Benjamin D. Alforque mentioned you in a comment.
Romanticisms Message Board
57 minutes agoTo Mr. Silent Heartbreaker;
Dear You,Pinuyat ako kagabi sa ipinagtapat mo, Kassandro.
Hinanap mo ako. Ang ibig ba sabihin 'nun, minsan sa buhay mo, sa pagitan ng kawalan, sa bawat biglang liko, sumagi rin ako sa isip mo?Mas lalo lang tuloy akong nanghinayang. Ang daming 'kung sana'.
Kung sana, hindi ako umiwas. Kung sana, ganito na ako katapang magtapat ng damdamin 'nung una pa lang. Kung sana, hindi ako laging pinangungunahan ng takot.Ngunit, kung ilang beses kitang sinubukang iwasan at kalimutan, gusto kong malaman mo na ganoon rin ko rin kadalas ginustong magtapat na sayo.
Oo. Makailang ulit kitang tinangkang lapitan noon, para ipaalam sa 'yo na gusto kita. Gustong gusto kita, Kassandro.
Pero sa tuwina, laging nakabuntot sa akin ang anino ng hiya--na baka ano ang isipin mo sa akin, na baka mas gusto mo ang isang dalagang pilipina na nasa tabi lang, mag-aantay na may binatang maunang magtapat ng damdamin sa kanya.
Kaso lang, hindi lahat kasing swerte ni Maria Clara--na ligawin.
Pero lahat may angking tapang gaya ni Gabriela Silang--mandirigma. Handang ilaban ang sinisidhi ng puso. Siya, para sa bayan. Ako, para sayo.Kaya noong gabi ng Marso, kung saan punong-puno ng bituin ang kalangitan at nagkalat ang mga korteng pusong papel sa bulwagan--sa mismong Graduation Ball natin--napagpasyahan kong magtapat na.
Pinangako ko sa sarili ko noon, na iyon na ang magiging huling gabi na mananatiling lihim ang pag-ibig ko.Sa tulong na rin ng mga lovesong, nahanap ko ang tapang. Ah, kailangan kong magtapat na.
Pero dumaan ang segundo, minuto at oras.. hanggang sa namalayan ko na lamang, malapit nang matapos ang programa. Pero nanatiling tinatanaw pa rin kita.Kailangan kong kumilos na!
Pero biglang itinigil ang musika. Nawala ang kislapan ng ilaw. Umakyat sa entablado si Miss Romina--ang subject teacher natin sa English na siyang nagsilbing Master of the Ceremony.
May inaanunsyo. Isang palaro. Bago magtapos ang gabi. At ang huling chance ko bago ako lamunin na naman ng karuwagan.Ang mechanics ng game, bubunot ang lalaki at babae sa magkaibang fishbowl. Ang laman niyon, kulay pulang kartolina na kinorteng basag na puso.
Find the half of the heart that match yours.
Wala pa ako sa mood noon nang tumapat sa akin si Miss Romina para pabunutin ako, kasi naman, abala ako sa pag-iisip kung paano at kailan kita lalapitan.
Basta lang ako kumuha noon ng isang basag na puso at nilagyan ng pangalan ko, base na rin sa direksyon ni Miss R.Nakita ko pa na bumunot rin kayo noon ng mga kaibigan mo, nilagyan nyo rin ng pangalan gaya ng ginawa ko.
At pagkatapos makabunot ang lahat, muling bumalik ang musika, nagkikislapan uli ang mga ilaw.. May nagsasayawan na uli sa gitna ng dance floor.
Maya-maya na raw iaanunsiyo ang nakabunot ng tanging pusong magkapares.
Bilang premyo, sa kanila ibibigay ang last dance--bilang pang-closing ceremony na rin ng Graduation ball.Pero biglang nagkagulo.
Hindi ko na namalayan kung paano nagsimula at nagtapos.
Nakita na lang kitang palabas ng auditorium kasama ang tropa mo--kasama ang kabilang grupo na nakaaway ninyo.Wala na.
Wala nang pag-asa na makakausap pa kita.
Napagdesisyunan ko na umuwi na lang din--dahil kagaya ng kalahating pusong papel na hawak ko, ganoon rin ang kinahinatnan ng puso ko.
Wasak. Basag. Hati.Nang bigla kong mapansin sa sementadong sahig ang mga nagkalat na basag na pusong papel.
Iyong mga nabunot ninyo siguro. Marahil nabitawan ninyo noong magkagulo na.

YOU ARE READING
Daily Fools
Roman pour AdolescentsBrokenhearted si Kassandro sa ex-girfriend niya nang dumating sa buhay niya si Serene--ang babaeng ginawang hobby ang kulitin siya. Mula sa walang humpay sa chat messages hanggang sa pagtawag sa kanya ng 'mahal'. Sa pagkabwiset, binlock niya ito sa...