"Anong plano mo, bro?"Ang tanong na iyon ni Claine ang nagpatigil sa akin sa pagtitig sa kawalan.
Umayos ako ng upo. "Sa totoo lang, hindi ko alam. Wala akong ibang alam na paraan kung paano siya makakausap."
"Why would you even care in the first place? Hayaan mo na lang. Baka kapag kinausap mo pa, umasa lang 'yung tao." komento ni Amen.
"Pero ganoon na lang 'yun? Respeto naman sa feelings niya, bro. Kausapin mo." pangungumbinse pa ni Claine.
"Ganyan kasi. Bakit inunahan mo ng block? Ginantihan ka tuloy." paninisi ni Amen, saka nag-inat at binuksan ang pinto ng sasakyan ko sa likuran. Sa backseat kasi ito pumwesto para sana matulog--pero ang balak nilang pag-idlip sa vacant time nila ay hindi nangyari. Dahil sa panibago na namang confession ni Serene.
Mula sa pagkaka-recline ng passenger seat, umayos na rin ng upo si Claine. "Papasok pa ba tayo sa afternoon class?"
Si Amen ang sumagot. "Syempre. Dadagdagan pa ba natin ang pasakit ng mga kababaihan, bro? Isipin n'yo na lang ang mga taong pumasok lang para makita tayo. Nag-effort sila makasilay lang. 'Yun ang tinatawag na, "Respeto naman"! Kaya papasok tayo."
Lalo yatang sumakit ang ulo ko sa sinabing iyon ni Amen. Sumubsob na lang ako sa harap ng manibela.
"Bahala na." sambit ko na lang.
Muling humiga si Claine saka pumikit. "Bahala na. Tutulog muna ako saglit. Huy, Amen. Sara mo 'yang pinto, lalabas ang aircon."
"Ang lamig ang lalabas, hindi ang aircon. Para 'tong tanga." Pero tumalima naman si Amen. Isinara nito ang pinto sa backseat pagkatapos ay humiga na rin. "Gusto kong pumasok pero gusto ko ring matulog. Ah, bahala na."
Nilingon ko ang dalawa. Pareho na silang nakapikit. Sinubukan ko rin umidlip pero ayaw akong tantanan ng confession ni Serene.
Sa pagpikit ko ng mga mata, parang paulit-ulit ko lang binabasa sa isip ang nilalaman ng mensahe niya.Dahil doon, kinuha ko uli ang cellphone ko na nasa dashboard at muling chineck kong na-unblock na ba ako ni Serene. Pero kagaya kahapon at kanina, You cannot reply to this conversation pa rin ang nakalagay.
Kung kaya tumuloy na lang ako sa confession page. At muli pa, binasa ko ang pagtatapat niya....
------
"Boys! Form your line na!" kandasigaw si Mr. Lapuz--ang baklang subject teacher namin sa Mapeh. Siya rin ang nakatoka sa pag-oorganisa ng nalalapit na Junior-Senior Prom namin. "Let's start! From the top!"
And as a junior student, isa ako sa nakapila ngayon sa linya ng mga lalaki. Nasa kabilang side naman ang sa mga babae. JS Prom rehearsal namin ng mga sandaling iyon.
At dahil napilit na rin lang ako nila Claine na mag-commit na a-attend ng prom, might as well i-enjoy ko na lang."Pagkatugtog na pagkatugtog ng music, pasok agad! Okay?" Pagbibigay intruksyon ni Mr. Lapuz. "In three.. Two.. Pasok!"
Biglang pumailanlang sa buong auditorium ang isang kanta.
I never dream
'Cause I always thought that dreaming was for kids.. Just a childish thing..Nagsimula nang umandar ang pila. Dahil rehearsal pa, kaya random pa ang magiging kapares namin sa pagpapasok ng auditorium.
Pangatlo na naming ulit iyon kaya alam ko na ang gagawin. Iba-iba rin ang estudyanteng nakasama ko kanina.
Dahil kung sino ang makakatapat ko sa pila, kami ang kunwaring magiging partners. Ihahatid ko siya hanggang sa loob, ihahatid sa uupuan niya.
YOU ARE READING
Daily Fools
Teen FictionBrokenhearted si Kassandro sa ex-girfriend niya nang dumating sa buhay niya si Serene--ang babaeng ginawang hobby ang kulitin siya. Mula sa walang humpay sa chat messages hanggang sa pagtawag sa kanya ng 'mahal'. Sa pagkabwiset, binlock niya ito sa...