pagsasalita.

"Ngunit wala tayong ibang magagawa." Singit ni Prinsipe Geret. "Mangyari man na mapatunayan nating impostor ang kanilang mga hinirang, ay hindi pa rin nito mapipigilan ang mga tao na matakot sa propesiya." Saad niya.

Tumango naman si Jotaro at nagwika: "Wala na tayong ibang magagawa, kung hindi ang paunlakan ang kanilang imbitasyon." Sambit niya.

Kitang-kita ko kung papaano kumunot ang noo ni Reyna Accacia sa sinabing iyon ni Jotaro. "At pagkatapos?" Kapansin-pansin ang bahagyang pagtaas ng kanyang boses. "Hindi mga panabong na manok ang mga batang taga-lupang inaalagaan ko! Na sa kahit saang laban ay maaring sumugal." Sambit niya.

Sa pagkakataong ito'y tumayo na si Jotaro, "At hahayaan na lang natin na ipangalandakan ng tatlong kaharian ang mga batang iyon?" Tanong niya.

Sandaling naging tahimik ang bulwagan ng reyna. Bahagyang bumuntong hininga si Jotaro, marahan itong naglakad palapit kay Reyna Accacia at nakangisi nitong sinabi ang mga katagang nagpabago sa akin.

"Hindi ba't magandang pagkakataon na rin ito," Simula n'ya. "Upang malaman natin kung sino ba talaga sa anim na taga-lupa ang tunay na nakasaad sa propesiya?" Sambit niya sa amin. Kitang-kita ko kung paano marahang itinuon ni Jotaro ang kanyang paningin sa akin, hindi naman ako nagsalita.

Bagkus ay nanatili akong tahimik at mariin rin siyang tinitigan.

Anong gusto mong mangyari pinuno?

Anong ibig mong sabihin?

At noong araw ding 'yon, napagpasyahan naming lahat na paunlakan ang imbitasyon ng tatlong kaharian. Nagpadala nang mensahe si Accacia sa mensahero ng Arentis nang araw ding 'yon.

At noong araw ding 'yon nagsimula ang aming pagsasanay para sa paligsahan sa Tamor na magaganap sa susunod na buwan.

~~~

[Sa isang kagubatan malapit sa palasyo ng Arentis]

Tanghaling tapat noon, tirik na tirik na ang sikat nang araw pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo dito sa masukal na kagubatang matatagpuan sa timog na bahagi nitong palasyo nang Arentis. Walang masyadong nagpupunta dito, bukod sa masukal na eh madilim rin ang buong kakahuyan, lalo na sa gabi.

Paano ba naman, halos dikit-dikit na 'ata ang mga puno dito at bukod sa nagtataasa'y halos magdikit-dikit na rin ang mga sanga nang mga puno dito. Kung hindi lang talaga tag-lagas, siguradong wala nang tatagos na liwanag mula sa araw dito kahit na tanghaling tapat.

Arentis 3 | Propesiya | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon