Serene Nitty updated her status 2 minutes ago.Ikaw ang pag-ibig na basta na lang dumating nang walang pasintabi; nakuha mo na ang puso ko bago pa man ako makahindi.
LIKE | COMMENT | SHARE
ABALA ako maghapon sa kaka-scroll up and down sa facebook nang bumalandra ang status update na iyon ni Serene sa newsfeed ko.
Gusto ko sanang i-Like iyon kaso naisip ko, baka maiba niya ng intindi at tadtarin na naman ako ng chats. Natuto na ako sa ginawa kong pagreply ng smiling emoji sa mga messages niya kagabi. Hindi na niya ako tinantanan ng one-sided conversations niya sa messenger dahil doon.
Kung kaya itinuloy ko na lamang ang pagso-scroll down sa newsfeed. Samu't saring memes and rants ang nabasa ko. Ni-like ko ang iba, habang in-ignore na lang ang ilan.
Hanggang sa nakita ko ang isang post.
Shahanah Chavez shared Romanticisms Message Board's post.
Out of curiousity, binasa ko ang shared post ni Sha. It was some sort of a confession. A love confession.
Punong-puno ng heart emojis ang kabuuan niyon. Kada sentence, may kalakip na 'haha'. Mababaw, oo. Pero sweet. And so, I tap the shared button.
Pinost ko iyon sa profile ko, at nilagyan ko ng smiley emoji as caption.Wala pang minuto matapos ko iyong shinare, may dumating na notifications.
Serene Nitty react in your shared post.
Serene Nitty commented in your shared post.Serene Nitty: Sweet ni sender. Sana all. (Inlove emoji)
Hindi ko na lamang pinansin ang comment ni Serene. Bumalik ako sa newsfeed at itinuloy ang kaka-scroll up and down, nang biglang mag-pop-up ang message niya.
Serene Nitty
• Active NowSerene: Hello, Mister.
Serene: Uy, notice me please.
√ Seen 12:23 PM
Serene: Hala, seen na naman?
Serene: Nagreply ka na lastnight, eh. Ba't seen na naman ngayon?
Curious Kace: < Like >
Serene: Kung iipunin ko lang lahat ng 'likes' mo, baka in a relationship na tayo now.
Serene: Like na like din kasi kita. He-he
Serene: Busy ka po?
√ Seen 12:40 PM
Serene: Sir, baka pwede magtanong?
Serene: Hello?
Serene: Uy, may tanong lang po ako.
Curious Kace: Ano ba 'yun?
Serene: May car ka, di ba?
√ Seen 12:49 PM
Serene: Pagod ka na ba?
Curious Kace: Bakit mo alam?
Serene: Na pagod ka na? Kasi kanina ka pa tumatakbo sa isip ko, eh..
√ Seen 12:53 PM
Serene: Uy, mamansin ka naman.
Serene: 'Di nakakabawas ng kapogian mo kung rireply-an mo ako, mahal.
Curious Kace: Bakit mo alam na may kotse ako?
Serene is typing a message...
Curious Kace: Kilala ba kita?
√ Seen 12:57 PM
Curious Kace: So, nangsi-seen ka na rin?
Serene: Sorry, late reply..
Serene: Hindi ko lang kasi alam kung paano sasagutin ang tanong mo.
Curious Kace: About?
Serene: Kung kilala mo ba ako.
Serene: Kasi hindi ko maiwasang hilingin na sana nga, kilala mo na lang ako.
√ Seen 1:01 PM
Serene: Uh, nang-seen uli. Asar ka na ba?
Serene: Huy, mister. Pasagot 'nung tanong ko.
Serene: May sasakyan ka, 'di ba?
Serene: Mura lang ba 'yun?
√ Seen 1:14 PM
Curious Kace: Mahal.
√ Seen 1:15 PM
Serene is typing a message...
Serene: Yes, mahal? (blushing emoji)
Curious Kace: Huh?
Serene: Akala ko tawag mo 'ko, eh. (Laughing emoji)
√ Seen 1:19 PM

YOU ARE READING
Daily Fools
أدب المراهقينBrokenhearted si Kassandro sa ex-girfriend niya nang dumating sa buhay niya si Serene--ang babaeng ginawang hobby ang kulitin siya. Mula sa walang humpay sa chat messages hanggang sa pagtawag sa kanya ng 'mahal'. Sa pagkabwiset, binlock niya ito sa...