CHAPTER - V
Hindi ako nakatulog ng matiwasay kagabi, kahit pa sobrang busog na busog ako at halos manlupaypay ang buong katawan ko dahil na rin sa ilang oras na pagsasanay namin ng Karao na si Owen. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga salitang nagmula kay Jotaro, na askidente ko namang narinig kaninang papunta ako sa silid kung saan sila nagpupulong-pulong nina reyna Acacia at Isko.
Ano kayang ibig sabihin ng pinuno doon? At bakit parang hindi ko matanggap na hindi pa rin pala kumbinsido sa amin si Jotaro—kung kami nga ba ang talagang tinutukoy n'ya...
Kami nga kaya iyon? Eh wala namang ibang batang kasama sa grupo kung hindi kami lang eh...
Takte... Ayoko ng ganito...
"Okay ka lang?"
Hindi ko napansin na kanina pa pala ako pinagmamasdan ni kuya Gayle. Kanina pa kasi ako nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan ang liwanag ng buwan at ang mga nagkikislapang bituin sa langit. Ganito ako kapag nag-mumuni-muni.
"Ha—oo! O-okay lang ako—" Gulat na gulat kong sagot.
"Tsk, hindi ka okay eh." Sagot ni kuya Gayle. "Alam ko yang mga pa drama-drama mong 'yan eh. Ano bang problema?" Inakbayan n'ya ako at tinapik-tapik ang balikat.
Napailing na lang ako. Ganito na ba talaga ako ka-boplaks magsinungaling? Obvious ba talagang may tinatago ako sa kanila?
"Walaaa..." Sambit ko. "Masakit lang ang t'yan ko sa sobrang dami ng kinain natin kanina. Tsaka masakit din 'yung katawan ko kasi nagsanay kami nina Je'il at Owen—ang sakit kaya ng mga suntok nung si Owen—" Pagsisinungaling ko, na sinundan pa ng bahagyang pag-halikhik.
Napailing naman si kuya Gayle, na halatang hindi pasok sa bangga 'yung pagsisinungaling ko't nakiki-sakay na lang 'tong si kuya sa kung ano mang trip meron ako ngayon.
"Bahala ka." Saad niya. "Matulog ka na, maya-maya umaga na naman, alam mo ng mabilis ang oras dito." Muli na siyang bumalik sa pagkakahiga at saka nagkumot.
"Oo na." Bulong ko.
Hindi rin nagtagal eh, sinunod ko na rin naman ang sinabi ni kuya, nahiga na rin ako at nagkumot at pinilit ang sarili na mahimbing kahit pa napakarami ng mga bagay-bagay na tumatakbo sa napakamura kong kukote. Masyadong maraming tanong ang bumabagabag sa akin:
Ang mga narinig kong sinabi ni Jotaro kanina...
Ang propesiya—kung ano ba talagang meron doon...
Si Minukawa...
Si Kheena...
Kumusta na kaya si Kheena? Ano na kayang ginagawa sa kanya ni Minukawa ngayon? Kailangan naming malaman kung nasaan siya...
Sana walang nagyayaring masama sa kanya.
Sana...
***
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Halos parang kulang pa sa dalawang oras ang tulog ko pero ayos na rin, hindi naman ako nanlalambot dahil sa puyat. Pagkatapos kong kumain ng Tamales at mainit na tsokolate eh kaagad na akong naglakad-lakad sa buong Talimaon para hanapin si Je'il.
Pero ang pinagtataka ko lang, kanina pa ako naglalakad dito eh—halos inabot na nga ako ng bukang liwayway pero ni anino nung unggoy na 'yon hindi ko makita. Saan na naman kaya lumambitin 'yung ugok na 'yon? Nagtungo na rin ako sa batis kung saan kami nagsanay ni Owen kahapon, pero kataka-takang wala akong nadatnan doon kung hindi ang mga kababaihan ng Talimaon na abala sa paglalaba.
BINABASA MO ANG
Arentis 3 | Propesiya | Ongoing
AcciónKumalat na ang balita patungkol sa muling pagkabuhay ng halimaw na dati ng naminsala at muntikan ng umubos sa mga nilalang na naninirahan sa kaharian ng Arentis--si Minukawa. At dahil sa balitang ito'y muling umusbong ang usap-usapan sa propesiyang...